22

577 31 4
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Nang matapos kami sa ibabaw ng burol, ang sabi niya sakin na mayroon pa raw kaming pupuntahan kung saan pinupuntahan niya kapag nagmumukmok lang siya. Saan iyon?

Sa rooftop ng building ng sarili nilang hotel building.

"Palubog ang araw. Siguradong mamamangha ka sa makikita mo roon." saad niya habang paakyat na kami sa rooftop.

Nang makatungtong kami doon, may tinawagan siya sa kanyang phone. Ilang minuto pa'y ibinaba na niya rin iyon at humarap sa akin.

"Tara sa banda do'n. Upo tayo." aya niya sa akin kaya sumama naman ako.

Maya-maya pa'y may dumating na isang lalakeng nakahoodie. Ang akala ko nga noong makita ko siya, isa siyang mamamatay tao. Kaya medyo napatayo ako. Tatakbo na sana ako nang bigla akong hilain ni Ken at nginitian.

"S-sino siya? B-bakit siya nandito?" nauutal kong tanong sa kanya. Medyo namamasa na yung mga palad ko dahil medyo kinakabahan ako sa kung anong pwedeng gawin nitong mama na 'to.

"Kalma. Yung isang driver namin 'yan. He's Robert." sabi niya kaya napatinigin ako sa katabi ko.

"Yes, ma'am. I am Robert po. Sorry po kung naka ganitong outfit ako." napalingon ako sa nagsalitang naka hoodie. So, totoo pala na siya. Okay. Tama lang na kumalma ka. Masyado ka ng OA, Colleen.

"Okay? Sorry if ganito ang reactions ko. Pasensiya na."

"It's okay po, Ma'am. Kaya lang naman po ako nagsuot ne'to kasi para sa protection sa pagkakakilanlan." tugon niya na siyang ikinataka ko.

Tumingin ako sa katabi ko. "Huh? Anong ibig niyang sabihin?" tanong ko.

"Baka malaman ng mga tauhan ng Daddy ko na magkasama tayo. Baka magpadala pa siya ng mga tauhan niya para sunduin tayong dalawa." walang emosyon niyang sagot.

May huli pa siyang sinabi pero hindi ko na narinig pa. Sobrang hina kasi. Sinubukan kong tanungin kung ano iyon. Ang sabi niya, wala lang daw iyon kaya huwag na akong magtanong.

Lumapit yung nagngangalang Robert at may iniabot sa akin na nakasupot. Binuksan ko at nakita kong may laman na two take-out coffee and two take-out burger. Naisip ko tuloy na inutusan siya ni Ken para ibili ito ng makakain.

Iniabot ko ito kay Ken na kinuha naman niya kaagad at iniabot ulit sa akin.

"Bakit mo ibinibigay sa akin 'to? Ang akala ko ba nagpa--" pinutol niya yung sinasabi ko.

"Sayo 'yan." wow! Ngayon ko lang nakita ang ugali niyang 'to ah. Mapagbigay rin pala siya. Ang akala ko kasi, madamot siya. Kuripot, parang gano'n.

"Thanks." nginitian ko siya at umupo na sa tabi niya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng burger ko nang bigla siyang magsalita.

"I miss you, Mom. I miss the aroma of your coffee. I miss you so much. I wish you're here para masaksihan mong ikakasal ang anak mo dahil sa kagagawan ng walang kwentang ama ko." then I saw some tears from his cute eyes that continuously flowing down to his cheeks.

I don't have a choice kaya niyakap ko na lang siya. Na siya ring ginawa niya sa akin. At doon ko nalaman na deep inside, mahina pala siya.

///

Casper's POV

---

Hindi ko napigilang mapaluha. Naalala ko na naman kasi ang Mommy ko. Sa tuwing napapasulyap ako sa papalubog na araw, naaalala ko siya.

Watching sunset, is my hobby with my Mom when she's still alive. But, when she died because of her illness? I don't think I can carry my eyes not to cry when I remember the memories that we had.

Nang kumalma na ako mula sa pag-iyak, kumalas na ako sa pagkakayakap ni Alex at inayos ang upo. Nakakahiya sa kanya! Nakita pa niya yung kabilang side ko.

"Sorry ah. Hindi ko lang kasi napigilan." paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Ganyan rin ako minsan kapag naaalala ko ang Lolo at Lola ko. Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal. Sariwa pa rin kasi para sa akin yung sakit." parehas pala kami ng sitwasyon. Na namatayan na rin siya ng mga mahal sa buhay.

Pagkatapos ng eksenang iyon, naging tahimik lang kaming dalawa. Pinagmamasdaan ang araw na bumababa.

Pinatapon na namin ang kalat naming dalawa sa driver namin na si Robert. Inaya na niya akong umalis at bumalik na sa condo. Pumayag naman ako, palalim na rin kasi ng palalim ang gabi.

* * *

Nang makarating na kami sa condo, dumiretso ako kaagad sa couch. Doon muna ako matutulog kasi sa kama ko matutulog si Alex.

"Good night, Ken." malambing nitong sabi saka ako nginitian.

Nilapitan ko siya para sana yakapin at magpasalamat. Eh kaso.. Iba ang naramdaman ko nang makalapit na ako sa kanya.

Tinutukso ako ng maninipis niyang labi kaya.. nahalikan ko siya. Pero imbis na magalit siya, gumanti siya ng halik. Tinapos ko na ang halik nang magising ako sa katotohanang hindi siya sa akin para halikan ko siya ng gano'n, gano'n lang.

Umupo ako sa couch at himinga ng malalim "Sorry. Natuk--"

Pinutol niya ang sinasabi ko ng isang mainit na halik niya na siyang ikinagulat ko. Nang mauna na niyang igalaw ang mga bibig niya, ginantihan ko na.

Bumitaw siya ng halik kaya bumitiw na rin ako sa pagkakahalik niya. Nginitian niya ako sabay sabing...

"It's okay. I like your lips."

Kaya hindi ko mapigilang kiligin ng kaunti. Siyempre, naging crush ko rin naman siya dati.

Nginisian ko siya. "Tss. I know." sumbat ko na siyang ikinatawa naming parehas.

"...hahaha! Sana hindi ko na lang sinabi 'yon."saad nito habang nataawa pa.

"Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya.

"Eh alam ko naman kasing papalakpak na naman ang mga tenga mo dahil sa sinabi ko." sagot niya saka ako inirapan at nginitian. Oh, ang laki rin pala ng pagka-baliw nito. Iirap-irapan ako tapos, ngingiti-ngiti rin naman.

Nakangiti akong natulog. Pero kahit na anong gawin kong pikit, hindi ako makatulog. Palipat-lipat rin ako ng higa. May tatagilid ako sa kanan, may tatagilid rin minsan sa kaliwa.

Peste! Naiinis na ako. Bakit ba ayaw akong patulugin?!

Ang pinagtatakahan ko lang...

Bakit sa tuwing naaalala ko yung sinabi ko kanina kay Alex na sadyang hininaan ko yung boses ko para hindi niya marinig yung huling sinabi ko. Tsaka isama mo na pati yung halik, biglang lumalakas yung kabog ng dibdib ko. Pero...parang...

Hindi kaya...

Arghh! HINDI KAYA UNTI-UNTI NA AKONG NAHUHULOG SA KANYA NG TULUYAN?!

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon