° ° °
Honey's POV
---
Nasa school kami ngayon ni Crystal. Break time na siyempre, saan pa ba kami didiretso? Malamang sa canteen.
"Hoy." walang emosyon kong tawag dito sa katabi ko.
Nakataas ang isang kilay niyang pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib. "Wow, Honey. Hoy ba name ko?!" galit niyang sabi sabay turo sa sarili niya.
Kumunot ang noo ko. "Ang arte mo naman. Akala mo naman ang ganda mo, mukha ka rin naman pwet ng kaldero."
Nagtagis ang bagang niya. "Wow ha. Nakakahiya naman sa itsura mo. Mukhang pwet ng kabayo. Ugh! D'yan ka na nga!" sigaw niya saka akma ng tatayo nang bigla ko siyang pigilan.
"Sandali lang naman." pigil ko sabay hila sa pulsuhan niya kaya napaupo siya sa kinauupuan niya kanina.
Sa tingin ko, mas lalo pa siyang naiinis sa akin dahil sa ginawa ko. "Ano ba'ng gusto mo, Honey?!" sinasabi ko na nga ba eh. Ka-bobo mo kasi, Honey. Pinatulan mo pa.
"Hindi ba pwedeng kumalma ka? Nakakahiya oh, nandito tayo sa ibang school baka nakakalimutan mo." paalala ko sa kanya. Inis siyang upon ng maayos at humalukipkip.
"Gan'yan, matuto ka'ng magtimpi--"
"Anong gusto mong sabihin?" putol niya sa sinasabi ko.
Huminga ako ng malalim bago nagsimulang magsalita. "Hindi ka na ba tinatawagan ni Hans?"
"Bakit? Selos ka?"
Tingnan niyo, ang ayos-ayos ng tanong ko. Kag*guhan yung sagot niya. Ang sarap tuloy manapak ng tao.
"Tsk. Hindi 'noh! Kahit sayong-sayo na yung ungas na 'yon. Mas matino pa si Elvis sa kanya. Buti pa si Elvis, may pangarap sa bahay. Samantalanag siya, walang ginawa kun'di uminom ng alak maghapon." saad ko.
"Grabe ka naman kay Hans. Bakit? Pwede naman siyang magbago ah."
Parang may naaamoy akong hindi kanais-nais dito sa babaeng 'to ah. "Nakakasiguro ka?"
"Oo naman 'noh. Bakit si Casper, nakayanan magbago para kay Colleen." dahilan pa niya.
"Bakit? Ano ba'ng pwedeng maging dahilan para magbago pa si Hans? Bakit? May girlfriend ba siya? May tao ba siyang gusto para maging dahilan ng unti-unti niyang pagbabago? Hindi ba't wala naman? Kaya paano mo masasabing kaya na niyang magbago?" kontra ko.
Napayuko siya. "Ako, malay mo ako ang maging dahilan ng pagbabago niya."
Napatitig ako sa kanya. "Nahihibang ka na ba talaga? Ikaw? Magiging dahilan niya? Tsk! Asa ka. Tsaka, gusto ka ba ng taong 'yon? Hindi ka naman nakakasigurong masusuklian 'yang nararamdaman mo para sa kanya. Kaya kung ako sayo, huwag ka ng umasa pa."
Iniwan ko na siya doon sa kinauupuan namin kanina. Pumunta muna ako sa main garden. Umupo sa isang bench. Kinuha sa bulsa ang phone. Nagselfie. Nagulat na lamang ako ng bilang may sumulpot na lalaki sa harapan ko.
"Ayy multo!"
Pagtingala ko, biglang bumilis yung tibok ng puso ko na hindi ko naman alam ang dahilan. Nginitian niya ako na siya ring ginawa ko. Alangan namang sungitan ko yung tao. Eh wala naman siyang ginagawang masama sa'kin.
"Sorry, nagulat yata kita." saad nito saka umupo sa tabi ko.
Iniwasan ko siyang titignan sa mg mata. Baka mas lalo lang akong ma-fall kapag ginawa ko 'yon. Hayy.. ang hirap talaga kapag crush mo yung taong nasa tabi mo. Maiilang ka talaga.
*awkward* (katahikan)
"Ahmm... Dadating yung parents ko mamaya galing ibang bansa. Do you wanna come with us?" basag nito sa katahimikang bumalot sa amin.
"Nilingon ko siya. Hindi, hindi ako pupunta. Hindi ko naman kasama si Crystal."
"Huwag mo na siyang alalahanin. Kinausap naman na siya ni Hans eh. So, don't worry about her." sagot nito na siyang ikinagulat ko.
Bakit ba gusto pa niyang sumama ako? Pwede namang sila na lang. Tsaka ayaw kong humarap sa mga magulang niya hangga't hindi nagiging kami 'noh. Haysst..
"Bakit pa kasi kailagang kasama pa ako? Pwede namang kayu-kayo na lang." eh sa talagang ayaw kong sumama dahil nga tinatamad ako
He sighed..at..at..hinawakan yung kanang kamay ko at ipinatong sa legs niya habang hawak-hawak pa rin?!? Itong puso ko? Ang lakas ng kabog. Parang palabas na nga siya sa ribcage ko.
Tinitigan niya ako sa mga mata.
Shaks! Hindi ako makatitig ng diretso! Bakit ba kasi ganito magpa-fall 'to? Ang cute pa naman ng pamatay na ngiti niya. Ugh! Nakaka-in love talaga.
"Gusto kong nandoon ka kasi hindi mapanatag yung loob ko kapag hindi kita nakita doon. Parang may kulang. Parang gano'n. Kaya sana, sumama ka. Ako lang kasi ang walang ka-partner doon. Ayaw ko naman maging third wheel kina Claire at Hans. Kaya please, sumama ka na. Please..." pagmamakaawa nito.
"So, isasama mo lang ako para may kasama ka? Gano'n ba ang ibig mong sabihin? Tsk, asa ka." pagmamatigas ko kahit na gustung-gusto kong sumama sa kanya. Hindi dahil naaawa ako. Kundi, I want to spend more time na kasama siya.
"Siyempre hindi gano'n. May reason talaga ako kung bakit gusto kitang makasama." binitiwan niya yung kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko na siyang dahilan kung bakit namumula ngayon yung mukha ko.
Ano bang trip noto?
"Gusto mo ba'ng malaman kung bakit gusto kitang isama?" tanong niya na naging resulta ng paglakas ng tibok ng puso ko.
Tumango ako bilang pag sang-ayon.
Ngumiti siya bilang sagot at tinitigan ako.
"Simple lang naman ang sagot ko..." panimula nito.
"Gusto kita, Honey... I like you..." dugtong niya dahilan para mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko.
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula 'tong nararamdaman ko para sayo. Sinubukan ko rin namang pigilan pero, hindi ko talaga kaya. Kaya naisipan kong itago na lang dati. Pero sa tuwing nakikita kita, parang gusto kong ilabas na. Lalo na kapag nakikita kong magkasama sila Colleen at Casper nakakaramdam ako ng inggit." pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi.
"Kaya naisipan kong sabihin na lang hangga't maaga pa at hindi pa huli ang lahat." dugtong niya.
Hala! Naiiyak ako!
Mukhang kailangan ko na ring umamin kasi, umamin na rin naman na siya. Para patas na rin. Tsaka, magmumukha lang naman akong tanga na itinatago pa ang nararamdaman gayong umamin na gusto rin ako ng taong gusto ko.
So, ayon na nga. Umamin na ako ng nararamdaman sa kanya. Mukhang deserve naman niya yung pagmamahal ko at deserve na deserve ko yung pagmamahal niya na gustong-gusto kong maramdaman kapag kasama ko siya.
Then, ano pa nga bang susunod sa pag-amin. Eh 'di mag-on na kami. Yes, kami na nga. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Iba talaga yung saya kapag yung taong gusto mo eh nakuha mo na. Hindi mo lang nakuha, talagang permanent na sayo na siya habangbuhay.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...