16

612 28 0
                                    

° ° °

Casper's POV

---

Nagpaalam na muna ako sa Daddy ko na susundan ko ang babaeng iyon. Pero sa totoo lang, hindi 'noh! Ayaw kong magpakasal sa kanya! Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta ng bar ng ilang gabi. Siya ang dahilan kung bakit ako naipasok sa ospital.

Kaya kung ayaw niyang magpakasal sa akin, mas ayaw ko naman 'noh. Ang sungit niya masyado at ang taray pa!

Pupuntahan ko na lang yung puntod ni Mommy. Dadalawin ko na lang siya. Kung buhay pa sana siya eh 'di sana may paghihingian ako ng advice. Eh kaso, wala na ang Mommy ko. Never na siyang babalik pa.

Nasa kalagitnaan ako ng biyahe papuntang sementeryo nang may madaanan akong isang flowers shop. Ang gaganda ng mga bulaklak.

Dali-dali kong ipinarking ang dala kong kotse at bumaba kaagad para pumili ng bulaklak. Nang makabili na ako umalis na ako noon.

Lumingon-lingon ako sa paligid. May nakita akong babae na parang namumukhaan ko yung suot. Pero binawi ko rin yung tingin ko. Baka namamalikmata lang ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa sasakyan ko. Kaagad akong pumasok sa loob ng kotse ko at pinaharurot iyon.

///

Colleen's POV

---

Naghahanap ako ng pagbibilhan ng bulaklak hanggang sa makakita ako ng isang shop na ang gaganda ng mga bulaklak.

Dahil red rose nga ang paborito ni Lolo at Lola na bulaklak, bumili ako ng anim na piraso. It means 'I love you, Lola and Lolo'. I miss them so much.

Nang makabili na ako, pumasok na ako sa kotse ko at nagmadali ng dumalaw sa puntod nila Lola.

Nang makarating na ako doon, ipinarking ko ang sasakyan ko sa parking area at pumaba na papuntang puntod.

Umupo ako sa madamong parte kung saan nasa tapat ko ang puntod ng Lolo at Lola ko. Nilinisn ko ng mga lapita nila para mahalata ang mga nakasulad doon. Meron kasing mga dahon pero konti lang.

Ibinaba ko ang kandila at ang mga binili kong bulaklag sa gilig ng mga lapita nila. Masaya akong ndito ulit. Pero at the same time, malungkot rin.

Inayos ko ang upo ko. Nag-indian seat ako para mas komportable akong makaupo.

"Lolo? Lola? Kung nandito pa po sana kayo, hindi po ako mahihirapang magdesisyon." hindi ko mapagilang mapaluha.

"Miss na miss ko na po kayo, Lola and Lolo. Sana nandito pa kayo para may kakampi ako." pinunasan ko ang mga luha ko.

Hindi rin ako nagtagal doon at umalis na rin. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad papuntang parking area ng may mapansin akong lalake na parang pamilyar sa akin. Bibili siya ng bulaklak na kagaya rin ng binili ko.

Ahmm... Baka namamalikmata lang ako. Huwag ko na nga lang pansinin. Baka maisip ko pa na si Casper 'yon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papuntang parking area hanggang sa makarating na nga ako. Bago ako pumasok, pinakiramdam ko ang paligid. Ang tahimik talaga dito. Wala kang ibang maririnig kundi mga huni ng mga ibon. Siyempre, malilim rin at malamig dito. Parang nasa secret open ground ka lang na ma-damo at ma-puno.

Nasa kalagitnaan ako ng biyahe ng mag-ring ang phone ko. Si Daddy, tumatawag.

Narinig ko yung phone ko kasi nasa passenger seat lang naman iyon. Kaya madali ko na ring abutin at sagutin kaagad yung tawag.

Tamad ko itong sinagot.

"Dad.."

["Anak, nasaan ka? Bakit bigla kang umatras? Hindi ba't umoo ka na? Ang akala ko ba eh okay na sayo?"]

Haysst! Nakakainis naman oh! Ito na aman tayo, Dad. Sigurado akong pipilitin niyo na naman ako. Kukulitin niyo n nan ako ni Mommy ng kukulitin hanggang sa pumayag na naman ako.

"Dad, ayaw ko sa lalakeng iyon. Hindi mo alam kung anong ginawa sa akin no'n. Kaya please, Dad. Tama na po. Ayaw ko ng makipagtalo sa inyo. Magulo na nga po yung isipan ko eh. Sa ngayon po, kailangan ko po munang mapag-isa."

Pinatay ko na ang tawag. Hindi muna ako uuwi at magpapakita sa pamilya ko. Alam kong kukulitin lamang nila ako tungkol sa problema nila Tito Julius.

Naisipan kong bisitahin ang bahay bakasyunan ko sa isang tahimik na isla dito sa Tarlac. Gusto ko munang ipasara ito at mag-stay dito ng ilang linggo hanggang sa maging okay na ang lahat at handa na akong harapin ang problema ko.

Binilisan ko ang takbo ng kotse ko. Hanggang sa nakarating rin ako sa wakas. Tinawagan ko yung mga tauhan namin doon sa tagong islang iyon na pagmamay-ari ko na. Ibinigay na kasi sa akin ni Daddy ang titulo ng islang ito.

Tinawagan ko sila para ihanda ang bahay, kwarto at mga gamit ko doon sa bahay ko mismo. Pinagsabihan ko rin sila na huwag ipaalam sa kahit na sino ang detalye kung nasaan ako.

At kung hindi sila susunod sa iniutos ko, mawawalan sila isa-isa ng trabaho. Kaya kasalanan ng isa, kasalanan nilang lahat dahil hindi naman ako nagkulang sa pagpaliwanag sa kanila.

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang bintana na nasa tapat ko. Gusto ko kasing makita ang namimiss kong lugar.

Bumaba na ako. Palubog na kasi ang araw. Gusto ko itong makita. Ang ganda kasi ng sunset dito. Kitang-kita mo talaga ang paglubog ng araw.

Hindi ako nagtagal at pumasok ako ulit sa loob ng kotse ko. Pinaandar ko iyon. Ipinunta ko na ito sa garahe at saka tumawag ng mga tauhan para iakyat ang mga gamit ko sa kwarto ko.

Nang maipasok na nila, nagpatuloy na ako sa loob. May ilang kasambahay pa rin naman ang naririto. Sila kasi ang ini-assigned nila Mommy na tiga-ayos at tiga-linis ng bahay namin dito.

Dumiretso ako kaagad sa kwarto ko pagpasok ko. Namiss ko ang bahay ko dito. Parang gusto ko na ulit tumira dito ng habang buhay.

Sa bagay, pwede rin naman. Kaso, paano sila Crystal? Sinong kasama nila sa bahay? Sila Daddy, baka mag-alala sila kung nasaan na ako. Kaya mahirap rin kapag dito na ako tumira. Maraming hadlang.

Magbabakasyon lang naman ako ng ilang linggo rito. Mas makakabuti kaysa manatili ako sa mga taong mahal ko na dadagdag lang sa problema ko. Na gugulo lalo sa pag-iisip ko.

Sa totoo lang, ayaw ko ng idamay pa ang mga kaibigan ko sa problema ko. Ayaw ko na silang mag-alala. Kaya kung tatawag man sila Crystal, I'll answer it by saying na nandito ako sa lugar na kung saan, safe ako kaya huwag na silang mag-aalala pa dahil babalik naman ako sa oras na okay na ang desisyon ko at nakapag-isip na ako ng mabuti.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon