Chapter 11

1.3K 100 44
                                    

Hindi rin alam ni Nikita kung anong pumasok sa isipan niya, on why she just blurted out those words. She could have said, hi Antonio, musta? No! She just said miss me? And why the heck did she just say that.
Ang alam niya lang ay kaya siya bumusina not to acknowledge her presence bilang client, but for those two love birds na magkayakap sa loob ng carwash. But, she will not regret what she said, lalo pa at nakita niya ang gulat na mukha ni Antonio at ang galit na mukha ng girlfriend nito.
"What did she mean by that?" ang galit na pagkumpronta ni girlfriend kay Antonio habang nakatingin siya sa dalawa.
"Wala, wala siyang ibig sabihin doon" ang mariin na sagot ni Antonio sa galit na girlfriend nito at kung umuusok nga lang talaga ang tao kapag nagagalit ay malamang hindi na sila makahinga sa kinapupwestuhan nila ng mga sandali na iyun, ang natatawang sabi ng isipan ni Nikita.
Antonio turned his body again to face her, and now he's scowling at her and his sexy lips was twitched upward. Sexy? Ang takang tanong niya sa sarili.
"Anong ginagawa mo rito?" ang galit na tanong sa kanya ni Antonio na nagpamewang at galit siyang hinarap. Nakasando na lang ito at may mark a ng basang tubig ang kulay gray nitong sando. Tubig or pawis, wala na siyang pakialam kung ano, pero ang importante ay ang sexy na imahe nito habang Nakasando at maong na pantalon. Oh shit! Ano na lang kaya ang hitsura nito kung nakaboxers or swimwear na lang si Antonio? Ang sabi ng isipan niya. For modelling purposes ito, ang giit niya sa sarili kaya siya nakadarama ng pagbilis ng pintig ng kanyang puso. Of course, trabaho lang ito at walang halong ibang katangahan na feelings, she should have learned her lessons years ago. Ang giit niya sa sarili, hindi niya dapat bigyan ng ibang kahulugan ang pakiramdam niyang iyun, na ang pintig ng puso ay parang mga paa ng kabayo.
"Uhm, carwash ito hindi ba? So, obviously magpapalinis ako ng sasakyan" ang nakangiting sagot niya kay Antonio.
"Lino, magpapalinis daw" ang pagtawag ni girlfriend sa isa sa mga empleyado sa carwash, at si Antonio ay hinawakan nito sa bewang, a very possessive gesture sa part ni girl. Hmm, ang sabi ni Nikita sa sarili, she pushed back her eyeglasses sa bridge ng kanyang ilong, and she kept herself from laughing. Hay naku, ang mga babae talaga, akala ang lalaki ay mapipigilan nila na lumandi sa ibang babae, ang sabi ng isipan ni Nikita.
Mabilis siyang umiling at pinigilan niya ang lalaking nagngangalan na Lino, at huminto ito.
"Gusto ko si Antonio ang maglilinis ng sasakyan ko" ang sabi ni Nikita, at nakita niyang natigilan si Antonio at ang girlfriend nito na papasok sana sa loob ng bahay.
"I'm sorry pero hindi pupwede" ang mataray na sagot ng babae sa kanya, na mukhang gusto ng itago si Antonio sa loob ng bahay nito, pero hindi siya papayag. She promised herself that she'll do Anything kapag nakita na niya ang kanyang ultimate male model, at wala na siyang oras, kailangan na niyang mailaunch ang kanyang summer collection dahil kung hindi, matetengga na naman siya ng isa na namang taon at ayaw na niyang mangyari iyun ngayon, lalo pa at narito na sa kanyang harapan ang matagal na niyang hinahanap at hinihintay.
"Bakit hindi?" ang kunot noo niyang tanong rito, "uhm hindi ba siya nagtatrabaho rito?" ang tanong niya sa babaeng gusto na yatang sakyan si Antonio ng mga sandali na iyun, habang si Antonio naman ay nanatili na tikom ang mga labi at mukhang nagtitimpi ito ng galit. Naku, baka mas lalong hindi niya mapapayag si Antonio? Ang tanong ng isipan niya, pero, bahala na, kung hindi niya kasi nakita na nakayakap itong tarsier na ito kanina kay Antonio ay baka maganda pa ang approach niya, at ang girlfriend nito ay sa tingin niya ay isang balakid.
"Hindi siya nagtatrabaho rito" ang mariin na sagot nito sa kanya at mas humigpit ang pagkakahawak nito sa Nana na braso ni Antonio.
Tumangu-tango siya at naghalukipkip ng kanyang mga braso, "ohh, so hindi pala siya rito nagtatrabaho sa Lipon Law firm pala na magsasara na" ang sagot niya at nakita niya na nagulat ang mukha ni Antonio sa kanyang sinabi.
"So ano ang ginagawa mo rito Antonio kung hindi ka rito nagtatrabaho?" she asked him, she knew she was provoking him, but she was fed up with the possessiveness of the tarsier girlfriend, she knew it was an animal cruelty at sa araw na iyun ay dalawang beses na niya iyun na ginawa, ang ikumpara ang dalawang babae sa hayup na mukhang insult para sa mga hayop na ikinumpara niya and she was sorry for that.
Tinaasan niya ng kilay si Antonio at inilabas niya ang isang kopya ng resume nito at ginawa niyang pamaypay pero sinigurado niya na nakita iyun ni Antonio and she saw his lips formed a straight line marahil dahil sa labis na inis na nadarama nito para sa kanya. Kung pwede lang siguro na sakalin siya nito ng mga sandali na iyun ay sa tingin ni Nikita ay kanina pa siya naghahabol ng hininga. Pero lahat ng alas ay gagamitin niya para mapapayag niya si Antonio, blackmail kung blackmail, kakapit na siya sa patalim ung kinakailangan, ang giit niya sa kanyang sarili. She's been abused and manipulated before and now it's her turn to use the card para sa benefits niya. Siya naman ang gagawa nito at sorry na lang kay Antonio kung ito ang una niyang casualty, no, actually pangalawang casualty, ang masakit na sabi niya sa sarili ng maalala na naman niya iyun.
Pero, alam niya na kabaligtaran ito sa una, dahil hindi init ng ulo ang ginamit niya ngayon, she's calculating her actions kahit pa papunta na siya sa extreme. But, she'll make sure na hindi ikapapahamak ni Antonio ang ginagawa niya, pareho silang magbebenepisyo sa huli.
"Ako na ang maglilinis" ang sabi ni Antonio at naglakad ito pabalik, pero pinigilan hinila ng girlfriend nito ang braso ni Antonio.
"Anton, hindi mo kailangan na gawin iyan, saka sino ba iyan babaeng iyan" ang mahinang sabi ni girlfriend kay Antonio pero malakas naman iyun para marinig niya.
"Claire, trabahador mo rin ako rito, ako na ang maglilinis" ang sagot ni Antonio pero hindi nito sinagot kung sino ba siya? Ang sabi ni Nikita sa sarili.
"Ma'am sayang po yung tip ko, kasi kanina si Anton din ang naglinis" ang nanghihinayang na sabi ng lalaking si Lino. Nginitian niya ito ng malapad at dumukot kinuha niya ang kanyang pitaka at kumuha siya ng dalawang hundred peso bill.
"Pwede mo ba ako ibili ng bottled water, yung malamig, ito ang tip ko" ang magiliw na sabi niya kay Lino na ngumiti rin sa kanya at mabilis na tumango at kinuha ang iniabot niyang pera.
"Salamat po ma'am" ang masayang sabi nito sa kanya sabay lakad nito palabas ng car wash para bibilhin ang ipinakiusap niyang tubig.
Naupo siya sa isa sa mga stools na para sa mga customer ng carwash at kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang malaking black leathered satchel at nagkunwari siyang nagba browse sa kanyang phone habang pasimple siyang sumusulyap sa ginagawa ni Antonio, binasa na nito ng tubig ang kanyang sasakyan, alam niyang hindi kailangan ng cleaning ang kanyang sasakyan lalo pa at kadadala lang niya ng sasakyan niya kahapon sa service center ng kanyang sasakyan para sa checkup at grooming ng kanyang sasakyan. Pero para sa sandali na iyun, balewala kung masayang ang malaki niyang ibinayad kahapon para sa services, mas importante si Antonio Alimbuyugin.
Dumating na ang lalaking si Lino at ibinigay nito sa kanya ang isang plastic na bote ng malamig na tubig. She thanked him and smiled widely at him at nagpaalam ito na maupo sa kanyang tabi para makipag-usap.
She didn't mind, mas gusto nga niya na may makausap kaysa sa mag browse sa phone at hindi naman siya mahilig mag socmed.
Mabait naman si Lino at masayang kausap, may mga pagkakataon pa na napapatawa siya nito. At nang may sinabi ito na nagpatawa talaga sa kanya ay biglang may sumirit na tubig malapit sakanila, as in, kalahating dipa na lang ang layo ay naabot na sila ng tubig at nang tingnan niya kung saan iyun nanggaling ay sa hawak na pressurised hose ni Antonio na kunwaring nagulat sa nangyari.
"Ay sorry, hindi ko sinasadya" ang nakangiting sabi ni Antonio sa kanya at alam niyang kabaligtaran ang aksyon nito sa mga salitang lumabas sa bibig nito.
Pero sa halip na magalit siya ay napakunot ang kanyang noo. Natuon kasi ang kanyang mga mata sa kamay ni Antonio, lalo na sa kaliwang kamay nito na may benda. Basang-basa na iyun, at may marka na naman ng pula. At nakaramdam siya ng konsensiya, hindi niya dapat hinayaan na maglinis pa si Antonio ng kanyang sasakyan lalo pa at may sugat ito. Pero, mas nabwisit siya sa girlfriend nito na ayon sa narinig niya ay Claire ang pangalan, dahil hinayaan nito na maglinis si Antonio ng mga sasakyan sa kabila ng obviously, may sugat ang boyfriend nito.
"Excuse lang Lino ha" ang pagpapaalam niya sa magiliw na lalaki na kanyang kausap. Mabilis siyang tumayo habang hawak ang kanyang bag at bote ng tubig at humakbang siya ng makailang beses palapit kay Antonio na natigilan sa ginagawa nito. At sa ekspresyon ng mukha nito na natigilan at bahagyang bumuka ang bibig ay inakala nito na nagalit siya sa ginawa nito.
"Tigilan mona iyan" ang mariin na sabi niya kay Antonio, na binabanlawan pa lang ang mga bula ng sabon sa kanyang hood ng kanyang sasakyan.
"Tatapusin ko pa ito, may sabon pa" ang sagot ni Antonio sa kanya at sisimulan na naman nitong pindutin ang hose para lumabas ang tubig. Tumikom ang kanyang mga labi at naglakad siya patungo sa kabilang side ng sasakyan, papalapit kay Antonio at hinila niya sa kamay nito ang hawak na hose na ikinagulat nito at buka ang bibig nito na tiningnan siya, at ang girlfriend nito na si Claire ay parang bodyguard na mabilis na lumapit at tumayo sa likuran ni Antonio.
"Sabi ko tigilan mo na" ang mariin na naman niyang sabi kay Antonio habang hawak niya ang hose.
"pero sabi mo na linisan ko ang sasakyan mo hindi ba?" ang galit na patanong na sagot sa kanya ni Antonio.
"I know what I said and I regret it, okey?" ang sagot niya kay Antonio at natigilan si Antonio dahil sa pag-amin niya ng pagkakamali. She sighed before speaking again.
"Sumakay ka na" ang utos niya kay Antonio na ikinabigla nito at ikinakunot ng noo, pero wala iyun sa naging ekpresyon ng mukha ni Claire na nasa likuran nito.
"Ano?" ang naguguluhan na tanong ni Antonio sa kanya at ang kulay asul-berde na mga mata nito ay kunot na nakatuon sa kanya.
"may sugat ka lang Antonio, hindi ka bingi, pero para sa iyo uulitin ko, sumakay ka na, iuuwi na kita sa inyo" ang utos niya kay Antonio.
"Hindi siya uuwi, dito lang siya mamaya pa siya uuwi sa bahay nila" ang giit ni Claire sa kanya. At hinawakan nito ng mahigpit ang braso ni Antonio.
"Yun naman pala eh, girlfriend ka niya, hindi ba dapat mas inuuna mo ang kapakanan ni Antonio kaysa sa kagustuhan mo na makasama siya? Hindi mo ba nakikita na may sugat siya sa kamay na kailangan pana mag hilom at ngayon basang-basa na naman? Kailangan niyang umuwi para makapagpalit ng bagong benda sa mga kamay bago pa maimpeksiyon ang sugat niya" ang mariin niyang sabi kay Claire, at si Antonio ay nanatili lang na nakatayo at nakapikit na ito, tila ba nagtitimpi sa kanilang dalawa.
"Sinabihan ko na siya na huwag magtrabaho pero mapilit si Anton"-
"Pwes sa akin hindi iyanpupwede lalo pa, that he's endangering himself, Antonio Alimbuyugin, sasakay sa loob ng sasakyan pauwi sa bahay ninyo? O ibabalik kita sa hospital para magpaturok na naman at nakalimutan mo ba ang sinabi ng doctor na kapag na impeksyon iyan ay tatahiin ng tuluyan yang sugat mo at ilang bakuna kaya ang ituturok sa iyo?" ang banta niya kay Antonio na napatikom ang mga labi, saka ito nagbuntong-hininga.
"Claire, uuwi na muna ako, saka nangako nga pala ako kay nanay na uuwi agad at bibilhin ko pa yung gamot ng tatay" ang malumanay na pagpapaalam ni Antonio kay Claire.
"Pero"- ang pagtanggi sana ni Claire.
"Bukas na lang tayo ulit magkita, o kaya naman dalawin mo ako sa bahay, gusto ka na rin na makita ulit nina nanay" ang malambing na sabi ni Antonio sa girlfriend nito na kung maka tingin kay Antonio ay para bang anito ito na sinasamba.
"Okey, kapag hindi ka nagpunta rito, dadalawin kita bukas, pero, sana ikaw ang magpunta rito sa akin Antonio, alam mo naman na ayoko na pagala-gala sa ibang bahay" ang paglalambing nito kay Antonio na hinihimas pa ng mga palad nito at kamay na may mga kulay rosas na mga daliri.
"Hindi ibang bahay yun, bahay iyun nina Antonio" ang sabat niya at giit niya sa kokote ng babaeng ito, na halata naman na mukhang si Antonio lang ang gusto at hindi na kasama ang pamilya nito.
"Nikita" ang gigil na sambit sa kanya ni Antonio at pinaningkitan pa siya nito ng mga mata.
"Huwag ka ngang sumabat!" ang galit na saway sa kanya ni Claire na pinagtaasan pa siya ng isang kilay nito.
"Bakit sino ka ba?" ang paghahamon din niyang tanong. Hindi siya patitinag sa babaeng ito, at hindi rin niya alam kung bakit at kung ano bang ipinaglalaban niya, basta ng mga sandaling iyun ay gusto niyang manggalaiti sa galit si Claire.
"Girlfriend niya ako" ang mariin na sagot ni Claire sa kanya, "ikaw sino ka rin ba?" ang mataray na tanong nito sa kanya at umismid pa ito.
"Nanay niya ako" ang pang-iinis na sagot ni Nikita.
"Pwede ba tumigil na nga kayong dalawa!" ang malakas na saway sa kanila ni Antonio at napahilamos na ang mga palad nito sa mukha sabay sabunot sa sarili nitong buhok, marahil sa gigil nito sa kanilang dalawa ni Claire.
"Sumakay ka na kasi sa loob ng makaalis na tayo" ang mariin na sabi niya kay Antonio at umikot ang mga kulay asul-berde na bilog nito sa mga mata at galit na dinampot a ng isang backpack saka ito naglakad patungo sa kabilang side ng sasakyan sa passenger side, siyempre ka buntot nito si Claire.
She pressed the button para mag-unlock ang pinto ng sasakyan, at hinila iyun ni Antonio para buksan.
"dadalawin kita bukas, okey, pagaling ka ha" ang malambing na sabi ni Claire kay Antonio sabay halik sa mga labi nito na nagtagal pa ng ilang segundo. Nikita rolled her eyes, she's like a woman in heat, ang sabi ng isipan ni Nikita patungkol kay Claire. Binuksan na niya ang driver's door at inilagay niya ang kanyang bag sa loob. Pumasok na rin si Antonio at isinara ang pinto, nang may makita pa siyang bula na naiwan sa hood. Sayang man ang polish na inilagay sa sasakyan niya pero, wala na siyang magagawa, she told herself, at naalala niya na hawak pa rin niya ang hose. She with furrowed brows, she looked at the nozzle of the pressurised hose at iniisip niya kung paano ba iyun gamitin para sana ispreyan ang natitirang bula.
She was at the moment of thinking it thriugh ng aksidente niyang napindot ang pambuga ng tubig at nakatapat pa naman ang hose kay Claire at aksidente na tumama ang tubig sa mukha nito.
"Aww!"ang hiyaw ni Claire.
"Claire!" ang sigaw ni Antonio mula sa loob ng sasakyan at siya naman ay napangiwi at mabilis niyang ibinalik ang hose sa ibabaw ng lamesa na nasa kanyang likuran.
"Bwisit ka!" ang sigaw ni Claire sa kanya at susugod sana ito sa kaya pero mabilis siyang nakasakay a ng kanyang sasakyan at pinaandar patras palabas ng carwash. Pinalo pa ni Claire ang Hood ng kanyang sasakyan gamit ang kamay nito pero patuloy ang pag-atras niya habang nakatingin siya sa rear view mirror.
At nang nasa kalsada na sila ay ibinaba pa niyang muli ang bintana ng kanyang sasakyan at tiningnan niya si Claire na nanggagalaiti sa inis sa kanya habang nakatayo sa bungad ng carwash.
"Oo nga pala" ang pagtatama pa niya sa atensyon ni Claire, na mukhang umuusok na sa galit ang basa nitong mukha.
"Obviously hindi ako ang nanay niya, tinatanong mo kung ano ako kay Antonio? manliligaw niya ako!" ang sigaw niya kay Claire at nakita niya na nanlaki ang mga mata ni Claire at napanganga ang mga bibig. Kinindatan pa niya si Claire bago niya pinaharurot ang kanyang sasakyan paalis at narinig pa niya ang galit na sigaw ni Claire sa pangalan ni Antonio.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon