46

502 28 4
                                    

One year and six months ago...

° ° °

Colleen's POV

---

After ng graduation, panay gala kami ng asawa ko. Kung saan-saang lupalop ng mundo ang narating na namin. Lahat ng mga lugar na sikat ay napuntahan na namin.

Nakahiga kami ngayon sa iisang kama. Magpapahinga na kami. Napagod ako ng sobra. Ito kasing kasama ko walang kapaguran kaya pati ako napapasama.

"Saan mo pa gustong pumunta? Tara libot pa tayo." kahit na pagod na pagod na ako hindi pa rin siya tumitigil na ipasyal ako. Nakakatamad na tuloy lumibot.

"Magpahinga muna tayo ng ilang araw bago umalis ulit ng bansa para sa another trip kapag nabawi na na'tin yung lakas na'tin. Mas masaya kapag puno ulit tayo ng energy. Kaysa naman yung ganito, halos araw-araw tayong pagod. Hindi na lang pala araw-araw, buwan-buwan na." saad ko habang nakapikit.

"Sige, gagawa muna siguro tayo ng baby para--" nang-init ang tenga ko kaya hinampas ko yung braso niya. "Aray!" reklamo niya.

Ibinalik ko ang mga mata ko sa pagkakapikit. "Baliw ka talaga."

"Oo, baliw na baliw sa pagmamahal ko sayo."

Natawa ako ng kaunti. "Naks! Ang galing mong mambola. Nabola mo nga utak ko eh. Kaya pinakasalan kita at hindi na kita hinayaang manligaw."

Totoo 'yon, mahal ko nga siya kaya ko siya pinakasalan. Talagang loko-loko lang ako.

Ibinalik ko ang sarili ko sa pagkakahiga at sa pagkakapikit. "Ewan ko sayo." tugon ko.

Ilang saglit pa'y dinapuan na ako ng antok. Kaagad akong nakatulog ng mahimbing. Hindi ko na namalayan kung anong pinaggagagawa nitong katabi ko. Basta ang alam ko, naaantok na ako.

***

Kinabukasan...

---

Nagising ako sa pwestong nakaayos na ang katawan ko sa kama. Nakahiga na may kumot. Napangiti tuloy ako sa hindi ko inaasahan.

Napalingon ako sa bumukas na pinto ng kwarto naming mag-asawa. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang reaksyon niya. Nakangiti na para bang timang.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" nakakunot ang noo kong
tanong.

"I'm just happy."

"And why are you happy?"

"Kasi may maghuhugas na ng pinagkainan ko dahil may huling kakain ng umagahan." sagot niya saka isinarado yung pinto at tumabi sa akin.

"Tsk! Asa kang huhugasan ko pinagkainan mo 'noh." sumbat ko saka tumayo na sa kama.

"Bahala kang gumamit mamaya ng dahon ng saging para maging plato mo. Ang tamad mong maghugas ng pinagkainan mo. Ano ako? Yaya mo?" kagigising ko lang Casper. Huwag mo akong simulan ha?

Lumayas na ako sa kwarto. Pumunta na akong kusina. Titingnan ko kung totoo ngang hindi siya naghugas ng pinagkainan niya.

Pero pagdating ko doon, malinis naman yung lababo. Walang kalat. Makintab pa nga eh. G*go talaga 'tong lalakeng 'toh. Niloloko ako.

Naiinis akong bumalik sa kwarto namin nitong asawa ko saka nilapingot ang tenga niya.

"Ako ba pinaglololoko mo?"

"A-aray, aray ko-tama na-a-aray!" binitawan ko yung tenga niya.

"Hindi ka nakakatuwa neh?"

"Ang sungit naman nito."

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon