° ° °
Colleen's POV
---
Pinapasok ako ni Gab sa bahay nila. Wala na kasi akong mapuntahang iba. Ayaw ko namang maglabas ng sama ng loob sa mga bestfriends ko. Ayaw kong dumagdag pa sa mga pinoproblema nila.
Eh, buti pa si Gab, walang gaanong problema. Pwedeng paglabasan ng sama ng loob kasi mukha siyang pinaglihi doon. Joke lang, gwapo rin naman siya kahit pa paano.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya sabay lapag ng dalawang baso ng orange juice sa living room table.
Uminom muna ako ng kaunti bago sinagot ang tanong niya. "Ahm... busy ka ba?" Tumango siya.
Nagpamulsa siya sa harapan ko. "Medyo," simpleng sagot nito.
Kinakabahan tuloy ako. Alam kong may gusto sa akin ang taong ito pero, I don't have any choice naman kun'di sa kanya lang pumunta.
"Ahm... are you free tonight?" tanong ko na tinanguan naman niya bilang pag sang-ayon.
"Hmm... payagan mo muna ako manligaw sayo tapos sasamahan kita."
"What?! Joke ka ba? You're so funny. Alam mo na ngang ikakasal na ako 'di ba?"
"Yes, and I know that you're not happy with him. Am I right?"
I'm happy with him. I admit it. And I can't deny it. Bakit? Ewan ko. Basta masaya lang ako sa tuwing kasama ko siya.
"No," simpleng sagot ko.
Kumunot ang noo niya pero bumalik rin sa dati. "Okay, hindi naman kita masisisi kung masaya ka na nga sa piling niya. PERO... kapag nalaman kong sinasaktan ka lang niya, sa ayaw at sa gusto mo ay ilalayo kita sa kanya. Maliwanag ba?" saad nito sabay hawak sa mga kamay ko pero dali-dali ko ding inalis kaagad ang mga iyon at medyo dumistansya ng kaunti sa kanya.
Bigla akong nalungkot nang maalala ko ang dahilan kung bakit nga pala ako nandito. Gusto kong kalimutan 'yong lahat ng nabalitaan ko tungkol sa ex-fiancé ni Casper.
Sa tuwing naaalala ko kasi, nasasaktan ako ng hindi ko naman alam ang dahilan.
Wala kaming label ni Casper. Ni hindi niya nga ako naging girlfriend. Oo, fiancé ko siya sa tingin ng iba at ng mga Daddy namin. Pero para sa amin, it's fake! Hindi kami totoong mag-fiancé!
Ikakasal kami para sa paglago lang ng business ng Daddy ni Casper hindi dahil sa nagmamahalan kaming dalawa o gusto na naming bumuo ng sariling pamilya.
Walang kami. Pero, bakit sa tuwing naririnig ko yung tungkol sa ex-fiancé niya, nakakaramdam ako bigla ng selos na hindi ko naman alam yung dahilan?
In love na ba talaga ako? Yung totoo...
In love na nga kaya ako?
Ilang segundong walang imikan ang nangyari sa aming dalawa ni Gab, na binasag ko rin naman kinalaunan.
"Gab?"
Nilingon niya ako, "Bakit?"
Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "Paano mo nalaman na gusto mo pala ako?"
"Bakit? Kapag ba nanligaw ako, sasagutin mo agad ako?"
Tinarayan ko siya, "Siraulo ka talaga. Totohanin mo kasi. Seryoso akong nagtanong. Dapat seryoso rin yung sagot."
"Hahaha! Joke lang naman eh. Masyado kang nagseseryoso."
Loko talaga ito kahit kailan kagaya ko. Pero, minsan lang naman ako ganoon. Hindi naman palagi. Hahaha!
"So, paano ko nga ba kasi nalaman? Nakalimutan ko na yata. Kasi, wala naman na akong gusto sayo eh." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon mula sa kanya.
"Weh? Is that true?" Hindi ako makapaniwalang wala na talaga.
"Oo nga. Naka move-on na nga ako sayo," aniya.
Okay. Mukhang totoo naman yung sinasabi niya. Mukha lang naman.
Nagkibit-balikat ako saka nagsalita, "Fine, bahala ka. Sabi mo eh."
Inubos ko na yung nasa baso bago muling nagtanong. "Hoy! Ano na?"
"Anong ‘ano na’?"
"Anong sagot mo sa itinanong ko? I need to know how. I mean... I want to know. Yeah, that's right. I just want... but, I don't need."
Okay, Colleen. Nakakagulo ka ng utak, alam mo ba 'yon? Ang gulo mo! Sobra!
Natawa siya, "Ano ba talaga? Ang gulo mo eh." Napakamot pa siya ng ulo.
"I just want to know," paglilinaw ko.
Umayos siya ng upo, "Okay." Huminga siya ng malalim bago ulit nagpatuloy. "Nalaman kong gusto na kita noong palagi kang sumasagi sa isip ko. Yung tipong kahit na natutulog ako, ikaw ang nakikita ko. Yung tipong kapag kasama kita, buo na araw ko. Makita ko lang mukha tapos may ngiti ka sa labi, masaya na ako. Yung tipong namimiss na kita ng sobra hindi bilang kaibigan, kun'di higit pa sa pagkakaibigan," nakangiti niyang sambit habang nakatingin sa malayo.
Tumingin siya sa akin, "At doon ko nalamang gusto na kita," dugtong siya saka ako nginitian.
Napayuko ako.
Ngayon, malinaw na sa akin lahat. Na hindi lang pala simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko yung halik niya. Yung mga ka-cornyhan niya. Yung pagkanta niya at kung sino talaga siya.
"Hoy!"
Napahawak ako sa dibdib ko, "Ano ba, Gab? Huwag ka namang manggulat."
Natawa siya sa sinabi ko dahil sa gulat. "Kanina ka pa kasing tulala d'yan. Iniisip mo na naman kasi si Casper kung nambababae siya o hindi."
Ang lakas talaga ng sapak nito sa ulo. Tamang si Casper nga iniisip ko pero, hindi iyon ang dahilan. Argh! Baliw ka talaga, Gab!
"Hindi 'no!" pagsisinungaling ko.
"Weh? So, what's with your smile?"
Huh? Nakangiti ba ako?
"Huh?" naguguluhan akong napatingin rito.
"Don't deny it, Colleen. I saw your smile on your lips," natatawa aniya.
"Tse! Kung anu-anong mga napapansin mo!"
Lahat kasi napapansin niya sa akin. Wala ba siyang ibang nakikita kun'di ako lang? Kainis talaga 'to.
"Hahaha! Sorry naman. Napansin ko lang naman kanina. Oh..." Lumayo siya ng kaunti. "Baka mag-feeling ka na naman na tinititigan kita ah. Hindi ko na muli pang gagawin 'yon. Ayaw ko ng matukso sa kagandahan mo."
Ay? May pa gano'n na siya ngayon. Tsk! Epal talaga 'to.
"Oo na, sige na. Paki ko naman 'di ba?" Kung epal siya, g*go naman ako.
"Tsk! Ewan ko sayo," sabi niya saka kami sabay na napatawa.
Ilang saglit pa'y nakaramdam ako ng pagka-bored. Kaya naisipan kong magpaalam na at pumunta muna ng mall para bumili ng sweet mango cupcakes na matagal ko ng hindi nakakain.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...