Chapter 5

1.5K 88 24
                                    

Hinila ni Nikita ang papel mula sa spring para tanggalin ito sa pagkakabind at saka niya iyun nilamukos ng dalawa niyang kamay at inis na inihagis niya sa basurahan sa ilalim ng kanyang lamesa kasama na halos mapuno na dahil sa mga papel na kanina pa niya itinatapon.
Hindi na siya makapagconcentrate sa ginagawa niyang sketch ng mga bago niyang designs. Her mind was haunted by his sea eyes. Hinubad niya ang kanyang suot na salamin, at inilapat niya ang mga palad niya sa kanyang mga mata, para pisilin iyun.
Saka niya pinadaanan ng kanyang mga kamay ang kanyang buhok. Ang loose bun na ayos ng kanyang buhok ay tuluyan na bumagsak sa kanyang likuran. Inis na hinila niya ang elastic band sa kanyang buhok.
She shook her hair loose and let it hang past her shoulders, at saka niya ulit inipon ang buhok gamit ang dalawang kamay, pinilipit at inikot, para ipusod sa ibabaw ng kanyang ulo at saka iyun itinali.
At hindi lang ang mga mata nito ang gumugulo sa kanya kundi ang sinabi nito. Ang mahinang sambit nito na nagpakirot ng kanyang puso. Alam niyang mali ang ginawa niyang pagsaboy ng lemonade sa dibdib nito at ang pagdurog ng tinapay, pero, naubos din kasi ang pasensiya niya sa lalaking iyun lalo pa at nagpantig ang mga tenga niya sa sinabi nito patungkol sa kanya.
Pero, nakaramdam pa rin siya ng bagabag ng konsensiya habang naglalakad siya papasok ng building. At hanggang ngayon ay umaalingawngaw ang boses nito sa kanyang tenga. Nasira niya ang suot nito at napansin din niyang nabasa rin niya ang hawak ng kamay nito na envelope. At nalaman nga niya na, naghahanap pala ito ng mapapasukan na trabaho.
She bit her lower lip again, her conscience was killing her the whole day, lumabas siya ng photo shoot to clear her head from his haunting eyes, not realising and expecting, that their paths will cross again. At mas lalo na siyang hindi nakapag focus sa kanilang photo shoot. Dahil hindi lang ang mga kulay dagat na mga mata nito ang gumugulo sa kanya, kundi binabagabag na rin siya ng kanyang konsyensiya.
At hanggang sa mga sandali na iyun ay ayaw siyang tigilan ng umaalingawngaw na boses ng lalaking may turquoise eyes, na nanlulumo ang boses nito.
“Shit” ang bulong niya, she needed to find him, hindi lang para tulungan ang lalaking iyun, but of course to help herself, ang sabi ng isipan niya habang itinatabi niya ang kanyang mga gamit. Ibinalik niya ang lapis sa pencil holder na nasa ibabaw ng kanyang work table at ang kanyang sketchpad sa loob ng kanyang desk drawer.
She will help him and he will help her, ang sabi ng isipan ni Nikita habang kinukuha niya ang blackbag na naglalaman ng basura. Siya na ang gumagawa nito at hindi na niya inaasa pa sa iba. Dalawa lang naman kasi sila na nagtatrabaho rito sa shop, siya at ang kanyang assistant at isa pang nanahi ng mga underwear at lingerie. Hindi naman niya kayang kumuha ng iba pang empleyado, lahat kasi ng ipon niya ay, naipundar na niya sa pagsisimula niya ng kanyang negosyo, although malaki na ang kinita niya pero, naubos ang lahat ng dahil sa lalaking iyun, ang hinanakit ni Nikita.
Nainis na naman siya sa kanyang sarili, dahil naalala na naman niya ang mga masakit na nangyari sa kanya, tatlong taon na ang nakalipas. Kaya, ngayon, ang sabi ng isipan niya, sarili niya ang uunahin niya, ang giit niya sa sarili.
Bitbit ang balackbag ay lumabas na siya ng kanyang opisina at pinasadahan niya ng tingin ang kanyang shop, para masigurado na walang naiwan na mga plugs na nakasaksak pa electric sockets. Pinatay niya ang ilaw at saka niya isinara ang pinto ng shop, ibababa na sana niya ang accordion door nang may nag takip ng kanyang bibig. At isa pang lalaki ang tumabi sa kanya at may itinutok sa kanyang tagiliran.
“Huwag kang malikot kung ayaw mong gripuhan ka namin, magsasaya lang tayo, panandalian lang” ang bulong ng lalaki sa kanyang kanan na tenga.
“Umph, Umph” pilit niyang pumiglas, at iginalaw ang kanyang mga balikat na yakap ng lalaki sa kanyang likod.
“Buksan mo ang pinto” ang utos nito sa kanya at tinuhod nito ang kanyang hita.
“Bilisan mo! Akala mo nagbibiro kami na di ka namin papatayin?” ang bulong nito sa kanya, “sumunod ka lang at magpakabait, iiwan ka naming buhay, at… nasarapan” ang bulong nito sa tenga niya na nagpatayo ng balahibo niya sa buo niyang katawan at para siyang binuhusan ng malamig na tubig, dahil sa takot.
Nanginginig ang kanyang mga kamay na binuksan niya ang pinto ng kanyang shop, at pinihit iyun ng lalaking kasama nito at mabilis na itinulak ang pinto. Pero nagpumiglas pa rin siya at umaasa siya na makakuha siya ng atensyon ng mga tao, na kung bakit ba walang dumaraan ng mga sandali na iyun? Ang nawawala ng pag-asa na tanong ni Nikita sa sarili.
“Umph, Umph” ang mga impit na tunog na nilikha ng kanyang bibig, kung wala lang sana panyo na ginamit na pantakip sa bibig nito ay nakagat na niya ang kamay ng lalaki. Nagpumiglas siya at halos buhatin na siya ng lalaki papasok ng kanyang shop.
Nakuha pa nitong buksan ang ilaw, pero ng isasara na nito ang pinto at may tumulak sa pinto at nabigla ang lalaking kasama ng nakahawak sa kanya, nang may malaking lalaki na pumasok sa loob. Agad siyang nakita nito at nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala niya kung sino ang kanyang hero. It was Mr. Suplado. Her Adonis.
Mabilis itong kumilos, at nasuntok agad ni Turquoise eyed hunk ang kasamang lalaki. At dahil sa mas malaki si Mr. Suplado at sa pagkabigla ng lalaki at agad na nasapol ang ilong nito at dinig na dinig ni Nikita ang tunog ng nabasag na buto.
Humiyaw sa sakit ang lalaki at napaluhod ito sa sakit at doon na siya binitiwan ng lalaking may kutsilyo na nakahawak sa kanya. Inundayan nito ng saksak si Mr. Suplado, na panay ang ilag at tabig sa kamay ng lalaki na may kutsilyo. At nang makakuha ito ng tiyempo ay nahawakan nito ang umuunday na kamay ng lalaki na may patalim. Pinilipit nito ang kamay ng lalaki at nabitiwan ang hawak na kutsilyo nito.
“Tulungan mo ako!” ang sigaw ng lalaki sa kasamahan nitong nakayuko at nakaluhod habang hawak ang ilong na dumurugo. Dahil siguro sa sakit ay hirap itong tumayo para tulungan ang kaibigan at nakakuha na ng tiyempo si Nikita. Dinampot niya ang isang glass display na nakapatong sa may eskaparate ng kanyang shop at hinampas niya iyun sa ulo ng lalaking duguan ang ilong, kaya muling napahiyaw ito at nanlalambot ng tumakbo palabas at iniwan ang kasama nito na patuloy na sinusuntok sa mukha ni Mr. Suplado.
Dinig na dinig ang mga tama ng kama on nito sa panga ng lalaki at nang makakuha naman ng tiyempo ang lalaki ay sinipa nito sa hita sa turquoise eyed hunk kaya napaatras ito at napasandal sa dingding at bahagyang napaupo sa sahig at naitumba pa nito ang isang display ng kanyang lingerie. Mabilis naman na tumakbo ang lalaki palabas ng shop na kinuha ang pagkakataon ng mabitiwan ito ng lalaking tumulong sa kanya.
Mabilis din na tumayo mula sa pagkakaupo nito si Mr. Suplado, at tumakbo rin ito palabas, habang siya ay sumunod at tumayo siya sa may pintuan at narinig na lang niya ang mabilis na pagharurot ng sasakyan.
Tumalikod si Nikita para pagmasdan ang magulong shop niya at napaigtad siya ng marinig mula sa kanyang likuran ang boses ng lalaking laman ang isipan niya.
“Okey ka lang?” ang tanong nito sa kanya at mabilis na pumihit ang kanyang katawan para harapin ang lalaking tumulong sa kanya.
Mabilis siyang tumangu-tango at napansin niya ang dugo sa kamay nito. At doon lang niya napagtanto niya na ang dugo sa kamay nito ay hindi galing sa mga lalaking binugbog nito. Kundi galing sa sugat sa palad nito. Marahil ay nadaplisan ng kutsilyo ang kamay nito habang sinasalag ang mga unday ng saksak ng lalaki kanina.
“You’re bleeding, let me help you please” ang sabi niya and without thinking she took a step out closer to him and she placed her hands on left arm and pulled him inside. She was thankful at hindi na nagmatigas ang lalaki at humakbang na rin ito papasok sa loob. Agad niyang isinara ang pinto at itinuro niya ang sofa na para sa mga clients.
“Maupo ka please” ang pakiusap niya sa lalaki at mukhang naramdaman na nito ang sakit dahil sa nakita niyang kumunot na ang noo nito. He started grimacing and she knew that he’s in pain.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng kanyang work room at mabilis ang kilos niya, nagtungo siya sa may storage room para kumuha ng rolyo ng malambot na tela. Kumuha rin siya ng mga tela na pwede niyang ipansapin, at bagong pa siya lumabas ay kumuha siya ng pineapple juice na nasa lata at isang bottled water.
Naabutan niya si Mr. Suolado na pinupunasan nito ang sugat gamit ang panyo nito.
“Don’t do that” ang saway niya, and he just rolled her eyes to her. She sighed, she took several steps closer to him, she opened the can of pineapple juice and held the can to him.
“Here inumin mo para hindi ka mahilo” ang utos niya rito habang nakaabot ang lata ng juice sa harapan nito.
Kunot noo lang na tiningnan nito ang lata na nasa harapan nito, at muli na naman siyang napabuntong-hininga, ayaw niyang mainis ng mga sandali na iyun lalo pa at malaki ang utang na loob niya rito.
“Please inumin mo, nakakatulong daw ang juice para hindi mahilo” ang malumanay na pakiusap niya. At mukha namang tumalab ang pakiusap niya, tumingala muna ito sa kanya para tingnan siya sa mga mata bago nito kinuha ang lata sa kanyang kamay, at hindi sinasadyang dumampi ang mga daliri nito sa kanyang mga daliri na nakahawak sa lata.
She cleared her throat, para mawala ang kakaibang sensasyon na nadama niya, when his fingers lightly brushed hers. Mabuti at hindi nagtayuan ang buhok niya sa ulo ng gumapang ang tila electric current na pakiramdam na kanyang nadama.
Mabilis siyang kumilos para mawala ang nadarama, dinampot niya ang kanyang bag na nasa sahig at kinuha mula sa loob ang kanyang alcohol at anti bacterial na wet wipes.
Muli siyang humakbang palapit kay turquoise eyes na lalaki na kasalukuyan na iniinom ang pineapple juice na ibinigay niya. Naupo siya sa tabi nito at nilagyan niya ng tela ang ibabaw ng kanyang hita, para pansapin.
“Akin na ang kamay mo” ang sabi niya rito. Pero mabilis itong umiling.
“Huwag na, napunasan ko na” ang sagot nito. Tiningnan niya ang kamay nito na may sugat na binalutan nito ng panyo na may bakas na ng dugo.
“Kailangan na madisinfect ang sugat mo, akin na at lilinisan ko” ang giit niya.
“Sinabi ng aw!” ang hiyaw nito dahil hinila niya ang kamay nito na may sugat at ipinatong sa kanyang mga hita.
“Kung di matigas ang ulo mo hindi ka masasaktan” ang mariin niyang sabi, habang inaalis ang panyo sa kamay nito.
“Huh, kung hindi ako minamalas hindi ako magkakasugat” ang sagot nito sa kanya at alam niyang siya ang pinatutungkulan nito na malas. Pero hindi niya iyun pinansin, hindi maitatago ng mga pang-aasar nitong mga salita na malaki ang utang na loob niya rito, kaya, kaya niyang tanggapin ang mga salita nito.
Napangiwi siya ng makita ang sugat sa palad nito hindi man iyun ganun kalalim pero, mahaba ang sugat na nagpatuloy sa pagdurugo. Kinuha niya ang kanyang anti-bacterial na wipes and she pulled out a couple of sheets saka niya dahan-dahan na pinunasan ang sugat nito at naramdaman niya na napaigtad ito at napasinghap.
“Sorry” ang mahinang sabi niya, “uh, salamat nga pala ha, kung hindi dahil sa iyo, baka” hindi na niya naituloy ang sasabihin. She was so close to being raped or even murdered, at dahil sa lalaking ito kaya siya ligtas na nakaupo ngayon sa loob ng kanyang shop.
“Talaga bang naglalakad kang kamalasan? Issssh” ang sambit nito ng buhusan niya ng alcohol ang sugat nito. Napangiwi ito at at napapikit.
“Anak ng- whoo!” ang hiyaw nito sa hapdi. At nginitian niya ito, tawagin ba naman siyang kamalasan? Ang inis na sabi ni Nikita sa isipan.
“Ano nga pala ang pangalan mo? Para mapasalamatan naman kita ng maayos” ang malumanay niyang sabi habang binabalot niya ng rolyo ng maliit na tela ang kamay nito para magsilbing bandage.
“Hindi mo naman kailangan na malaman ang pangalan ko para magpasalamat” ang sagot nito sa kanya, at itinikom na lang niya ang kanyang bibig.
“Yan, okey na, salamat ulit, saan ka pala nakatira?” ang tanong niya at muling kumunot ang noo nito sa kanya.
“Huh, bakit kailangan mo na malaman?” ang tanong nito sa kanya na may bahid ng pagtataka.
“Dadalhin kita sa doctor bukas, kailangan na may inumin kang gamot at maturukan ka ng anti tenanus shot” ang paliwanag niya.
Mabilis itong umiling at tumayo sm a ito para umalis, “hindi na kailangan” ang sagot nito sa kanya at naglakad na ito palapit sa pinto at hinawakan na nito ang doorknob.
“Please, let me atleast, repay you sa pag tulong mo sa akin at alam ko hindi ka hihingi ng kahit anong kapalit, kaya, let me take you to a doctor tomorrow, please” ang pakiusap ni Nikita.
Hinila nito ang pinto para buksan iyun, bago ito muling lumingon sa kanya para magsalita.
“Ang tanging magagawa mo lang para sa akin ay ang layuan ako” ang huling mga salita nito sa kanya bago ito mabilis na lumabas ng kanyang shop at malakas na isinara ang pinto.

At naiwan siya sa loob ng kanyang shop na nakatingin sa nakapinid na pinto. At muli siyang napabuntong hininga.
She turn around and stared at her messy shop. Wala na siyang lakas para maglinis pa sa loob, gusto na niyang umuwi at mahiga sa kanyang kama.
Alam niya na kailangan niyang tawagan ang mga pulis para maireport ang nangyari pero wala na siyang lakas para pumunta pa ng police station at kwestiyunin ng ilang oras at muling bumalik rito para mag-imbestiga.
Bigla siyang nakaramdam ng panghihina, hindi lang dahil sa muntik na siyang mamolestiya at mapatay, kundi, nakawala na naman sa kanyang mga kamay ang pagkakataon na makilala ang lalaking, matagal na niyang hinahanap.
"I will find you, kahit gaano ka pa kailap ay mahahanap kita" ang malakas na sabi niya sa kanyang sarili.
Hindi siya susuko, ngayon pa na nakita na niya ang lalaki na kanyang matagal ng hinihintay.













Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon