Chapter 33

1.6K 86 169
                                    

“Thank you” ang nakangiting sabi ni Nikita kay Antonio. Inilapag nito sa ibabaw ng lamesa sa kanyang harapan ang  niluto nitong maaga nilang pananghalian.
Pangalawang araw na iyun ni Antonio sa kanyang bahay, simula  nang isinama niya ito sa kanyang bahay. Nang maging abala siya sa paggawa ng mga orders ay si Antonio ang nagluto ng kanilang pananghalian at hapunan at sandali itong umuwi sa kanilang bahay, at muli na naman itong bumalik.
She didn’t mind, siya pa nga ang nagsabi kay Antonio na bumalik ito sa bahay at magdala ng damit. She wanted him there, she wanted Antonio’s presence in her house.
“Anong thank you?” ang nakangiting sagot ni Antonio na nakatayo sa kanyang tabi, he looked down on her, and dipped his head closer to hers and she welcomed his lips for a sweet kiss.
“I  love you” bulong nito sa kanyang mga labi, at muling dumampi ito para sa isa pang matamis na halik.
“I love you” ang nakangiting sagot niya kay Antonio habang nakatingala siya para salubungin ang mga labi nito.
Naupo na ito sa silya sa  kanyang tabi, nagsimula  na silang kumain ng maaga nilang pananghalian na niluto ni Antonio, na sinigang na isda.
“Hmmm” ang sambit niya nang dumampi na sa kanyang labi at dila ang maasim-asim na mainitin na sabaw.
“Ano?” ang tanong sa kanya ni  Antonio, na hinihintay ang sasabihin niya tungkol sa niluto nitong ulam.
“Sarap” ang nakangiting sagot niya, mukhang nakuha ni Antonio ang galing sa pagluluto sa nanay nito. Halos  lahat kasi ng niluto ni Antonio ay masarap. Mukhang umaapaw sa sarap si Antonio Alimbuyugin.
“Humigop ka ng sabaw , kailangan mo iyan” ang bilin sa kanya ni Antonio sabay kindat sa kanya at nag-init ang kanyang mga pisngi.
“Ilang linggo lang sigurado, dalawa na kayong kakain” ang sambit pa nito bago tio sumubo ng kanin.
At bigla siyang natigilan sa sinabi  ni Antonio, the possibility that she could have gotten pregnant or, she could be pregnant is not impossible. At pinagmasdan niya si Antonio. Hindi siya kailanman magdadalawang – isip, to have his child. Foe the second time, she trusted her heart, for the second time she believed in love, and for the second time she let her her heart be the master of her life.
“Kailangan ko na siguro na maghanap ng bahay na tutuluyan natin”-ang pagpapatuloy pa  nito.
“Antonio” ang sambit niya.
“Maghahanap ako ng bahay na pwede kong hulugan ng buwan-buwan”-
“Antonio” ang mariin niyang sabi rito.
Tumigil siya sa kanyang pag kain, inilapag niya ang kutasa at tinidor sa ibabaw ng kanyang plato.
“Antonio”  ang sambit niya, her voice sounding unsure at napansin iyun ni Antonio.
Huminto rin si Antonio sa kanyang pag kain, at tiningnan siya nito nang diretso sa kanyang mga mata. At nakaramdam din siya nang pag- agam-agam ng mga samdali na iyun.
“Nikita, alam ko hindi ko kaya ibigay ang maalwan na buhay para sa iyo at sa magiging anak natin, alam ko mababa lang ang pinag-aaralan ko, wala akong ibang pwedeng ipagmalaki sa iyo o sa pamilya mo, pero, ipinapangako ko sa iyo na, hinding- hindi kita, kayo pababayaan, matiyaga ako at masipag, lahat gagawin ko para para mabuhay ko kayo” ang giit ni Antonio sa kanya. At mas lalo niyang minahal si Antonio, tumaba ang puso niya para sa lalaking, pinagkatiwalaan niyang muli ng kanyang puso.
“Antonio, kailanman ay hindi kita ikahihiya, kahit pa anong katayuan mo sa buhay, mahal na mahal kita at tiwala ako sa iyo na kaya mo, at  gagawin mo ang lahat para sa atin, para sa akin, at ganun din ako para sa iyo, kaya gusto ko ay abutin mo muna ang mga pangarap para sa iyo at sa pamilya mo” ang  mariin na sagot niya rito.
Umiling si Antonio, “Pero ikaw ang pangarap ko” ang giit niya, “at maintindihan nina nanay at tatay kung, uunahin ko ang titirhan natin” ang paliwanag pa nito sa kanya.
“Antonio, hindi ako mawawala sa tabi mo, at saka hindi mo kailangan na maghanap ng bahay para sa atin, napakalaki ng bahay na ito para sa atin” ang giit niya.
“Pero”-
“Ang pangarap ko ay ang maabot ang mga pangarap mo Antonio, susuportahan kita, unahin mo muna ang pamilya mo, unahin mo si Arthur, unahin mo si Antonio” ang nakangiting  sagot  niya rito, “don’t look so low at yourself, napakarangal mo Antonio, daig mo pa ang mga may pinag-aralan” ang giit ni Nikita.
“Napakaswerte ko talaga sa iyo” ang nakangiting sabi ni  Antonio sa kanya.
“Hmmm, I don’t think so, I have a very short temper Antonio, mabilis akong magalit, baka hindi mo ako matagalan” ang nakangiti ngunit seryoso na sagot niya rito.


Kumunot ang noo ni Antonio, naalala niya ang kwento ni Lily, tungkol sa nagpakamatay na modelo dahil sa nagkagusto raw si Nikita. Gusto niya sanang  tanungin si Nikita tungkol sa modelo na iyun, pero, gusto niya na si Nikita na mismo ang magbukas nito sa kanya.
“Nikita,mahal na mahal kita at lahat ay kaya  kong tanggapin, ang kagandahan at kapintasan  mo” ang  matapat na sagot niya at napansin niya na nangilid ang luha sa mga mata ni Nikita.
“Salamat Antonio” ang  sagot nito sa kanya.
Isang matamis na ngiti naman ang isinagot niya rito, hindi na siya makapaghintay na maging misis niya si Nikita at maging ina nang kanyang magiging mga anak.
“Nikita kailan tayo magpapakasal?” ang umaasa ng tanong niya rito.
Napansin niya na bumagsak ang mga balikat nito, bago ito nagsalita.
“Antonio, maaga pa para mag pakasal tayong dalawa” ang pagtutol nito sa kanya.
“Pero Nikita”-
“Oo alam ko, mahal natin ang isa’t isa, pero tulad ng sinabi ko sa iyo, tuparin mo muna ang mga  pangarap mo sa sarili mo, darating tayo sa stage na iyan, okey? Tingin mo ba mawawala pa ako sa iyo? Marriage will not guarantee na hindi tayo maghihiwalay, pero maniwala ka na hindi  ako  mawawala sa iyo” ang paninigurado sa kanya ni Nikita na may ngiti sa mga labi nito.
Hindi man iyun ang gusto niyang mangyari at ang maging sagot ni Nikita, pero, tinanggap niya iyun, ayaw niyang madaliin si Nikita kung hindi pa man ito handa sa inaalok niya.
“Ikaw Antonio, alam ko ang mga pangarap mo para sa mga magulang mo at kay Arthur, ano naman ang pangarap mo para sa sarili  mo?” ang tanong ni Nikita sa kanya.
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya at mas lalo niyang minahal si Nikita, dahil sa unang  pagkakataon ay may taong nagtanong ng kanyang pangarap para sa kanyang  sarili. Kahit isa sa pamilya niya ay wala siyang pinagsabihan, kahit pa si Claire na madalas na niyang nakakausap patungkol sa kanyang buhay ay di alam ang kanyang  pangarap.
“Uhm, gusto kong, makapagtapos ng pag-aaral Nikita, high-school graduate lang kasi ako, gusto ko sana na makapagtapos kahit vocational lang” ang pag-amin niya kay Nikita.
“Ano bang gusto mong pag-aralan?” ang usisa ni Nikita.
“Automotive talaga ang gusto ko” ang mabilis niyang sagot, “may vocational courses pero, dahil sa kailangan kong unahin ang pamilya ko, isinantabi ko muna ito” ang sagot niya.
“Bakit hindi ka mag-aral?” ang tanong ni Nikita sa kanya na ipinatong na ang kutsara at tinidor nito sa ibabaw ng plato nito. Palatandaan na tapos na itong kumain.
“Uhm, hindi ko pa kakayanin”-
“Pwede ka ng mag-aral at mat regular ka ng trabaho, kung gusto mo tutulungan kita” ang alok nito sa kanya.
Mabilis siyang umiling para tanggihan ito, “ayoko Nikita, ayoko ng isipin ng iba na ginagamit lang kita” ang mariin na sagot niya rito.
“Antonio, hindi ba sabi ko na sa iyo na ang pangarap mo ay pangarap ko rin?” ang nakangiting sagot nito sa kanya.
“Pero”-
“Maghanap ka na ng school na pwede kang mag-enroll, hindi rin naman kasi araw-araw ang trabaho mo sa  akin, kaya may oras ka para sa pag-aaral mo” ang sagot ni Nikita sa kanya.
“Ayoko pa rin, saka na lang Nikita, importante talaga sa akin ay may trabaho na ako ngayon, at ikaw, ikaw ang mahalaga sa buhay ko, hindi na ang pag-aaral ko” ang giit niya rito.
“Antonio”-
“Pag-iisipan ko” ang mabilis niyang sagot kay Nikita, para hindi na humaba pa ang usapan nila patungkol sa kanyang pag-aaral.
“May lakad ka nga pala ngayon? ” ang malungkot na sabi niya, kailangan na rin muna kasi niyang bumalik na naman sa kanilang bahay. Para kasing ayaw na niya na magkahiwalay sila ni Nikita.
“Oo, may meeting kami ni Teri, regarding sa gaganapin na fashion show, we have to decide kung saan ang venue and make some final decisions” ang sagot ni Nikita sa kanya.
“Saan ang diretso mo?” ang malungkot na tanong niya, para kasing hindi na niya kaya na malayo kay Nikita kahit na sandali lang.
“Sa boutique, bakit?” ang balik tanong ni Nikita sa kanya bago ito uminom ng tubig.
“Pwede ba akong maghintay na lang muna sa boutique? Maiinip lang ako sa bahay” ang sagot niya.
Ngumuso si Nikita at naningkit ang mga mata na tila ba nag-iisip ito, “hmm, sige, hintayin mo ako roon” ang sagot nito sa kanya.
“Tutulungan ko si Ginger, pangako, hindi ako tatambay lang doon, baka may ipauutos ka” ang mabilis na sagot niya.
“Hindi na, tumayo ka na lang sa loob malaking tulong na iyun” ang sagot ni Nikita sa kanya, tumayo na ito at kinuha ang mga pinagkainan nila. Tumayo na rin siya para tulungan ito sa pagliligpit at paglilinis ng lamesa.
“Paano naman ako makakatulong sa pagtayo ko lang?” ang tanong niya rito. Nakatalikod si Nikita sa kanya habang, hinuhugasan nito ang mga pinagkainan nila.
“Kapag nakita ka ng mga babae, siguradong dadami ang mamimili sa boutique, dadami ang sales natin” ang sagot ni Nikita na nagpangiti sa kanya ng malapad.
Humakbang siya papalapit at mula sa likuran ay pumulupot ang mga braso niya sa bewang nito. Hinalikan niya ang kanan nitong pisngi saka niya idinikit ang sariling sariling pisngi sa pisngi nito, at kanyang ipinatong ang kanyang baba sa kanan nitong balikat.
“Nagseselos ka ba?” ang natatawang tanong niya rito.
“Hay naku Alimbuyugin, hindi ako nagseselos no!” ang sagot nito na ang galit na tono ng pananalita nito ay taliwas sa mga salitang sinabi nito.
“Hmm, halika nga muna” ang bulong niya sa kanan na tenga nito bago niya iniangat si Nikita at binuhat ito.
“Ay! Antonio!” ang natatawang hiyaw ni Nikita habang karga niya ito patungo sa loob ng kwarto.
****

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon