2

1.8K 67 6
                                    

° ° °

Siya nga pala! New story ko 'to! Sana magustuhan ninyo.

Sa mga magvo-votes, thank you so much. Sa mga magcocomment rin, thank you. 사랑해요! [Saranghaeyo!] (I love you!)

---

Makalipas ang dalawang araw...

---

Colleen's POV

---

Maaga kaming nakauwi dito sa Tarlac kung saan kami nakatirang tatlo.

Two o'clock pa lang kasi, bumabiyahe na kami. May pasok pa kasi kami ngayon at bawal na bawal ang ma-late. Ayaw na ayaw kasi naming nale-late.

Nagpahinga lang ako sandali saka pumunta muna ng counter para magtimpla ng kape ko.

Nang makapagtimpla na ako, nagluto na ako ng umagahan namin. Kaya ang nangyari, sumisipsip ako ng kape habang hinihintay na maluto ang niluluto kong kanin at ulam. Ako kasi ang taga luto rito sa bahay. Yung dalawa, taga hugas lang ng pinggan at taga ayos ng pagkakainan.

Nang makaluto na ako, ginising ko na yung dalawang nakatulog sa sofa sa living room ng dahil siguro sa puyat.

"Crystal! Honey! Gising na! Tanghali na oh!" panggigising ko sa kanilang dalawa.

"Ano?! Inaantok pa ang tao eh! Nangigising ka na agad! Hmp!" aba! Nagrereklamo pa itong Crystal na 'to.

"Hmm! Ano ba?! Ang aga-aga pa eh! Tulog muna ako~..." hay nako, ito naman si Honey ang hirap rin gisingin. Parehas silang tulog-mantika.

Ginising ko sila ng ginising hanggang sa magising na nga sila ng tuluyan. Alam mo yun? Yung ikaw na nga yung concern sa kanila kapag na-late sila, baka bumaba yung grades nila, tapos sila pa ang galit. Mga kaibigan ko nga naman.

* * *

Nang makakain na kami at makapagbihis na, pumunta na kami sa school. Hindi ko binilisan yung pagpapatakbo ko ng kotse ko. May naaalala kasi ako kapag nagda-drive ako.

Yung Lolo ko na siyang nagturo sa akin kung paano magmaneho ng sasakyan. Minsan nga hindi ko namamalayan lumuha na pala ako kasi sobrang miss na miss ko na siya. Sayang nga at hindi ko na siya makakapiling pa.

Seven years na kasing patay yung Lolo ko. Ilang taon ko ring pinilit magmove on. Nagawa ko naman. Pero yung kalimutan ang Lolo ko ang napakahirap. Eh sino ba naman ang taong gustong kalimutan ang taong napakaimportante sa kanila 'di ba?

Nagulantang ako nang bigla kong maalalang may pasok pala ngayon kaya dali-dali kong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse ko. Baka ma-late pa ako sa mag-eemote ko rito eh.

Nang makarating na ako sa school, hinanap ko sina Crystal. Inilibot ko ang mga mata ko nang makababa ako sa kotse ko at nang maipark ko na ito sa parking lot. Nakita ko doon ang sasakyan ng dalawa.

Oo, may sasakyan nga sila. Tig-isa silang motor. Yung kay Crystal, color blue at yung kay Honey naman ay color lila. At ang kulay naman ng kotseng palagi kong dala ay kulay red. Favorite color ko. Hehe!

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng campus. Nang biglang naligaw ang paningin ko sa mga taong nagkukumpulan at nagtitilian.

Anong meron? Bakit hindi ako nainform? May artista ba ritong dumalaw? O kaya naman ay K-pop star? Bakit sila nagkakagulo? Ano ba talagang meron?

Ikinalat ko ang aking paningin at may dalawang babaeng lumapit sa akin. Ito nga sila Crystal at Honey na kanina ko pa hinahanap.

"Nand'yan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinihintay." bungad sa akin ni Crystal saka ako inakbayan.

Kaya kinuha ko na yung time na yun para magtanong tungkol sa mga nangyayari sa mga nagkukumpulang estudyante rito na parang mga sabik na sabik makakita ng.. Ewan! Tili kasi ng tili eh.

"Anong meron dito? Bakit sila nagkakagulo?" tanong ko sa kanila.

Napansin kong nagtinginan sila  bago ibinalik sa akin ang pansin nila. "May bago kasing estudyante rito sa Genesis High. Gwapo at may dating. Pero hindi ko siya kilala. Ewan ko lang dito sa katabi ko." paliwanag ni Crystal. Nang dahil sa panghuli niyang binanggit, napalingon kaming dalawa kay Honey.

Nagkibit-balikat ito. "Oo, kilala ko siya. Kapitbahay kaya namin dati 'yan. Balita ko nga ang daming pinaiyak na mga babae 'yan eh. Playboy raw kasi siya sabi ng iba naming kapitbahay." paliwanag naman nitong si Honey.

"Pero hindi ko rin alam kung bakit nandito 'yan." dugtong pa nito.

"Ayon sa mga naririnig ko, bagong estudyante lang siya dito. Anak siya ng may-ari ng school. Yung Mommy niya daw ang may-ari. Galing sila sa Hongkong. Dating doon rin daw nakatira at nag-aaral ang lalakeng 'yan." singit naman ni Crystal kaya napatingin kami sa kanya.

"Ang dami mong alam ah. Ang akala ko ba, hindi mo siya kilala? Oh eh bakit ang dami mo yatang alam maliban sa amin o kay Honey na mas kilala ang lalakeng tinutukoy ninyo." sumbat ko.

"Sorry naman. Naririnig ko lang." hayy.. At kailan pa naging tsismosang bakla ang kaibigan kong iyon? Habang tumatagal, nagiging tsismosa na siya.

"So, anong plano? Mukhang pagkakaguluhan siya ng mga babae dito tsaka.. yung ibang mga bakla na nagkakandarapa sa nga gwapo na gaya niya." pang-iiba ng usapan ni Honey.

"Madali lang naman yun eh. Eh 'di dedmahin mo siya. Tarayan mo kung maaari." suggest ko na kinontra naman nitong katabi ko na si Crystal.

"Eh paano kapag naging palpak ang plano at hindi gumana?" napatingin kaming dalawa ni Honey kay Crystal sabay nilakihan ng mata kaya bigla siyang tumahimik na lang.

"Kung hindi pa uubra ang planong pagpapahiya sa kanya kapag plinano niyang kalabanin tayo, yung mga naisip niyo ng plano." sagot ko.

Sumang-ayon naman ang dalawa. Kaya tuloy ang laban. Kapag naging mabuti naman siya sa amin, it's okay lang naman eh.

Nang makalayo na kami, napansin kong karamihan ng mga teachers ay pumupunta sa harapan ng Principal's Office na kinatatayuan ng lalakeng tinutukoy nung dalawa.

Talaga bang sikat na sikat siya? Tsk! Bahala na nga lang siya doon! Masyado siyang mayabang dahil sa sikat nga siya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagpasok papuntang classroom namin. Tutal magkakalase naman kami, sumabay na rin sa akin yung dalawa.

Nang nasa classroom na kami, kaagad kaming umupo sa mga upuan namin sa likuran. Nang may bigla kaming narinig na tili at sigaw sa classroom. Napakaingay talaga! Teka? Ano na naman bang meron?

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon