7

804 39 0
                                    

° ° °

Crystal's POV

---

"Sino ba ang gumawa no'n kay Casper?" tanong nitong katabi ko na si Honey.

"Aba, malay ko ba. Hindi ko naman nakita. Tsaka pakialam ko naman doon 'noh." sumbat ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Nag-uusap-usap tungkol sa mga nangyayari dito sa school. Usap-usapan pa rin kasi dito yung tungkol sa nangyari kay Casper. Yung mga hinala talaga hindi mawala-wala.

"Hay nako, kung nakita ko lang talaga yung nangyari baka napatay ko ng wala sa oras yung taong yun. Kawawa yun sa akin! Bwisit!" rinig kong sigaw ng isa sa mga fangirl ni Casper. Mukhang lagot nga yung gumawa kasi ang dami niyang kalaban. Halos lahat ng girls sa campus kalaban niya. Maliban lang sa amin nila Honey. Eh hindi naman kami kasali sa fans group ng mokong na yun.

"Oo nga! Ipagtatanggol ko talaga ang pinakamamahal kong si Casper Daniel Balthasar! Walang hiya talaga ang gumawa sa kanya no'n!" tugon naman nung isa.

"Guys!" napaigtad kami nang makarinig kami ng nagsalita mula sa likuran dahilan para mapalingon kami.

Pinapanood namin yung mga fangirls na gumagawa ng hakbang para sa gagawin nilang pagbibigay ng hustisiya sa pinakamamahal raw nilang si Casper (mukhang drug pusher) kaya kami nakalingon sa likuran.

"Hello!" masiglang bati ni Colleen sabay ngiti ng napakalapad.

"Anong meron at nakangiti ka ng ganyan kalapad?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. I'm glad that finally.. I'm here. Why? What's your problem about this wide smile? Hmm?" anito saka nilapadan pa ang ngiti na siyang ikinangiwi ko.

"Tss! Ano ba kayo? Siyempre masaya ako sa nangyayari sa mokong na walang galang na hanggang ngayon nasa ospital pa rin. Kakalipat lang kahapon mula sa clinic." mahina nitong dugtong saka umupo sa harap namin.

Oh my gosh. Oh my gosh! Hindi kaya..

"Ikaw ba ang may gawa sa nangyari kay Casper?" nanlalaki ang mga mata kong tumitig kay Colleen.

Dahan-dahan itong tumango at pilit na ngumiti. "Oo, ako nga. Anong masama sa ginawa ko? Bumawi lang naman ako ah." sagot niya saka inilabas ng paborito niyang libro at nagbasa with earphone na rin.

Nagkatinginan kami ni Honey. "What?!" sabay naming sigaw kaya pinagtinginan kami ng mga estudyanteng naroon. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago dugtungan ang ibinigkas kong salita.

I sighed. "Colleen, alam mo bang mapapatalsik ka nang dahil sa ginawa mo?" mahina kong tanong sa kanya. Kumunot ang noo niya.

Lumingon siya sa akin ng panandalian. "Pakealam ko naman 'noh. Mas mayaman kami kaysa sa kanila kaya wala akong pake kung mapatalsik man ako dito bilang parusa sa ginawa ko." anito saka itinuloy ang pagbabasa. Hay.. Hindi mo talaga matatalo sa pagpapayaman ang bestfriend ko. Sobrang yaman nila.

One thousand gold bars ang katumbas ng pera ng Daddy niya araw-araw sa tuwing kumikita ang mga negosyo nila worldwide. Kaya sila ang pinakamayaman. Sobrang yaman. As in mayaman talaga. Mabibili niya lahat ng mga alahas na sa totoong ginto gawa.

"Okay, bahala ka. Sabi mo 'yan." hay.. Ang hirap niyang kontrahin. Kaya kapag may mga sinabi siya, hindi na lang namin kinokontra dahil hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya naipapanalo ang gusto niya. Ganyan siya ka-kulit. Mas makulit kaysa batang paslit.

Colleen's POV

---

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang mag-ring ang phone ko kaya sinagot ko ito kaagad.

Nang makita ko sa screen ng phone ko kung sino, ang tumatawag, lumabas ako kaagad ng cafeteria para magkaroon kami ng kausap ko ng privacy.

"Hello, Mom?" sagot ko sa kabilang linya.

Yes, si Mommy ang tumawag.

"Bakit po?" dugtong ko.

["Mapapaaga ang uwi namin ng Daddy mo. May problema kasi yung ka-sosyo namin sa trabaho kaya kailangan naming umuwi kaagad."] sagot nito mula sa kabilang linya.

"Bakit po? Ano po bang nangyari?" tanong ko.

["Bumabagsak na kasi ang negosyo ng pamilya ng Tito Julius mo. Kailangan natin silang tulungan bago pa ito tuluyang bumagsak. May napagkasunduan na rin kami na gagawin para matulungan namin sila."]

"Ano po 'yon?" tanong ko.

["Saka ko na lang sasabihin at ipapaliwanag, anak. Kailangan pa kasi naming maghanda ng Daddy mo para sa pag-uwi namin d'yan. Okay?"]

"Okay, Mom. Bye." walang emosyon kong sagot mula sa kabilang linya saka pinatay ito.

Mapapaaga ang uwi nila dahil sa bumabagsak na negosyo ng isa sa mga kumpare ng Dad ko. Matulungin nga sila pero, hindi ba nila inaalala na mayroon silang anak na naghihintay sa kanila? Ang sakit-sakit lang kasi.

Yung tipong umasa ako na kapag bumalik sila, kami naman ang magba-bonding. Kakain sa iba't-ibang ibang lugar tapos mamamasyal. Katulad lang yung mga dati naming ginagawa. Kahit ganun lang sana. Eh kaso, mukhang imposible ng mangyari yun.

Busy na busy sila for their upcoming product ng wine na ilalabas na this week. Tapos dumagdag pa si Tito Julius na kailangang alalayan nila Mommy dahil palubog na ang kompanya nila.

Hay.. Kahit na gano'n, tatanggapin ko na lang. Naiintindihan ko naman ang mga parents ko kung bakit sila nagtatrabaho, dahil para hindi ako mahirapan someday kapag ako na ang may hawak ng lahat ng negosyo namin sa buong mundo.

Bumalik na ako kinauupuan ko kanina para ituloy yung binabasa kong story. Pero bago ako umupo, tinanong muna ako ni Crystal.

"Bakit ganyan na naman yung ayos ng mukha mo? Ano na namang nangyari sayo? At tsaka sino yung kausap mo?" sunod-sunod na tanong nito.

Umupo muna ako sa upuan ko bago ko sinagot ang mga tanong niya. "Si Mommy at Daddy mapapaaga ang uwi nila galing sa ibang bansa."

"Oh, eh bakit parang malungkot ka yata? Hindi ka ba masaya dahil makakasama mo na naman ang mga parents mo?" singit ni Honey dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Eh hindi naman porket uuwi sila, sa bahay na kaagad ang diretso nila. Siyempre mahalaga sa parents ko ang negosyo. Kaya bago sa bahay, work muna sa kompanya nila tapos uuwi na lang sila kapag tapos na sila sa trabaho." sagot ko saka inayos na ang mga gamit ko. Malapit na ang time para sa next subject namin kaya kailangan ko ng ayusin yung gamit ko.

Nagkaroon ng pandaliang katahimikan sa aming tatlo na binasag naman kaagad ni Crystal.

"Eh...ayos lang ba sayo kung palaging ganu'n ang ginagawa nila?" tanong nito. Napaisip tuloy ako bigla.

Ayos lang ba talaga sa akin yung ipinaparamdam nila na ganito? Yung kapag gusto ko silang makasama, hindi pwede dahil ang palagi nilang dahilan ay ang kanilang trabaho. Ayos lang ba talaga ang ganito sa akin?

At...ayos lang ba talaga ako?

"Oo." pagsisinungaling ko at tuluyan ng umalis ng cafeteria. Para kasing puputok na yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Pagkalabas ko, hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Unti-unti na silang pumapatak ng hindi ko namamalayan, ang kaninang paisa-isa ay tuluyan na ngang umagos.

Napag-isip-isip ko na hindi pala okay ang ganitong sitwasyon sa akin. Siyempre masakit talaga. Naiinggit tuloy ako sa iba, sa mga bestfriend ko na palagi nilang nakakasama ang mga magulang nila. Samantalang ako, kadalasang mag-isa. Mga kasambahay lang ang kasama ko sa bahay namin.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon