21

597 29 4
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

"Ano? Sure ka na ba sa desisyon mo na pakasalan ako?" tanong nitong kaharap ko.

Buti nga nasundan ako ng ungas na 'to dito sa pinuntahan kong coffee shop. At heto siya, nakikipag-usap sa akin. Pinag-uusapan namin yung magiging desisyon namin sa magaganap na kasal.

Hindi natuloy noong nakaraang Saturday dahil nga wala kami. So, na re-scheduled daw sabi nung butler nitong si Ken.

"Oo. Wala naman na tayong magagawa kaya, papayag na lang ako." nakayuko kong sagot habang nilalaro ang cup ng pinag-inuman ko ng kape.

"So, kailan ka nga pala uuwi sa inyo?" tanong nito na siyang kumuha ng atensyon ko.

I sighed. "Bukas siguro. Para next Saturday, matuloy na tsaka para wala na rin akong inaalala pa. Eh halos mabaliw kaya ako sa kakaisip ng desisyon. Buti nga nand'yan ka para damayan ako. Salamat ah."

"Walang anuman. Okay lang naman sa akin 'yon." nakangiti niyang sagot.

Sabay na kaming lumabas ng coffee shop pabalik sa condo niya nang bigla niya akong hilain papunta sa hindi ko alam na lugar.

Nang huminto siya, napahinto na rin ako. Nagtataka lang ako kung bakit niya ako dito sa parking lot. Ano namang gagawin namin dito? Maya-maya may makakita sa amin na tauhan ng Daddy ko lalo na't kalat sa buong Tarlac na hinahanap ako.

"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya. Ngunit hindi niya ako sinagot.

She grabbed my wrist again papasok sa kotse niya. "Saan mo ba talaga ako dadalhin?" tanong ko ulit pero hindi na naman niya ako sinagot.

Dire-diretso siyang pumasok sa kotse niya at umupo sa driver's seat. Sabay sabing...

"Hindi ba't gusto mo ng mapayapang lugar? So, isasama kita sa paborito kong pinupuntahan kapag gusto kong mapag-isa." sagot nito saka pinandar na ang kotse niya at pinaharurot na ito.

* * *

Nang huminto na ang sasakyan, bumaba siya at pati na rin ako. Ang ganda ng view! Ang luwang!

Well, nasa open area lang naman kami sa ibaw ng burol na madamo na may dalawang puno sa gitna kung saan kitang-kita ang buong lungsod.

Ang sarap langhapin yung fresh na simoy ng hangin dito sa burol. Sana palagi akong dalhin dito ni Ken.

Inaya niya akong umupo sa ilalim ng isang puno, samantalang siya ay sa isa naman uupo habang nakaharap sa napakaluwang na lungsod ng Tarlac.

Tila walang may balak na magsalita sa aming dalawa kaya ang tanging mga naririnig lang ay ang mga huni ang mga ibon.

Pero hindi rin ako nakatiis. Nakakabingi na kasi ang katahimikang bumabalot sa amin at kailangan ng basagin bago pa ako mabingi.

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko dahilan para mapatingin siya sakin.

"Ahmm... Mahabang kwento eh. Sige, paiikliin ko na lang. Nalaman ko ang lugar na 'to noong namatay ang Mom ko dahil sa cancer sa breast. Hindi ko kasi alam kung saan ko isisigaw yung sakit at galit na nararamdaman ko."

"Lalo na ng malaman ko na may bago ng kinakasama ang Daddy ko. Sobra-sobrang galit ang naramdaman ko. Dito ko lang siya isinigaw. Nabawasan naman ng kaunting galit yung naramdaman ko kahit pa paano." dugtong niya. Halatang gusto na niyang umiyak, pinipigilan lang niya par hindi ko makita ang another side ng pagkatao niya.

Now, it's my turn to ask something I wanna know more about him. "Hindi mo ba naisip na makipag-ayos sa Daddy mo?" umiwas siya ng tingin sa akin nang dahil sa tanong ko.

"No. Never sumagi sa isip ko na makipag-ayos sa taong naghanap kaagad ng ibang ipinalit sa Mommy ko. Ang dali lang kasi para sa kanya na kalimutan ang Mommy ko ng gano'n, gano'n lang." sagot niya.

"I tried to talked to him. Pero sa tuwing kinakausap ko siya, bumabalik lang lahat ng sakit." aniya.

Naging tahimik ang paligid. Nakaramdam ako ng antok kaya inihilig ko muna ang aking ulo sa puno. Hindi rin naman nagtagal at nakatulog na ako.

///

Casper's POV

---

Napalingon ako rito sa kasama ko kasi may ikinukwento ako sa kanya. Eh hindi sumasagot. Kaya sinilip ko. Tulog na pala siya.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang ganda niya habang natutulog. Ang akala ko cute lang siya dahil sa singkit ang lanyang mga mata, matangos na ilong, nakaayos niyang kilay at bilugan niyang mukha na sobrang kinis. She has a kissable lips, too.

Pero may itinatago rin pala siyang ganda na ngayon ko lang napansin.

Ang sarap titigan yung mukha niya. Hindi nakakasawang pagmasdan ng paulit-ulit. Kahit na ilang beses pa, hindi ako magsasawa.

Nagulant na lang ako nang bigla siyang magsalita. Nakalapit na pala yung mukha ko sa mukha niya ng hindi ko namamalayan!

"Anong ginagawa mo?" tanong niya. Napakurap-kurap ako saka inayos ang upo. Nakakahiya!

"Ahmm.." napakamot na lamang ako sa aking ulo. "Hehe! May dumi kasi mukha mo kanina kaya tinanggal ko lang." sige! Palusot ka pa! Sana hindi ka mahuli.

"Oh sige, palusot ka pa. Mukhang hindi naman talaga 'yon yung dahilan mo. Ang sabihin mo, tsumatsansing ka." hala! Ang feeling naman nito.

"Anong tsumatsansing? Hindi ah!" sige, itanggi mo pa, Casper. Totoo naman kasi na gusto mo siyang mahalikan, ayaw mo lang umamin.

"Weh? Eh bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso? Kung saan-saan ka nakatingin eh kaya napaghahalataan ka kaagad." hayysst! Pati iyon ba naman napansin niya!

Oo na. Fine! Hindi ako makatingin ng diretso dahil..dahil nahihiya nga ako sa nagawa ko. Sa kanya lang naman ako ganito eh.

"W-wala, okay? Kaya huwag ka ng maghanap pa ng dahilan." nakakainis! Ang galaw ng paningin niya! Kung ano-ano tuloy napapansin niya.

"Okay, maniniwala na nga lang ako sa kasinungalingan mo. Mamaya, baka magalit ka pa." aniya saka mahinang natawa na siyang ikinatawa ko na rin.

Nitong mga araw, mas lalo ko pa siyang nakikilala. Sa saglitang pagsasama namin, alam ko na lahat ng mga paborito niya at hindi.

Actually, mahirap talaga siyang basahin kung sino takaga siya. Pero kung pagtatiyagaan mong alamin at interesado ka talaga, malalaman mo rin kung sino nga ba talaga siya.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon