SIMULA

3.4K 85 4
                                    

° ° °

---

Nandito kaming tatlo sa bahay namin at busy sa pagbabasa ng iba't ibang books dito. Walang pasok kaya makakagala rin kami kahit saan namin gusto.

"Guys? Bored ako, tara labas tayo." basag ng isa sa mga kaibigan ko sa katahimikang bumabalot sa amin ngayon na nakaupo sa sofa chair namin.

Siya si Crystal Eunice Umali. Matalino, mayaman at nag-iisang anak lang siya. Kaya nasa kanya ang buong atensiyon ng mga magulang niya.

Ibinaba ng isa sa mga kaibigan ko ang librong binabasa niya. "At saan naman tayo pupunta?" tanong nito na nasa lapag ngayon nakaupo.

Siya naman si Honey Fatima Ramos. Mayaman rin, may sariling kotse, may sariling motor at matalino rin. Matangkad rin naman siya pero mas matangkad ako sa kanilang dalawa. Hehe!

May naalala akong lugar kaya ako na lang ang sumagot.

Ibinaba ko yung librong binabasa ko at sinagot yung tanong ni Honey. "Sa rest house namin sa Pampanga. Yun ay kung... papayag kayo. Don't worry, maraming makakain doon. May dalawa akong driver at dalawang Yaya doon na handang mag-asikaso sa atin." sagot ko na nakahiga ngayon sa couch.

Tumango naman na sila bilang sagot. So, ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa libro at nagbasa na ulit nang biglang tumunog yung phone ko. Kaya lumayo muna ako sa mga busy na mga kaibigan ko.

"Hi, Mom!" sagot ko sa tawag.

Si Mommy pala itong tumatawag.

["Colleen, aalis kami ng Daddy mo papuntang Tokyo, Japan."]

Woah! Japan! Nice place!

"Mom, pwedeng sumama? Please?"

I heard my Mom sighed in the other line before she answer me.

["Nope, baby. Hindi pwede. That plan is for our business only. Maraming clients ang gustong kumuha ng wine na product natin. Kaya kailangan naming makipag-meet sa mga clients na naghihintay sa amin doon. Kung hindi namin sila sisiputin, sayang yung opportunity na makilala worldwide yung products natin. Kaya sorry, baby. Don't worry, bibilhan na lang kita ng mga pasalubong mo, okay?"]

Ano ba naman 'yan?! Hindi pa ako makakasama! 'Di bale, hihingi na lang ako kay Daddy ng two million papuntang Qatar ng ako lang mag-isa.

May saglitang bumalot na katahimikan sa aming dalawa na binasag ko rin kaagad.

"Ahmm.. Mom?"

["Hmm? Bakit, anak? May problema ba?"]

"Gusto po naming magbakasyon sa rest house natin sa Pampanga. Pwede po bang ipadala niyo dito yung susi ng bawat kwarto at yung gate? Please, Mommy." pang-iiba ko ng usapan.

["Okay, anak. Hintayin mo na lang yung driver ko na pumunta diyan. Ipapahatid ko lang."] yes! Buti na lang at pumayag siya na doon muna kami.

"Okay, Mommy. Yung ice cream freezer ko nga po pala diyan. Ipapakuha ko pa po ba o bibili na lang po ako ng bago?"

["Bumili ka na lang ng bago, anak. Siya pang dinadala niyo."]

Ang bait talaga ng Mommy ko. Pero mas mabait talaga si Daddy. Walang makakatalo sa kabaitang taglay niya.

"Thanks, Mommy! Bye!"

Nagpaalam na rin si Mommy sa kabilang linya kaya pintay ko na yung tawag at bumalik na sa pwesto ko kanina.

"Sino 'yon? Mommy mo?" bungad na tanong ni Honey na nasa tabi nasa sofa na nakaupo. Nangawit na sigurong nakaupo sa lapag kaya naisipan na siyang umupo sa sofa na pinaghihigaan ko dito sa living room.

Ibinulsa ko na ulit yung phone ko sa likod ng black pants ko. "Oo, ipinaalam niya lang na pupunta sila sa Japan para makipag-meet sa mga clients nila doon." sagot ko sabay upo sa sofa katabi ni Honey.

"So, paano ka makakapasok ng bahay niyo ngayong may pupuntahan ang Mommy at Daddy mo?" singit naman ni Crystal kaya napatingin kami sa kanya na nakaupo na ng diretso ngayon sa sofa chair.

"Hindi naman nila-lock nila Mommy yung bahay tsaka yung gate. Nakalimutan mo na bang may mga Yaya kami at hardinero na nandoon? Tsaka may mga iba pa kaming trabahador na nagtatrabaho doon na nakatuloy sa bahay namin. Kaya paano nila ipapasara kapag wala sila? Hmm?" paliwanag ko.

"Okay." sagot niya saka tumango-tango. Bigla siya tumayo na siyang ikinataka namin.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya kaya napahinto siya at lumingon sa gawi kung nasaan ako.

"Sa kusina na'tin. Nagugutom ako eh. Kukuha lang ako ng sandwich na tatlo tsaka magtitimpla ako ng juice for our merienda time. Okay? See you later!" dire-diretso niyang sagot saka nagpatuloy ng pumunta sa kusina.

Ako naman, tumayo na ako. Sumunod namang tumayo si Honey. Magkasunod rin kaming pumunta na ng sari-sarili naming kwarto.

Nang nasa kwarto na ako, kinuha ko na yung maleta ko sa ilalim ng kama ko at kinuha ang ibang mga gamit ko sa closet ko at isa-isang nilagay ng maayos sa maleta na dadalhin ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga gamit ko ng biglang may kumatok.

"Pasok." utos ko. Nakakatamad magbukas ng pinto eh.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit ko hanggang sa marinig ko ang pintuan ng kwarto ko na bumukas.

"Anong kailangan mo?" tanong ko ng hindi pa rin lumilingon sa kung sino ang pumasok.

"Ahmm.. Ihahatid ko lang sana itong miryenda mo. Sige, Colleen. Pupunta na rin ako sa kwarto ko para makapag-prepare ako ng mga gamit ko na dadalhin." dire-diretsong sagot ng pamilyar na boses.

Nilingon ko kung sino yung taong iyon. Psh! Si Crystal lang pala. Hayy.. Akala ko kung sino na. Naalala ko, siya nga pala yung pumuntang kusina kanina para maghanda ng miryenda namin.

Bumaba na ako para hugasan sa lababo itong pinagkainan ko. At nang mahugasan ko na iyon, bumalik na ako sa kwarto ko sa itaas.

Sa taas naman talaga lahat ng kwarto namin. Magkatabi yung kwarto ni Crystal at Honey sa bandang kanan. So, mag-isa ko lang sa bandang kaliwa. Kaya maluwang yung space ko doon. Sa baba naman ng hagdan papuntang kwarto namin yung storage room na sobrang lawak.

Naligo ako at nagbihis ng maganda. Sinuot ko yung kakabili lang na yellow crop top ko at black pants saka tinernohan ng white rubber shoes.

Bumaba na ako ng kwarto ko dala ang isang color pitch na sling bag ko. Pinatawag ko si Kuya Nonoy, yung driver ko since noong maliit pa lang ako.

Nang maikarga na niya yung maleta ko sa likod ng van, pinuntahan ko na sila Crystal para sunduin sila sa kwarto nila.

Ipinatawag ko rin yung dalawa pang driver namin para tulungan yung dalawa sa mga maleta nilang dinala.

I'm Alexandra Colleen Ethel Eleazar. Ang anak ng pinakamayan at pinakamaimpluwensiyang tao dito sa buong mundo. Pinakamatalino, pinakamatangkad at pinakamasungit rin at the same time. Haha!

Hindi naman sa ipinagmamayabang ko ang sarili ko pero sabi ng iba, may itinatago rin naman daw akong ganda at sexy rin daw ako. Pfft! Dati ko naman ng alam na sexy talaga ako. Pero yung pagiging maganda? Namana ko lang siguro sa Mommy ko. Natural, parang ganun na nga.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon