Chapter 48

1.2K 90 82
                                    

Hindi alam ni Antonio kung paano niya haharapin ang kanyang mga magulang at mas lalo na ang kanyang kapatid na si Arthur.
Nakahiga siya sa sofa sa salas ng bahay na binili niya para sa kanyang pamilya. Dahil sa wala siyang mapuntahan at inabot na siya ng dis-oras ng gabi sa labas ng bahay ni Nikita ay nagpasya na siyang umalis.
Mabigat man ang kanyang loob ay kailangan niyang tanggapin ang kanyang pagkatalo sa sandaling iyun. Pero, hindi ibig sabihin na susuko siya, hindi ng-hindi siya susuko lalo pa at wala siyang ginawang masama, oo nagkamali siya, pero, hindi niya iyun giusto, hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya. Tanggap niya na nagkamali siya dahil sa labis na pag-inom niya. Pero, nagtataka pa rin siya dahil sa hindi naman siya madaling malasing, pero ang iniinom niya na binigay ni Lily ang halos nagpataob sa kanya. Hindi, literal na nagpataob sa kanya.
Pero paano niya iyun ipaliliwanag kay Nikita? Maniniwala ba ito sa kanya? Ang tanong ng kanyang isipan at nakaramdam na siya ng kawalan ng pag-asa. Pero, susubukan pa rin niya, susubukan pa rin niya at sususugin niyang muli ang puso ni Nikita.
Ngayon ay kailangan niyang harapin na muli ang galit ng kapatid. Napabuntong-hininga si Antonio at bumangon na siya sa kanyang pagkakahiga, balewala na rin naman kung mahihiga siya at hindi rin naman siya nakatulog. Naibsan man ang pagod ng kanyang katawan, ang pagal na damdamin niya ay hindi na niya kaya pang bawasan man lamang kahit anong pagpahinga ang gawin niya.
Naupo siya sa sofa at itinukod niya ang kanyang mga siko sa ibabaw ng magkabila niyang tuhod saka niya sinapo ang kanyang ulo. Damapa rin niya ang kirot sa kanyang panga na gawa ng tumamamng kamao ng kapatid niyang si Arthur pagdating niya kanina.
Pero hindi nito kayang pantayan ang kirot ng wasak niyang puso, kung maaari lamang na maibsan ang sakit sapamamagitan ng pagsuntok ay, nagpabugbog na siya kay Nikita. Kung iyun lang ang magiging paraan para patawarin siya nito. At ni Arthur.
Napabuntong-hininga siya, at napasabunot ang kanyang mga kamay sa kanyang buhok. Bago niya inilagay ang mga palad sa kanyang bibig.
Labis ang galit ni Arthur sa kanya pagkarating niya kaninang ala-una ng madaling araw. Si Arthur pa lang ang nakakaalam, marahil dahil sa nakita nito ang video na sabi nga ni Lily ay kumalat na sa Internet.
Nagulat nga ang kanyang nanay nang bigla na lang siyang suntukin ni Arthur at namumutla ang kapatid sa labis na galit sa kanya. At ang mga salita na lumabas sa bibig nito ang nagdagdag sa kirot sa kanyang puso.
“Manggagamit ka! Hindi mo na lang sana nakilala si Nikita kung lolokohin mo lang siya, nagmana ka sa tatay mo!” ang mga masasakit na salita na tumarak sa kanyang puso.
Nagtataka naman ang kanyang nanay na inawat si Arthur na galit na galit at mabilis itong nagtungo at nagkulong na sa loob ng kwarto nito. Nakiusap naman siya sa kanyang nanay na bukas na siya magpapaliwanag kahit pa mukhang may ideya na ang kanyang ina nang makita ang luggage na kanyang dala.
Pinisil ng kanyang mga palad ang kanyang mga mata na namumugto na rin sa kaluluha. Napabuntong – hininga siya at saka siya tumayo para magtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Maya-maya ay alam niyang babangon na ang kapatid para mag-almusal at maligo dahil papasok pa ito sa eskwela at nakuha na rin nitong magtrabaho sa isang fastfood chain kahit pa sinabi niya na hindi na iyun kailangan.
Kinuha niya ang takuri at sinalinan niya ng tubig saka niya isinalang sa kailan, at tumayo siya sa harapan nito. Pinagmasdan niya ang takuri hanggang sa makita niyang lumabas na ussok mula sa  maliit na bunganga nito. Hinintay pa niya ang ilang minuto na pakuluin ito bago niya tuluyang pinatay ang apoy sa kalan. Saka niya isinalin ang mainit na tubig sa kanilang thermos at nagtimpla na rin  siya ng kanyang kape.
Naupo siya sa silya sa harapan ng kanilang lamesa at pinagmasdan niya ang kanyang mug, dinama ng kanyang mga palad ang mainit na katawan nito saka niya pinagmasdan ang kulay itim na likido na umuusok pa sa init.
Saka niya dahan-dahan na iniangat ang mug sa kanyang mga labi, at hinigop ang nakapapasong matapang na kape. Maya-maya ay lumabas na si Arthur sa silid nito, at napahinto pa ito sa paghakbang nang makita siya nito na nakaupo sa may kusina. Hinayaan pa rin niyang madilim sa loob ng bahay at ang tanging liwanag ay ang mula sa labas ng bahay na lumulusot sa bintana  nagmumula sa bukang-liwayliway.
Sandaling tinapunan siya ni Arthur ng matalimna tingin bago ito muling humakbang patungo sa kanilang banyo. Nakasabit ang isang kulay puti na tuwalya sa kaliwang balikat nito.
“Arthur” ang mariin ngunit mahina na pagtawag niya sa pangalan ng kapatid na nagpahinto sa paghakbang nito.
“Magkape tayo” ang mahina pa niyang sabi, ngunit nagsimula na si Arthur na humakbang.
“Pakiusap” ang mahina ngunit puno ng emosyon na dugtong niya na nagpahinto na muli sa paglalakad nito. At parang isang kasagutan sa kanyang panalangin nang pumihit ang katawan ni Arthur at nag-aalangan man ay dahan-dahan itong humakbang papalapit sa lamesa saka nito hinila ang silya at naupo sa kanyang harapan.
Tumangu-tango siya at ngumiti ng matipid, “salamat, ipagtitimpla kita ng kape” ang malumanay na sabi niya sa kapatid at isang matipid na ngiti ang gumuhit pa sa kanyang mga labi.
Tumayo siya at nagsimula magtimpla, importante sa kanya ang makausap si Arthur. Napakahalag ng opinion nito sa kanya, dahil sa mahal na mahal niya ang kapatid. Ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa sa harapan nito ang mug na may laman na makremang kape.
“Salamat” ang mahina na tugon ni Arthur sa kanya na mabilis lang siyang sinulyapan. Tumango siya at ngumiti saka siya muling naupo. Pinagmasdan niya si Arthur habang umiinom ito ng kape at umiiiwas ng tingin sa kanya.
“Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa iyo ang lahat Arthur, dahil sa ang totoo hindi ko rin alam kung ano ang mga nangyari nung gabi na iyun” ang nanlulumo na saad niya. Sinulyapan niya ang kanyang kapatid, ang laki na nang ipinagbago ng hitsura ni Arthur, naging mature na ito at mas lalong naging magandang lalaki. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin lang sa mug na hawak ng mga kamay nito sa ibabaw ng lamesa.
“Hindi ko alam kung sobrang lasing ko lang nun, pero, alam ko na hindi ako madaling malasing, may isang alak” tumigil siya at umiling, “may isang likido  na walang lasa ang pinainom sa akin, isang maliit na shot glass, pagkatapos nun ay uminit na ang pakiramdam ko, umikot ang panangin at hindi ako makahinga, nagdedeliryo na ako at ang nakikita at naririnig ko ay boses ni Nikita” ang saad niya at mukhang nakuha niya ang atensyon ng kapatid dahil diretso na ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
“Hindi ko inakala na si Lily ang kasama ko, hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari, pakiramdam ko nag-aapoy ang katawan ko, uhaw na uhaw, naghahanap ako ng tubig yun ang naalala ko” ang dugtong pa niya at tuluyan na niyang nakuha ang atensyon ng kanyang kapatid at nakatingin ito sa kanya na nakakunot ang noo, tila ba iniisip at tinitimbang ang kanyang mga sinasabi.
“Pagkatapos nun ay blanko na ako, wala na akong matandaan na sumunod na mga nangyari, ang sabi nalang nila sa akin, nakita nila akong walang malay sa loob ng cr kaya dinala na nila ako sa dorm” ang pagtatapos ng kanyang paglalahad ng mga pangyayari kay Arthur. Hindi niya alam kung maniniwala si Arthur sa kanyang kwento dahil kahit siya man ay naguguluhan at di makapaniwala sa mga nangyari.
“Date rape drug” ang biglang sambit ni Arthur sa kanya at seryoso ang mga mata nito na nakatuon sa kanya.
“Date rape drug?” ang gulat na tanong niya, sa itinanda niyang iyun ay hindi pa niya narinig ang tungkol drugs na iyun.
Tumangu-tango si Arthur at ipinatong nito ang mga siko sa ibabaw ng lamesa at inilapit nito ang ulo sa kanya.
PDate rape drugs, iyun yung inilalagay sa inumin ng mga babae sa mga club para mawala ng malay o  yung mawala sa sarili ang babae, nagiging sunud-sunuran, pero kung, nauuhaw ka, baka ecstasy ang ibinigay sa iyo” ang sagot ni Arthur sa kanya.
“Paano mo nalaman ang tingkol sa mga ganitong bagay?” ang kunot noo na tanong niya sa kapatid pero hindi niya ito pinagdudahan.
Bumagsak ang mga balikat ni Arthur, “kuya, puro mayayaman ang mga kaklase ko, at napag-uusapan nila ang tungkol diyan”
“Nagdi – drugs mga kaklase mo” ang di-makapaniwala na tanong niya sa kapatid at mas lalong bumagsak ang mga balikat nito at napailing.
“Kuya matitino ang mga kaibigan ko, pero syempre mga nagka clubbing ang mga iyun eh, kaya  alam nila ang mga tungkol diyan, kahit mga lalaki ang mga iyun, maingat ang mga iyun sa mga inumin nila, baka raw kasi madrugs sila” ang giit ni Arthur sa kanya.
Nagliwanag ang kanyang mukha at bumilis ang tibok ng kanyang puso, nakakita siya ng pag-asa na mayron siyang rason kung bakit niya nagawa ang mga iyun.
“Hindi nga kaya? Hindi nga kaya, yung iniinom ko na walang lasa, yung ibinigay ni Lily ay may drugs?” ang umaasa niyang tanong sa kapatid.
“iyun lang ang tanging rason kung hindi ka nagsisinungaling para maka lusot ka” ang mariin na sagot ni Arthur sa kanya.
Umiling siya sa kapatid, “alam mong kahit kailan ay di ko nagawang magsinungaling sa iyo Arthur, ikaw ang naging sabihan ko ng mga problema ko” ang sagot niya sa kapatid.
“Hindi rin, hindi mo nga sinabi sa akin nang nawalan ka ng trabaho eh” ang sumbat sa kanyang kapatid ngunit walang bahid na galit sa boses nito.
Napabuntong-hininga siya na may ngiti sa kanyang mga labi, “may gumugulo na kasi sa isipan ko nun” ang nakangiting sagot niya kay Arthur at sumagi sa isip niya si Nikita.
Ngumuso ang mga labi ni Arthur at umiwas ng tingin sa kanya, bago ito nagsalita.
“Pasensiya ka na kuya sa mga nasabi ko” ang mahinang sabi ni Arthur sa kanya.
Umiling siya, at ngumiti ng malungkot sa kanyang kapatid, “totoo naman kasi ang sinabi mo, tungkol sa pagkakatulad namin ng ama ko, pareho naming niloko ang babae sa buhay namin” ang malungkot na tugon niya at muling nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga si Arthur  at muling umiling ito, “kuya, napakalayo ninyo ng iyong tatay, siya ay tahasan na niloko si nanay, at pinabayaan kayong dalawa, samantalang ikaw, hindi mo sinasadya na masaktan si Nikita, naging biktima ka ng babaeng iyun” ang mariin na sagot ni Arthur sa kanya.
Napangiti siya ng matipid sa kanyang kapatid, “kung gayun ay naniniwala kana sa kwento ko?” ang umaasa ng tanong niya sa kanyang kapatid.
“Ayaw man kitang paniwalaan, pero, mukhang katanggap-tanggap naman ang paliwanag mo sa akin” ang nangingiting sagot ni Arthur sa kanya.
“Sa iyo oo, pero”- ang sambit niya at hindi na niya na ituloy ang sasabihin at nakuha naman ni Arthur ang ibig niyang sabihin.
“Gusto mo bang tulungan na kita ng magpaliwanag?” ang tanong ni Arthur sa kanya at isang ngiti naman ng pasasalamat ang isinagot niya kay Arthur, napakabait talaga ng kapatid niya.
Umiling siya, “Hindi na haharapin ko na lang muna ito ng mag-isa, saka na ako hihingi ng tulong kay Batman” ang nakangiting sagot niya kay Arthur.
“KuyA magpa-drug test ka kaya?” angsuhestiyon ni Arthur sa kanya, “para may ebidensya ka kay Nikita na na-drugs ka ni Lily” ang dugtong pa nito at napakunot ang kanyang noo sa pag-iisip saka siya tumangu-tango.
“Tama, iyun na nga ang gagawin ko, para naman paniwalaan niya ako” ang sagot ni Antonio sa kapatid.
“Sige kuya, goodluck sa iyo saka, agtatanong ako ulit sa mga kaklase ko para matulungan ka namin” ang sagot ni Arthur sa kanya, akmang tatayo na ito nang muliniyang tawagin ang pangalan ng kanyang kapatid.
“Arthur?” ang mariin na pagtawag niya sa pangalan nito.
“Ano yun kuya?” ang tanong nito sa kanya.
“Salamat” ang sinserong sagot niya sa kapatid at isang pagtango at ngiti rin ang isinagot sa kanya ni Arthur.
“Wala yun kuya, lahat naman tayo nagkakamali, kaya, ipakita mo kay Nikita na, mali ang inakala niya sa iyo, na hindi mo siya binigo” ang giit ni Arthur sa kanya.
“Salamat Arthur at binigyan mo akong muli ng pag-asa” ang sagot niya sa kanyang kapatid.
******
Hindi makapaniwala si Antonio na sinuswerte siya nang mga sandali na iyun, dahil nang magpunta siya sa isang drug testing center at isinangguni niya ang kanyang kaso para sa rason niya kung bakit siya magpapa-drug test at pinagbigyan naman siya ng trained technician.
At laking pasalamat niya nang magpositibo ang resulta ng kanyang urine test. Nagpositibo siya sa ecstasy, at dahil sa wala naman siyang kaso ng kinakaharap at voluntary ang pagpapakuha niya ng drug test ay walang naging aksyon laban sa kanya.
Pinayuhan na lamang muna siya ng kumuha ng test niya na magdetoxify para tuluyan na mawala ang drugs sa kanyang katawan. Laking pasalamat na nga lang sabi ng technician sa kanya, na maliit na dose lamang ng ecstasy ang na-take ng kanyang katawan dahil kung na-overdose raw siya ay pwede siyang ma-coma o mamatay.
Laking galit ang naramdaman ni Antonio sa posibilidad na pwedeng ikinamatay niya ang pag-inom ng ecstasy. Kahit pa gusto niyang puntahan na si Nikita ay masyado ng late para puntahan niya ito dahil sa mag-gagabi na at gusto niyang pahupain na muna ni Nikita ang galit nito sa kanya.
At saka, susundin niya muna ang technician na mag cleansing, at iyun ay ang uminom ng ilang litro ng tubig para sa mailabas niyang lahat ang natitirang substance ng ecstasy sa kanyang sistema. Para na rin hindi lang konsensiya niya ang malinis na haharap kay Nikita kundi na rin ng pangangatawan niya.
Bukas niya ito dadalawin na muli, ang sabi niya sa sarili. Titiisin niya ang isang araw na iyun na hindi makita si Nikita para na rin sa ikabubuti niya.

****

“Ahhh” ang hiyaw ni Nikita habang hawak niya ang kanyang napakasakit na braso, halos hindi siya makatayo, nakangiwi na kanyang mga labi at nakapikit ng mahigpit ang kanyang mga mata.
At mukhang narinig ni Ginger ang kanyang hiyaw sa loob ng kanyang opisina dahil maya-maya pa ay bumukas ang pinto at mabilis itong pumasok.
“Ma’am?” ang nag-aalala ng tanong nito sa kanya, at nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang hawak niya ang kanyang braso.
"G-ginger" ang namimilipit na sambit niya ng pangalan nito.
Mabilis siyang nilapitan ni Ginger at hinawakan nito ang magkabila niyang braso at mas lalo siyang napangiwi sa sakit.
"Ma'am? ano pong nangyayari?" ang nag-aalala at natatakot na tanong ni Ginger sa kanya.
"Uhhh, masakit, a-ang s-sakit n-ng b-braso ko p-parang s-sinusunog" ang namimilipit niyang sagot kay Ginger.
"Halika ma'am, magpunta na tayo sa doctor ninyo!" ang mabilis na sagot ni Ginger at kinuha nito ang kanyang bag at inalalayan siya nito palabas ng boutique na agad na isinara ni Ginger.
Inalalayan siya nito palabas ng hotel at patungo sa nakaparadang sasakyan nito.
Kagat-kagat niya ang kanyang ibaba ng labi habang tinitiis niya ang labis na sakit na nadarama ng kanyang braso. Habang si Ginger naman ay laking pasalamat niya ay nanatili na kalmado sa pagmamaneho nito hanggang sa maabot nila ang hospital kung saan siya nag papa-check-up.

At pagdating sa hospital ay agad siyang pinuntahan ng kanyang doctor, at sa halip na magmadali ay ngumiti pa ito sa kanya na labis niyang ikinainis.
"Doc, aren't you going to do something to me? Wala man lang ba kayong ipapahid sa braso ko para mawala ang sakit?" ang kunot noong tanong niya sa kanyang doctor.
"Hindi ba dapat na matuwa ka miss Valderama at masakit ang braso mo?" ang nakangiting tanong sa kanya ng kanyang doctor.
Kumunot ang noo niya at tiningnan niya ang doctor niya na tila ba tinubuan ito ng sungay, ano bang pinagsasasabi nito na dapat ay matuwa siya at masakit ang kanyang kanan na bra-
At natigilan siya at nanlaki ang kanyang mga mata, and she gave a wide questioning look at her doctor who was smiling widely at her and he was slowly nodding his head on her.
"Doc?" ang di-makapaniwalang sambit niya at nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na dahil sa sakit na nadarama, kundi dahil sa labis na tuwa dahil sa reyalisasyon ng mga nangyayari ng sandali na iyun.
"Miss Valderama, nagbalik na sa dati ang mga ugat ng braso mo" ang nakangiting sagot ng kanyang doctor.












Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon