43

457 24 0
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Pagkatapos ng kasal asahan niyong diretso ang lahat sa libreng pa-kain namin --este sa wedding reception pala.

Ngayon nandito na nga kami sa lugar kung saan manananghalian ang lahat ng dumalo. Libre naman lahat ng pagkain basta invited lang ang pupunta. INVITED lang.

"So, anong call sign niyo? Hubby? Wifey? Honey? Hon? Maybe, babe? Or baby?" tanong nitong si Honey habang may hawak na one glass of orange juice.

Tumingin ako sa may bandang likuran ko. Nakayakap kasi mula sa likod ko si Casper na husband ko na ngayon.

Masyado siyang pahalatang sweet na sweet siya. Well, totoo namang sweet siya. Wala na nga akong mahihiling pang iba kundi ang makasama siya habangbuhay.

Ibinalik ko ang tingin sa mga kaibigan naming dalawa at sumagot. "Ahmm... Chuma and Chupa?" bumaling naman ako dito sa nasa likuran ko. "What do you think?"

Kumunot ang noo niya. "Parang ang laswa naman ng akin. What about.. Mama and Dada? That call sign is better than Chupa and Chuma, right?"

Tumango naman ako. "Yeah, I like it. Mas maganda nga namang pakinggan. Dada is sounds better than Chupa." nakangiting saad ko.

Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ko. Clown na ba ako ngayon at nagagawa ko silang patawanin dahil lang sa mga sinasabi ko o kaya naman sa mga suggest ko? Bakit ba sila natatawa? Hay..

Pinakalma muna nila ang kanilang sarili bago muling nagsalita si Oliver kaya naipunta ang lahat ng aming atensyon sa kanya.

"Guys, let's congratulate them for their succesful wedding. Cheers!"

"Cheers!" sang-ayon namin saka itinaas ang mga basong may lamang juice sabay inom ng mga laman niyon.

Nang matapos ang pagpapasalamat sa mga taong pumunta para dumalo sa kasal namin, pumunta na kami sa kanya-kanyang dressing room dito.

Oo nga pala, hindi niyo pa pala alam ang venue ng wedding reception namin.

Sa bagong mansyon lang naman kasi ang reception. Bago ang kasal, natapos itong bahay na ipinagawa ng Daddy ni Casper at ng Daddy ko sa mga trabahador ng isa nilang kaibigang engineer. Talagang maganda ang pagkakagawa.

Third floor ang mansyon at maraming secret rooms kung saan nasa akin ang lahat ng susi ng bawat kwarto.

Ayaw nilang ibigay kay Casper kasi baka daw magdala siya ng ibang babae sa ibang secret rooms at doon sila gumawa ng kataksilan.

Kapag may nangyaring gano'n, puputulin ko talaga ang ----- niya. Kaya huwag niya akong masubukang galitin.

Nagpalit ako ng damit ko. Nagsuot ako ng color white with red roses design cocktail dress na tinernohan ko ng white hills.

Nag retouched ako ng make-up ko. Ginawa kong simple lang. Ayaw ko ng masyadong makolorete ang mukha eh.

May salamin kasi malapit sa may kama kong kulay pink dito tapos nagpabili si Mommy ng make-up kits ko na puro mga bago. Kaya nakapag retouched ako kanina.

Lumabas na ako ng dressing room ko at dumiretso muna sa tapat ng dressing room ni Casper. Kakatok sana ako nang biglang lumabas si Casper kaya napaigtad ako at napatingin sa napakagwapong mukha ng asawa ko.

Gwapo nga ba? O talagang sadyang napahangin lang niya masyado kaya napagkakamal ko siyang gwapo. Hindi, joke lang. Gwapo talaga siya lalo na sa malapitan. Napapangiti ako sa tuwing ngumingiti siya.

Nakasuot lang siya ng boxer short. Topless kaya nakikita ko ngayon ang six pack abs niya. Ang hot niyang tingnan. Kaya sigurado rin akong namumula na naman ang mukha ko niyan.

Ngumiti siya ng nakaloko. "Anong ginagawa mo? Gusto mo akong silipan 'noh? Ikaw ah. Mamaya pa yung honeymoon na'tin masyado kang excited." ang hangin naman nito. Nagfi-feeling na naman. Eh kung sikuhin ko kaya siya.

Dinuro ko siya "Ang feelingero mo naman. Ano ako sa akala mo? Mamboboso? Yuck! Mahiya ka naman uyy! Kung ikaw lang din naman ang masisilipan ko, huwag na lang. Ayaw ko sa katulad mo. Please lang, huwag mo akong bad trip-in." nilampasan ko siya. Nang bigla siyang magsalita kaya napatigil ako.

"Eh bakit mo ako pinakasalan at bakit mo ako minahal kung ayaw mo naman pala sa akin?" sabi niya.

Nilingon ko siya na lumabas ng kwarto. Kasabay niyon ang ilang kalampag ng paa na naririnig ko. Ramdam kong may papunta rito.

"Casper? Where are you?" tawag niya dito kay Caper. Napalingon ako sa pinagmulan ng boses saka ulit lumingon sa kaharap ko ngayon.

Bigla akong nataranta sa hindi ko malamang dahilan, kaagad akong pumasok sa dressing room ni Casper at hinila siya sa loob.

"Anong ginagawa mo? May balak ka talaga eh. Nahihiya ka pang umamin. Asawa mo naman na ako." bwisit talaga ang isang 'to eh 'noh. Feelingero ang hinayupak.

Sa bagay, may point naman siya. Hindi naman na masamang pagsamantalahan itong ASAWA ko kahit na kailan ko gusto. Hindi naman na masama. Iyon nga lang, masyado pa kaming bata para magkaroon ng sariling pamilya. Kaya bawal pa talaga.

Tinitigan ko siya sa mga mata. "Bata pa tayo. Kahit na ba mag-asawa na tayo kung wala pa talaga tayo sa tamang oras at panahaon para magkaroon ng sariling pamilya. Tsaka, ayaw ko pang magkaroon ng baby na buhat-buhat 'noh." mataray kong saad saka pabagsak na umupo sa kulay asul na kama.

"Weh?" nakangising tugon niya.

SAKA BA NAMAN AKO DAGANAN?!

Nanlaki ang mga mata ko habang siya, nakangisi pa din sa akin habang titig na titig sa mga mata ko. "Kung gusto mo.. ngayon na na'tin simulan." mas lalo pang nanlaki ang mga mata nang dahil sa sinabi niya.

Itinulak ko siya palayo sa akin saka ako umayos ng upo. "Tumahimik ka nga d'yan! Sabi ng bata pa tayo eh! Mag-isip ka nga! Ang hirap mong umintindi." inis kong reklamo saka tumayo sa kama ay inayos ang damit ko.

"What's wrong with that? You're my wife, Colleen. You are only mine."

"I know, I know. Hindi ba't ikaw na nga ang nagsabi na mamaya pa ang honeymoon? Pero, anong ginagawa mo ngayon? At saka ang dali mong makalimot."

"Fine! Wala ng honeymoon!" sigaw niya saka lumapit sa akin. "But, promise me first. Na hindi ka lilingon sa iba at ako lang ang mamahalin mo habangbuhay. Maliwanag?"

Napangiti ako. "Yes, Dada. I will love you until my last breath, forever." niyakap ko siya. He hugged me back, tightly.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon