35

484 26 0
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Maaga pa naman noong makarating ako dito sa bahay naming tatlo. Eight o'clock pa lang naman ng gabi.

Dito muna ako sabi ko kila Mommy. Namimiss ko ng matulog dito eh. Tsaka namimiss ko na yung dalawang makukulit kong mga bestfriends.

Holiday bukas. So, I'm free to visit every place that I've visit before. Syempre, kasama yung dalawa. Wala namang problema kung isasama ko sila doon sa kung saan man na mapagplanuhan kong pumunta.

Kumuha ako ng platito sa baba sa may kusina tsaka malinis na baso para sa juice na tinimpla ko kanina. Nasa kwarto na iyon. May fridge naman ako doon eh. Kaya hindi masisira yung juice kung hindi ko man maubos ngayon.

Kinakain ko yung binili ko kanina na kailangan ko pang itakbo dito sa kwarto patago para hindi makita nila Crystal na mahilig sa salitang 'pahingi ka naman ng blessing'.

Kumuha ako ng platito sa baba sa may kusina tsaka malinis na baso para sa juice na tinimpla ko kanina. Nasa kwarto na iyon. May fridge naman ako doon eh. Kaya hindi masisira yung juice kung hindi ko man maubos ngayon.

Kinakain ko yung binili ko kanina na kailangan ko pang itakbo dito sa kwarto patago para hindi makita nila Crystal na mahilig sa salitang 'pahingi ka naman ng blessing'.

Nang maubos ko na iyon, kumuha na ako ng pagbihisan ko. Saka pumunta sa banyo at nag-shower na ako.

Natulog na ako nang matapos na akong mag-shower at naka bihis na ng pantulog.

* * *

Casper's POV

---

Ilang araw ng hindi ako pinapansin ni Ethel. Last na lang yung nagkausap kami sa likod ng school. Tapos, wala ng sumunod doon na pag-uusap namin.

Sa pagkakaalam ko, walang kami. Hindi naging kami. Never pa.

Pero, kung umasta siya nitong mga nakaraang araw parang sobrang affected siya kapag naririnig niya yung mga usap-usapan tungkol sa amin ni Audrey.

Napapansin ko kasi sa tuwing may pasok kami. Palagi siyang lutang. Kapag nakikita niyang nakatitig ako sa kanya, agad niyang iniiwas yung tingin niya.

Napapaisip tuloy ako. Hindi kaya...

Hindi kaya nagseselos nga siya?

Hay... Subukan ko ngang tawagan siya bukas. O kaya pupunta na lang ako sa bahay nila para makapag-usap kami ng personal.

* * *

Colleen's POV

---

Kinabukasan...

* * *

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko sa tabi ng kama ko. Dahil nga pala holiday ngayon, punta muna ako ng food park para doon na lang ako kakain ng umagahan. Malapit lang naman 'yon sa bahay naming tatlo nila Honey. Kahit lakarin ko na lang.

Nang makarating na ako doon, luminga-linga ako. Napsin kong karamihan ng mga kumakain dito ay may kasama. Kabarkada, bestfriend o magkasintahan.

Pero, ayos lang naman ako kahit ako na lang muna ngayon without my bestfriends. Gusto kong mapag-isang kumain ng umagahan eh.

Nang makapili na ako ng pagkakainan ko, umupo na ako sa tapat niyon.

"Waiter!" tawag ko sa naka unipormeng lalake na kakulay ng food truck na nandoon ang uniporme niya.

Lumapit siya sabay sabing.. "Ma'am! Thank you for choosing us. What is your order po?"

Hinarap ko siya. "Ahmm... What if I'll choose all foods that you have in your breakfast menu list? Kahit na ilan lang muna ang i-served. Huwag sabay-sabay baka ipapatake-out ko na lang yung mga hindi pa nai-serve then saka ko bayaran. Maliwanag ba?" napatulala siya ngunit bumalik rin sa dati ang ngiti niya.

"O-okay po, ma'am. Noted po!" masigla niyang sabi sabay alis.

Ilang minuto lang ang nakalilipas, may dumating ng mga pagkain at isa-isa iyong inilapag ng waiter na pinag order-an ko kanina.

Binayaran ko na yung mga unang inilapag na mga pagkain sa table ko. Masarap talaga kumain kapag mag-isa ko lang. Hindi ako parang patay-gutom na nakikipag-unahan.

Malumanay lang ang galaw kong kumakain ngayon. Wala kasi yung dalawang matakaw. Iniwan ko.

* * *

Honey's POV

---

Nagising ako na walang ingay ang buong paligid. Kinatok ko yung pinto ng kwarto ni Crystal. Baka hindi pa siya gising. Hindi ko pa kasi siya nakikita pagbaba ko kanina noong nagtimpla ako ng gatas ko.

Nahihikab-hikab pa ako ngayon. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi. Nag movie marathon kasi ako. Yes, ako lang mag-isa. May narinig pa nga akong kumakalampag sa kusina.

Maaga akong pumasok sa kwarto ko pero, gabi na ako natulog. Bakit hindi ako nakatulog? Kasi, napagtrip-an ko yung mga CD na horror yung palabas. So, I watched it.

Natatakot na nga akong umihi sa banyo that time. Nasa kalagitnaan pa kasi ng kwento. Yung inaabangan ko pang part sa movie yung ipinapalabas. Yung tipong nakakagulat at nakakatakot? Gano'n.

"Crystal? Are you still there?" walang sumasagot pero bumukas bigla yung pinto at bumungad si Crystal sa harapan ko.

"What?" pakusot-kusot pa siya ng kanyang mga mata nang bumungad siya sa akin. Mukhang kagigising lang.

"Wala si Colleen dito sa bahay. Baka wala rin siyang nilutong pagkain para sa atin." nagugutom na kasi ako.

Nakakunot ang noo niyang napatitig sa akin. "Ano?!?"

"Hindi mo narinig? Bingi ka, bingi ka?"

"Hala siya. Para kang t*nga."

Luh! Ako pa ginawang t*nga ng babaeng 'to. Eh kung tsinelasin ko kaya pagmumukha nito. Kakainis! Narinig na nga lang niya, ipapaulit pa sa'kin.

"So, nasaan siya? Alangan namang namang alam ko hindi ba? Alam mong kakagising ko lang ngayon." saad nito saka nagpamulsa sa harapan ko. Nakasuot kasi siya ng pantulog na may tig-isang bulsa sa magkabilang side.

"Yun na nga ang problema ko. Hindi ko siya mahanap. So, it means iniwan na naman niya tayong walang pagkain. Ma-utak talaga siya. Letse! Anong kakainin na'tin?"

"Lupa, sa may garden. Letse naman oh! Gamitin mo nga utak mo! Wala ka bang common sense? Tsk! Eh 'di no choice, magluluto tayo. Kasalanan mo kapag hindi masarap kasi ikaw magtitimpla. Para may maitulong ka naman kahit pa paano."

"Wow ha? Ikaw nga ang mas magaling magluto sa ating dalawa. Tapos akong walang kaalam-alam sa pagluluto ang paglulutuin mo ng ulam? Eh pagbe-bake lang ng cupcakes at cakes ang alam ko." sumbat ko sa kanya.

"Ah~ ..gano'n? So, anong gagawin mo? Kakain na lang basta-basta. Ang galing mo naman 'noh. Oh siya, ako na po ang magluluto tapos ikaw na lang maghugas ng mga gagamitin ko. Maliwanag po ba?"

"Okay, mas mabuti pa." pagsang-ayon ko.

Nagpunta na kaming kusina para makapagsimula na. Tinulungan ko naman siya. Kaya ilang sandali pa'y natapos na kami kaagad.

Chicken curry lang naman yung niluto namin kaya super dali lang naming natapos.

Sabay kaming kumain. Tapos sinunod ko yung sinabi niya na ako ang maghuhugas ng mga pinaggamitan at yung mga pinagkainan namin. Kaya ngayon, wala ng kalat sa lababo. Malinis na.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon