24

534 26 4
                                    

° ° °

Casper's POV

---

Nagising ako dahil sa yugyog ng kama. Bakit ba yumuyugyog 'to? May lindol ba? Nahihilo na kasi ako.

Hanggang sa makarinig ako ng isang na tuluyang nagpagising sa akin.

"WHAAAAAAAAAAAAAAA!!" ano ba 'yan?! Ang ingay-ingay! Umagang-umaga ang ingay-ingay! Bwisit!

Nilingon ko itong katabi ko na hindi pakali. Parang tangang tinatakpan ang buo niyang katawa ng kumot. Anyare dito?

"Hoy! Manyak ka! Anong ginawa mo sa akin?! Ha?!" pinaghahampas niya ako ng unan.

"Ano ba--aray! Ano ba?!" sigaw ko kaya napahinto siya.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama. "Ano bang problema mo't nagkakaganyan ka?" tanong ko sa kanya.

Kinunutan niya ako ng noo. "Kinuha mo ang pinakainiingat-ingatan ko ng maraming taon! Walang hiya ka!" may ilang butil ng luha ang nalaglag mula sa mga mata niya.

Teka? Umiiyak ba siya?

Natawa na lang ako bigla ng maalala kong hinubad ko pala yung shirt ko bago ako natulog kagabi. Tapos tumabi ako sa kanya dahil hindi ako makatulog kapag nasa sofa ako.

"A-ano bang pinagsasabi mo, Alex? Ito ba?" itinuro ko yung katawan ko na walang pang itaas na damit.

Tumango siya.

"Tss. Hindi ako makatulog kagabi ang init kaya. Kaya naghubad ako ng pang itaas na damit. Tsaka hindi ako makatulog doon sa sofa kaya lumipat ako diti sa kama ko." paliwanag ko.

"Really?" naging kalmado naman na ang itsura niya. Natatawa pa rin ako sa naging reaksyon niya kanina. Naiyak pa siya. Iyan ang napapala ng mga advance masyadong mag-isip.

Kaya tandaan...

Huwag kang maging mapagbintang. Hindi ka naman manghuhula na kaya mong hulaan yung nangyari hindi ba? Magtanong ka muna kasi bago ka mamintang.

Nginitian ko siya. "Oo. Kung ginusto ko man na may gawin sayo kagabi, ginawa ko na. Sa ganda mong 'yan hindi kita papatulan? Nakalimutan mo na bang I'm the greatest and richest playboy here?" nakataas noo kong saad.

"Tsk! And yabang mo! Mas mayam namn pamilya ko kaysa sa pamilya mo." luh! Ang akala ko ba ako lang mayabang, eh pinagmamayabang niya rin naman yung yaman ng pamilya niya. Ang labo niya rin minsan.

O sadyang ako lang talaga ang ayaw magpatalo? Eh bakit ba kasi noong umulan ng kayamanan, barya lang ang napunta sa pamilya ko. Samntalang sila, napunta lahat ng papel na pera. Ang unfair talaga ng mundo.

"Fine, fine. Eh 'di kayo na ang pinakamayaman. Magpapatalo na ako."

"Good. Kaya huwag ka ng magmayabang." iba talaga siya.

Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong unahan. Kaya napatigil ako.

"Ngayon yung punta natin sa bahay 'di ba?" tumango ako bilang sagot.

"This time, sigurado na talaga ako sa desisyon ko na pakasalan ka. PERO..." napakunot ang noo ko.

"Pero?"

"Pumapayag lang ako para hindi na mahirapang paangatin ng Daddy mo ang kompanya niyo. Tutulungan siya ng Daddy at Mommy ko na ibalik sa dati ang takbo ng kompanya niyo." saad nito kaya napayuko na lamang ako.

Ang akala ko pa naman papakakasalan niya ako dahil gusto niya rin ako. Pero nagkamali para ako. Still, hindi niya pa rin ako gusto hanggang ngayon.

Pero yung halik! Tama!

Bakit siya gumanti sa mga halik ko kung hindi niya rin ako gusto?

Siguro, talagang naga-assume lang talaga ako na may gusto rin siya sa akin kahit na alam ko naman na never mangyayari 'yon. Una pa lang naman na talaga, alam ko na.

///

Colleen's POV

---

Nagpahatid muna ako kay Ken patungo sa bahay ning tatlo nila Crystal at Honey. Nadatnan ko sila sa kusina na nagtatawanan.

Pero natahimik sila ng nakita ko. Hindi ko nlang sila pinansin. Gulong-gulo pa ang isip ko kaya dumiretso ako kaagad sa kwarto ko.

Maayos pa rin pala ang kama. Pati bawat sulok ng bahay, okay pa.

Humiga ako sa kama ko. Namiss ko itong kama ko ah. Ang sobrang lambot kong kama. Eh galing Vietnam itong kama ko.

Bumalik na naman ang pag-iisip ko sa problema ko.

Ang nararamdaman ko para kay Ken.

Nagbago nga si Ken. Na hindi na siya playboy. Pero napag-isip-isip ko lang.

Kaya ba talaga niyang baguhin ang sarili niya? O napipilitan lang siya na huwag gawin ang gawain niya kung saan siya lubos na sumasaya?

Mahirap man tanggapin na nagkagusto ako letseng tulad niyang playboy, mas iisipin ko pa rin ang magiging kapakanan ng puso ko.

Kung tototohanin ko ang kasal? Sigurado akong masasaktan lang ako.

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang pinto ng kwarto ko na unti-unting bumubukas. Kaya napatingin ako rito.

Si Crystal.

Ibinalik ko ang pagkakahiga sa kama at tumitig sa kisame.

"Ano na naman ba ang problema mo? Bakit nang i-snob ka? May dapat ba ulit kaming malaman?" sunod-sunod nitong tanong.

Kararating ko lang. Pambihira naman oh! Bubungad sa akin, mga tanong.

"Nothing." walang emosyon kong sagot sakipinikit ang aking mga mata.

Umupo siya sa gilid ng kama ko. "Anong wala? Huwag mo nga akong pinaglololoko, Colleen. Kilala kita. Alam kong may tinatago kang hindi mo pa nasasabi sa amin." nakakunot ang noo niyang nakatitig lang sa akin.

So, I don't have any choice. "Fine, sasabihin ko na." inirapan ko siya. Alam kong hindi ito titigil hangga't hindi ko sinasabi yung mga problema ko sa buhay. Kaya kung may sikreto man ako na bawal sana sabihin, kaagad na mabubunyag.

Umupo ako ng maayos at hinarap siya. "Pumayag na ako na magpakasal kay Ken--este.. Casper. Then my problem is.." huminto ako saglit at napayuko na lamang.

"I'm slowly fall in love with him." mahina kong dugtong.

Inobserbahan ko ang kanyang magiging reaksyon. Namilog ang kanyang mga mata at napatayo.

"Ano?! Nababaliw ka na ba, ha?! He's a playboy, Colleen! Sasaktan ka lang niya kapag itinuloy mo pa iyan! I know that you know what kind of a person he is." sigaw nito na parang Nanay ko na.

"Alam ko naman 'yon. Pero.. kasalanan ko ba kung iyon ang sinasabi ni puso't isip ko?" pati ako napatayo na rin.

She sighed. Nilapitan niya ako. Ipinatong niya ang kamay niya sa kanang balikat ko. "Nasa iyo na kung anong gusto mo. Basta kung ano man ang maging resulta, nandito kami ni Honey. Susuportahan ka namin. Dadamayan ka namin sa magiging resulta no'n." aniya saka hinaplos ang likod ko at nginitian ako. Alam kong pilit ang ngiti niya dahil ayaw niya akong makitang masasaktan dahilan ng desisyon ko na hayaan ang sarili kong mahulog sa taong hindi naman karapatdapat.

Sa totoo lang, alam kong hindi siya pabor sa naging sinabi ko na nagkagusto ako sa taong magiging rason ng pag-iyak ko. Hindi man ngayon pero paano kaya sa susunod na araw. Hindi natin alam dahil hindi ko naman hawak ang pag-iisip niya.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon