18

592 31 0
                                    

° ° °

Casper's POV

---

Masaya akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Nandito kasi kami sa isa sa mga hotel ng babaeng ipokritang 'yon. Buti nga nadapuan pa ng kabaitan. Ang buong akala ko talaga kagabi, sa bangka kaming lahat matutulog.

Tsaka nakapagpaabot naman ako ng pasasalamat. Kagabi, I brought her a bouquet of red roses that I placed in her sofa sa sala. I hope she liked it.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Mukha kasing kompleto rito. May masasarap na pagkain sa fridge at--what the f*ck! Walang pagkain dito sa fridge?! Ganyan ba kakuripot ang may-ari dito? Really?! No foods?!

Inis akong lumabas at pumunta ng fastfood chain dito sa islang ito. Sigurado naman akong kompleto rito. May mini market nga dito eh. Na-track ko lang gamit ang phone ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang makita ko ang babaeng ipokrita na may-ari nitong buong isla.

"Hoy!" tawag ko rito. Nilingon niya naman ako.

"Ano na naman bang kailangan mo?!" napakasungit talaga.

"Bakit walang pagkain sa fridge? Ganyan ka ba kakuripot? Nagbabayad ng sapat ang mga tao sa hotel mo tapos walang naka reserved na pagkain?" ganyan ako, direct to the point.

"Wow! Talaga lang ha? Eh bakit? Pinagbayad ba kita para isumbat mo sa akin na kuripot ako? Hindi ka ba nahihiya sa mga pinagsasasabi mo? Oh well, naalala ko lang pala. Wala ka palang hiya 'di ba? Tsk! Kuripot your face! Ang kapal ng mukha mo!" aniya sabay talikod at naglakad palayo.

Nagpatuloy na lang ako sa paglilibot hggang sa may napansin ako na parang pamilyar sa akin.

Oh! Bouquet of roses! Bigla ko tuloy naalala yung bulaklak na ibinigay ko sa babaeng ipokrita na 'yon.

Nilapitan ko yung lalakeng nangongolekta ng basura.

"Kuya, saan mo nakita iyang hawak-hawak mo?" tanong ko rito.

Itinigil niya yung ginagawa niya saka ako hinarap. "Doon po." sagot nito sabay turo sa kung saan man nanggaling yung bouquet.

Teka? Bahay ba 'yon ng ipokritang may-ari ng islang 'to? Tss. Sabi na nga ba't itatapon niya eh. Masungit na nga, ang arte pa! Ako na nga nag-effort para magbigay ng bulaklak, siya pa ang may ganang itapon iyon.

Luminga-linga ako sa paligid. Natanaw ang babaeng nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa dagat. Pinapanood ang bawat hampas ng mga alon sa buhangin.

Nilapitan ko siya. Mukha kasing napakalalim ng kanyang mga iniisip. Parang masyado nman niyang iniisip yung sitwasyon naming dalawa.

Umupo ako sa tabi niya. "Hi! Bakit ba parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ko nng makaupo na ako sa tabi niya.

Tumingin siya sa akin. "Alam mo naman yung problema ko hindi ba?" malumanay niyang tugon.

"Oo. Pero...huwag mo naman yata masyadong isipin. Ako nga hindi ko na iniisip."

"Kasi wala ka naman talagang isip." hmp! Bwisit talaga ito eh 'noh? Ako na nga lang yung nagtitiis na huwag siyang patulan, siya pa ang gumagawa ng paraan para mainis na naman ako sa kanya.

"Tss! Nang-iinis ka na naman ba?"

"Hindi, 'yon lang kung maiinis ka talaga sa mga pambabara ko sayo."

"Tss! Matapos mong itapon yung bulaklak na ibinigay ko sayo."

"Eh bakit ba kasi red roses yung ibinigay mo?" ibinalik niya sa katubigan ang tingin. "Hindi pa naman ako patay. Tsaka iyon ang pinaka hate kong bulaklak sa lahat ng mga bulaklak na alam ko." kaya pala.

"Wow ha? Patay lang ba ang binibigyan ng red roses? Kasi ikaw lang ang nakilala kong ganyan ang reaksiyon kapag binibigyan ng red roses. Ang akala ko pa naman, mapapasaya kita kapag binigyan ka ng bulaklak." sumbat ko.

"Tulad ng Mommy ko. Kapag dumadalaw ako sa puntod niya, dinadalhan ko siya ng bouquet of roses. Paborito niyang bulaklak 'yon eh." dugtong ko.

"Ako naman yung Lolo at Lola ko. Tulad rin ng sinabi mo, red roses rin ang paborito nila. Kaya kapag nakakakita ako ng red roses, naiinis ako dahil hindi ko pa tanggap na wala na talaga sila." parehas pala kami na namatayan ng mga mahal sa buhay  ang mga paboritong bulakalak ay iisa lang, ang pulang rosas.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa may narinig kaming nagtatawanan malapit sa bahay nitong babaeng 'to. Mga nakaupong pabilog na siyang kumuha ng atensyon namin.

"Anong meron?" tanong ko sa mga taong nakapabilog. Yung mga kasama ko pala ang mga 'to. Yung butler ko, yung dalawang guard ko at dalawang taga kabilang isla.

"Wala naman. Gusto ko lang malaman kung bakit ang iingay niyo." sagot ko.

"Oh siya, lumilim muna kayo doon sa coutage number 43." singit nitong nasa tabi ko. "Huwag niyo ng alalahanin ang bayad dahil.." tinuro ako ng katabi ko. "Siya na ang bahala sa lahat ng babayarin ninyo." naks! Ang galing naman nitong babaeng 'to! Ibang klase!

Magsasalita pa lang sana ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko. "Huwag ka ng umangal. Kasama mo sila. At hindi naman sila mapapadpad dito kung hindi dahil sayo hindi ba? Kaya sayo ko kukunin lahat ng bayad. Tsaka ang sabi mo sa akin kanina, kuripot ako. Kaya paninindigan ko lang yung sinabi mo. Sorry, nagbago isip ko eh. Mas masaya kapag may bayad." ang kapal mong hayop kang babae ka! Bwisit naman oh!

* * *

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga gamit ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kung saan ako nag-i-stay.

"Pasok!" hindi ko na pinansin pa kung sino ang pumasok. Sigurado naman akong kung hindi yung butler ko ay isa sa mga guards ko ang gustong pumasok.

"Hoy! May pagkain sa baba. Baka gusto mong makihalubilo sa amin. Don't worry libre 'to. Sa coutage number 36 ka pumunt kung gusto. O kaya naman, bibili ka na lang ng sarili mong pagkain. Sige, bye!" dire-diretso nitong saad sabay sara ng pinto kaya napalingon ako sa pinto na biglng sumara.

Tinignan ko yung wallet ko kung marami pang pera. And.. wtf! Malapit ng maubos yung nandito sa wallet ko! Kailangan kong makapag withdraw bago ako tuluyang maubusan ng pera! Bwisit kasing babae 'yan! Nakakainis!

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon