23

548 29 1
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Hindi ako makatulog. Kanina pa kasi kumakabog dibdib ko. Para akong may sakit sa puso na ewan! Hay! Ewan ko ba!

Pumunta na lang ako sa kusina. Gusto kong uminom ng tubig. Nang makakuha na ako sa fridge, umupo ako sa dinning area at ininom ang kinuha ko.

Sinubukan kong pumikit pero.. mukha ni Ken ang panay na nakikita ko! Ano na naman bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Abnormal na ba ako? Argh! HINDI KO MAKALIMUTAN YUNG HALIK NIYA NA NAKAKADALA!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng mga pwedeng dahilan ng biglang tumunog ang phone ko.

A message from Ken.

Kinuha niya phone number ko. Siya ang nag type ng name at phone number niya sa phone ko kaya hindi ko alam kung anong name ang inilagay ng letcheng lalakeng iyon. Ang pinagtatakahan ko nga lang...

Parehas yung number niya at yung number ng tumawag sa akin dati na hindi ko naman kilala kung sino at saan niya nakuha yung number ko.

Baka siguro... nagkataon lang? Baka nga. Baka nagkataon lang na parehas ang phone number nila.

Ito ang laman ng message niya...

From: Ken Gwapo

"- Hi! Tulog ka na ba?"

Ang feeling talaga. Akala mo naman sobrang gwapo. Slight lang naman. Hay...

In-edit ko yung name niya dito sa phone ko.

To: Ken Papansin

"- Hindi pa. Hindi nga ako makatulog eh. Ikaw?"

Sent!

Ilang segundo lang ang nakalilipas at tumunog ulit ang phone ko kay napatingin ako rito.

KLING!

From: Ken Papansin

"- Hindi rin ako makatulog gaya mo. Nasaan ka ba?"

Ano naman kayang dahilan nito at hindi makatulog gaya ko? Wala kasi siya sa couch. Nasaan kaya 'to?

To: Ken Papansin

"- Nasa kusina dito sa condo mo. Ikaw nasaan ka ba? Pansin ko kasing kanina ka pa wala dito."

Sent!

Ilang minuto lang ang nakakalipas at tumunog na ang phone ko. May tumatawag. Sinagot ko ito kaagad nang makita kung sino ito.

"Hey, Ken. Nasaan ka?"

Hindi siya sumasagot kaya nainis ako.

"Hoy! Tinatanong kita. Nasaan ka sabi eh." isa pa. Kapag hindi pa siya sumagot, masasapak ko siya pagbalik niya dito.

["Lingon ka."] huh? Anong pinagsasasabi nitong bwisit na 'to?

Nagtataka akong lumingon at nagulat na lamang ako nang makita siyang nakatayo ngayon sa harapan ko habang nakangiti ng malapad.

Anyare dito? Parang tanga lang?

Pinatay ko na yung tawag at takang tumingin sa kanya. Umupo ako sa isa sa mga dinning chair.

"Anong ginagawa mo d'yan? Ang akala ko hindi ka na babalik dito. Saan ka ba kasi nagsususuot? Huh?"

"Well, somewhere na makakapagisip-isip ako." simpleng sagot nito.

"Tungkol saan naman? May bumabagabag ba sayo na hindi mo sinasabi?" saad kong muli.

Umiwas siya ng tingin. "W-wala 'to. Sige, maiwan na kita. Medyo dinadapuan na kasi ako ngayon ng antok." para siyang naiilang na ewan. Ano kayang problema nito?

Pinagmasdan ko na lamang siyang humiga sa couch. Ibinalik ko na ang baso sa tray at pumunta na sa kama saka sinubukang ipikit ang mga mata ko.

Pero..

Ayaw pa rin ih!

Sinubukan ko ng sinubukan pero gano'n pa din. Hindi ako makatulog! Nyeta naman eh!

Tumingin ako sa side ko. Nandoon kasi ang couch ni Ken kung saan siya natutulog ngayon. Buti pa siya at nakatulog na. Ako? Wala. Hindi pa din kahit na anong gawin ko. Hindi pa din ako dinadapuan ng antok.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi matitigan ang mukha niya. Yung pilikmata niyang mahahaba. Yung labi niyang sobrang lambot. Yung buhok niyang kahit na ilang beses mong guluhin, konting ayos lang okay na ulit.

Yung ilong niyang matangos. Yung mga mata niya hindi gaanong kabilugan. Yung kilay niyang makapal at yung mukha niyang napakakinis.

He's my loyal friend. Noong sinabi ko sa kanya na papayag lang ako kapag nagbago na siya. Binigyan ko nga siya ng isang rule.

Bawal na siyang mambabae.

Na kahit labag sa kalooban niya, sinunod niya. Masaya ako na dahil sa akin, nagbago siya. Nagbago ang dating playboy na ngayon ay isa ng ideal boyfriend.

Ngayon, buo na ang desisyon kong pakasalan siya. Kilala na namin ang bawat isa. Kahit na totohanin na namin na mag-asaaa na nga kami, okay na sa akin.

Siya naman 'yan eh. Kaya kong baguhin ang nakasanayan niyang buhay. Sana nga lang magtuloy-tuloy ang pagbabago niya.

Sobrang saya ko kasi nakilala ko siya. Masaya rin ako na siya ang unang nagbalak na halikan ako. Tulad nga ng sinabi ko, siya 'yan. Sigurado akong hindi niya ako sasaktan.

Sabihin na nating unti-unti na akong nahuhulog sa kanya dahil iba ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Feeling ko, safe ako. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing pinagmamasdan ko ang mukha niya. Hindi talaga ako makapaniwalang magbabago siya ng dahil sa kasunduan namin.

Ilang saglit pa ang lumipas... at sa wakas! Dinapuan na ako ng antok. Naghihikab na kasi ako. Kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at inayos ang pagkakahiga saka natulog. Sana maging mahimbing ang pagkakatulog ko ngayon para hindi ako mukhang panda bukas.

///

Casper's POV

---

Alam kong tinititigan ni Colleen yung pagmumukha ko kanina. Ramdam ko kahit na nakapikit ako. Nagwagwapuhan na siguro siya sa akin.

Well, nagtutulug-tulugan lang naman ako kanina. Hindi pa din naman ako makatulog.

Sinubukan kong pumikit ng ilang beses pero wala pa rin akong maramdamang antok. Hindi kasi ako sanay na dito sa couch natutulog. Mas sanay ako sa talagang kama ko.

Subukan ko ngang lumipat ng higaan. Baka sakaling makatulog na ako. Palalim na rin ng palalim ang gabi. Kailangan ko na talagang makatulog sa mga oras na ito.

Nang makalipat na ako, ilang segundo lang ang nakalilipas medyo naaantok na ako. Hangaang sa makaramdam ako ng init kaya hinubad ko ang pang itaas kong damit saka inayos ang pagkakahiga at natulog na ng tuluyan.

Wala naman sigurong magiging malisya kung nakahubad ako na katabi si Alex. Tsaka para makatulog na rin ako ng maayos.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon