Bumalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tilaok ng manok. Tumingin ako sa bintana at madilim pa. Tumayo na ako at itinupi ang hinigaan kong banig at kumot. Mabilis akong lumabas ng kuwarto at pumunta na sa kusina. Naabutan ko don ang lola ko na nagtitimpla na ng kape."Lola mamaya na po ako magkakape kailangan ko pong makauna doon sa daungan." Sabi ko.
"Naku magkape ka munang bata ka!" Saway sa akin ni lola.
Nagpalit na ako ng damit ko at kinuha ko na ang banyera.
"La kapag nahuli ako ng dating doon bilasa na po ang makukuha kong isda." Sabi ko saka na ako nagmamadaling lumabas ng bahay.
Narinig kong tinawag ako ng lola ko pero nagmadali na akong lumabas ng bahay. Dito ako lumaki sa Dagupan, Pangasinan. Ang nanay ko ay nasa bansang Oman at isa siyang Domestic Helper doon. Bilang pagtulong sa kanila ay kumuha ako ng puwesto sa Palengke at nagtitinda ako ng isda.
Hindi ko ikinahihiyang lumaki ako sa hirap. Oo foreigner nga ang tatay ko pero lumaki ako na hindi siya nakikilala. Wala akong kapatid dahil hindi naman na nag asawa ang Mama ko. Nagkasakit ang lolo ko dati sa kidney at kailangan na ma dialysis kaya muling bumalik ang mama ko sa abroad para makipagsapalaran. Huminto ako sa pag aaral ng kolehiyo dahil hindi na ako kayang tustusan ng Mama ko.
Ganon pa man, hindi din nakaligtas ang lolo ko at bumigay na ang katawan niya. Pero kasabay naman non ang pagkakaopera ng lola ko sa matris kaya kinailangan kong tumulong sa Mama ko.
Saktong kadarating ng bangka ng mga mangingisda ng makarating ako sa daungan. Nakipag unahan ako para makauna ako sa mga sariwang isda.
"Manong isang banyera nga po ng Bangus." Sabi ko kay Manong Nilo.
"Ay Sofia nakareserba na kasi ito kay Aling Minda e. Kay Raymond ka na lang muna kumuha." Sabi ni Manong Nilo.
"Ay sige po Manong." Sabi ko.
Muli kong inabangan ang pagdating ng bangka ni Raymond. Si Raymond ay kababata ko.
"Raymond isang banyera nga ng bangus." Sabi ko.
"Nireserba ko talaga para sayo ito Sofia." Anya.
"Salamat." Sabi ko.
"May pusit din ako at sugpo baka gusto mong kumuha?" Tanong niya.
"Sige. Bigyan mo na rin ako ng galunggong." Sabi ko.
"Sige. Ihatid ko na lang sa puwesto mo." Anya.
"Sige." Sabi ko at nauna na akong naglakad.
Pagkahatid niya sa pwesto ko sa palengke ay mabilis kong inayos ang mga isda.
"Ay suki bili ka na ng bangus, sariwang sariwa." Tawag ko sa isang ale.
"Magkano ang kilo?" Tanong niya.
"Naku suki isangdaan na lang ang kilo para sayo! Tingnan mo sariwang sariwa pa! Pulang pula ang hasang!" Sabi ko.
"Sigurado kang sariwa yan ha?" Anya.
"Aba'y oo naman suki! Kailan ba kita binentahan ng bilasa?"
"Siya sige bigyan mo ako ng sampung kilo. May reunion kasi kami ngayon." Anya.
"Ay sige suki! Dagdagan mo na din ng sugpo at pusit suki para naman ganahan ang mga bisita mo!" Alok ko.
"Magkano ba ang pusit at sugpo?"
"Tatlong daan ang kilo sa sugpo suki, sa pusit naman isang daan din."
"Huwag na muna."
"Naku suki sayang naman! Masarap yan na isigang. Yung pusit masarap iihaw or i calamares. Matutuwa ang mga bisita mo." Pangungumbinsi ko.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With The Billionaire
RomanceLumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad...