Chapter 47

1.2K 86 363
                                    

Binayaran ni Nikita ang driver ng sasakyan na sumundo sa kanya sa bahay para ihatid siya boutique. Hindi siya sinundo ni Ginger dahil nga sa nagpasabi na siya kahapon na hindi dapat siya papasok nang araw na iyun, dahil magpapahinga siya at aatend siya siya ng fashion show at party.
Pero alam niyang mababaliw siya sa labis na sakit, lungkot at pighati kapag maiiwan siya sa bahay na mag-isa. Hindi na nga siya natulog kagabi at naubos ang oras niya sa kaiiyak at paglalagay ng mga gamit  ni Antonio sa kanyang luggage.
Gustuhin man niyang punitin ang mga damit nito sa inis ay nakuha pa rin niyang ilagay ang mga damit at gamit nito sa loob ng malaking bag. Hindi man niya maayos na nailagay ang mga iyun, ay pasalamat pa rin si Antonio na nakuha pa niyang ilagay ang mga gamit nito sa loob ng bag.
Napakasakit ng ginawa nito sa kanya. Umasa siya sa pangako nito na hindi niya gagawin ang ginawa ni Leo, pero, mukhang, ganun na yata ang kapalaran niya.
Kasalanan niya, kasalanan niya at pinagkatiwalaan na naman niya ang kanyang puso at hindi niya sinunod ang kanyang isipan.
Inilapat niya ang kanyang kaliwang palad sa umbok ng kanyang tiyan. Tanging ang mga anak na lamang niya ang pagkukunan niya ng lakas, ang sabi niya sa kanyang sarili.
Dahan-dahan siyang lumabas ng sasakyan at naglakad siya patungo sa kanyang boutique at nagulat si Ginger pagpasok niya sa loob. Hindi dahil sa dumating siya, ngunit dahil sa namumugto niyang mga mata.
“Ma’am? Ano pong nangyari?” ang tanong ni Ginger sa kanya na puno ng pag-aalala at muli ay bumuhos ang mga luha niya sa kanyang mga mata at mabilis siyang nilapitan ni Ginger at niyakap  siya nito saka siya pinaupo sa sofa at doon ay ibinuhos niya ang laman ng kanyang damdamin.
****
Nakaupo si Antonio sa harapan ng bahay ni Nikita, kanina pa siya naghihintay doon. Hindi na siya dumiretso sa boutique dahil umaasa siyang nasa bahay lang si Nikita.
Parang sasabog ang puso niya sa takot at kaba, batid niya na suntok sa buwan ang gagawin niya, pero umaasa siya na tatanggalin ni Nikita ang paliwanag niya.
Ano nga ba ang paliwanag niya? Siya mismo ay hindi niya alam ang mga nangyari, paano pa niya makukumbinsi si Nikita.
Naalala niya nang magkita sila ni Lily, ang mga bulungan at palitan ng mga tingin ng mga kasamahan nilang mga modelo. At ang sinabi pa ni Portia sa kanya ay umaalingawngaw sa kanyang mga tenga.
Paglabas niya ng dormitory ay nakasalubong niya sina Lily at ang iba pang grupo ng mga babaeng modelo.
“Liliy!” ang mariin na pagtawag niya sa pangalan ni Lily na malapad ang ngiti na lumapit sa kanya. Pumulupot ang mga braso nito sa kanyang leeg at tumingkayad ito para ilapit ang mukha nito sa kanya.
Agad niyang inalis ang mga braso ni Nikita sa pagkakalingkis sa kanyang leeg at itinulak niya ito.
“Anong pinagsasabi mo na may nangyari sa atin kagabi?” ang galit na tanong niya kay Lily.
Marahan na natawa si Lily sa kanya at inabot pa nito ang kanyang dibdib para himasin iyun, ngunit agad niyang pinawi ang kamay nito.
“Hindi mo ba natandaan ang ginawa mo sa akin kagabi? Para kang ngayon lang nakatikim ng dibdib Antonio, hindi ka ba pinadidede ni Nikita at buntis na?” ang natatawang sagot nito sa kanya.
“Hindi yan totoo” ang mariin na sagot niya.
“Bakit di mo tanungin ang mga nakapanood ng live video Antonio?” ang hamon sa kanya ni Lily. At tinakasan pa siya nito ng kilay.
Umiling siya, “Hindi totoo na may nangyari sa atin Lily” ang giit niya kay lily.
“Sinong makapag sa sabi  niyan Antonio? Tayong dalawa lang ang nasa loob ng cr, nakahubad na ako pagpasok nila at ikaw nakababa ang pantalon mo at nakalabas ang” at tumigil si Lily sa pagsasalita at tiningnan ang kanyang harapan.
“Ang laki mo pala? Kaya bumigay si Nikita sa iyo na matagal ng tigang” ang sagot  ni Lily sa kanya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ni Lily at hinila niya ito papalapit sa kanya, at nanggigigil ang kanyang mga labi nang banggitin niya ang mga salita kay Lily.
“Walang nangyari Lily, dahil kung naipasok ko man ang pagkalalaki ko sa iyo, malalaman ko agad kahit hilo na ako, dahil parang NLEX yang butas mo, maluwag na maluwag” ang mapang-insulto na sagot niya kay Lily at malakas na tampal sa kanyang mukha ang isinagot nito sa kanya.
“Huh, wala ka ng magagawa Antonio, mukhang kumalat na ang video natin, ano kaya ang masasabi ng Nikita na yun? Huh? Mararamdaman niya ang masaktan at mawalan” ang mariin na sagot ni Lily sa kanya bago nito inalis ang braso nito mula sa kanyang pagkakahawak at mabilis itong naglakad para iwan siya.
At pagkatapos ng pagkikita nila ni Lily ay si Portia naman ang nakausap niya at ang mga tingin na ibinigay nito sa kanya ay punong-puno ng panlulumo.
“What have you done Antonio?” ang tanong sa kanya ng assistant ng designer na kumuha sa kanya.
Umiling siya at nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata, “I really don’t know what happened last night ma’am, I don’t remember anything” ang naluluha niyang sagot.
“I’m so disappointed in you, I thought you’re different from these models, that you are faithful to your future bride, isn’t she pregnant?” ang tanong pa nito sa kanya at hindi na siya nakapagsalita at tumango-tango na lang siya.
“Teri asked me to look after you Antonio, she asked me, for you on not being a Leo” ang sagot nito sa kanya.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon