15

636 30 0
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Sabado ngayon. Araw na kung saan makikila ko na ang pakakasalan kong tao. Na kung saan pag-uusapan ang set-up ng kasal.

Nakasuot ako ngayon ng color black na V-neck shirt na tinernuhan ko ng black jeans at white rubber shoes.

Ilang minuto pa ang nakalilipas at may narinig na akong ilang yabag papunta sa kwarto ko. Sigurado akong si Mommy ito.

At hindi nga ako nagkamali, siya nga ang pumasok.

Kinuha niya yung suklay sa kamay ko. Nag-aayos kasi ako ng sarili sa harapan ng salamin ko dito sa kwarto ko.

"Ang ganda naman ng anak ko. Manang-mana talaga sa akin." saad niya habang sinusuklay ng dahan-dahan ang mahaba kong buhok.

"Mommy, dati naman na po akong maganda hindi ba? Dati niyo na rin po sinasabi ang mga linyang iyan. Kaya memoryado ko na."

Hayy.. Si Mommy talaga. Kailan pa niya matatanggap na maganda naman talaga ako at nagmana ako sa kanya simula ipanganak niya ako? Eh palagi kasing lumalabas ang mga binaggit niyang salita sa tuwing naaabutan niya akong nag-aayos ng sarili ko.

"Ayy.. Hehe! Ganun ba, anak? Sorry, hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal  rin sa wakas ang nag-iisa kong anak."

Ayy.. Ang drama naman ng Mommy ko. Kaya naman pala ma-drama rin ako sa mga kaibigan ko kasi nagmana talaga ako sa Mommy ko na ma-drama rin.

Niyakap ko ang Mommy ko. "Shshsh... Mommy, tahan na po. Palagi naman po akong dadalaw eh. Kahit na may sarili na po kaming bahay ng magiging asawa ko. Hindi ko po makakalimutang dumalaw dito sa bahay para makasama kayo ni Daddy." pagpapatahan ko sa Mommy ko na lumuluha na.

Iniupo ko siya sa kama ko at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang dalawang hinlalaki kong daliri. Then I hugged her again tightly and kissed her forehead bago ko siya inaya upang lumabas na sa kwarto ko at pumunta na sa living room.

Nagulat na lamang ako nang makita kung sino ang naririto sa bahay namin. Bakit nandito ang hinayypak na 'to dito sa bahay?!

"Ikaw?!/Ikaw?!" sabay kaming napasigaw. Sila Mommy? Nagtitinginan lang.

"Tita Agatha, bakit nandito ang pangit na 'to dito?" aba! Iba rin pala itong lalakeng ito ah.

"Joke ka ba? Hindi mo pa ba alam ang tungkol sa akin? Well.... ako lang naman ang nag-iisang anak nila Mommy Agatha at Daddy Christian. Eh ikaw? Bakit ka nandito sa bahay?" naiinis kong sumbat sa kanya.

"Ako lang naman ang nag-iisang anak ni Daddy Julius." taas-noo nitong sagot saka nagpamulsa.

"What?!" gulat kong sigaw.

So, siya pala ang mapapangasawa ko?! What the f*ck! No. He was just kidding. Yes, gusto niya lang akong lokohin at inisin.

"No. You're not." hindi pwedeng ikaw ang magiging future husband and Daddy ng mga future cuttie children ko!

"Yes! I am! 'Di ba, Dad?" no! Please, answer him no, Tito!

Tumayo si Tito Julius mula sa kinauupuan niyang sofa kanina at nilapitan kami. Tumingin sa akin ng diretso si Tito.

"Yes, he's right. He's my only son." sagot nito na siyang ikinagulat ko ng sobra.

No. No! This can't be! Ipapa-cancel ko ang kasunduan! I will not marry a guy like him! I hate him so much! And isa pa, babaero siya. Sasaktan lang niya ako sa huli.

"So, let's start? Tutal, magkakilala naman na yata kayong dalawa, umupo na tayong lahat at pag-usapan ang magiging kasal."

Umupo na silang lahat at kami na  lang nitong lakakeng ito ang nakatayo.

"Colleen, please umupo ka na nang makapagsimula na tayo." aya ng Mommy ko kaya napatingin ako sa kanya. Pero nanatili lang akong nakatayo.

"I don't want to marry a playboy like him, Mom. I'm sorry, Tito Julius. Umaatras na po ako." umalis na ako kaagad doon.

Pumunta ako sa bahay naming tatlo. Doon muna ako. Tutal doon naman talaga ang bahay ko.

Naguguluhan na ako sa sarili ko kung anong susundin ko. Ang konsensiya ko ba o ang inis ko sa babaerong lalake na iyon.

Pumasok ako kaagad sa loob ng kwarto ko. Ang gulo na ng sitwasyon ko. Bakit ba kasi kailangang ako pa?! Bakit ako?!

Ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama. Hanggang sa may narinig akong tatlong katok. Kaagad ko namang pinagbuksan iyon. Saka ibinalik ang sarili sa pagkakahiga sa kama.

"Anyare sayo?" bungad na tanong ni Crystal.

Oo nga pala. Walang silang kaalam-alam na ikakasal ako dahil hindi naman ako nagkukwento ng nga personal na nangyayari sa akin.

Umupo ako ng maayos sa kama saka siya hinarap.

"Balak akong ikasal kay Lucipher--ah este.. Casper nila Mommy at Daddy." walang emosyon kong sagot.

Kita kong nanlaki ang kanyang mga mata. "What?!" umupo siya sa tabi ko. "Weh?" hindi makapaniwala niyang dugtong.

Inayos ko yung upo ko at tumitig sa kanya. "Yes, nagsasabi ako ng totoo. Kaya nga ako nagkukulong ngayon dahil naguguluhan ako." iniiwas ko ang aking tingin.

"Naguguluhan ka? Bakit?"

I sighed. "Nalulugi na yung negosyo ng Daddy niya at gusto nila Mommy na ipakasal ako sa kanya para maging isa ang kompanya ng mga Balthasar at ng pamilya namin." paliwanag ko.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin na binasag din niya gamit ang mga tanong na kanina ko pa hindi masagot-sagot.

"So, ano nang desisyon mo? Papayag ka bang magpakasal sa kinaiinisan mong tao na never mong pinangarap na mapangasawa kahit kailan?"

Nang dahil sa mga tanong niya, ang mga iniisip ko kanina pa ay biglang bumalik sa aking isipan. Kung ano nga ba ang mas matimbang para sa akin.

Ang gusto ko ba o ang konsensya ko?

Ang hirap magdesisyon! Hindi ko alam kung ano nga ba ang magiging desisyon ko! Bwisit!

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko saka humarap sa kanya.

"Hindi ko pa alam kung anong magiging talagang desisyon ko. Sa ngayin gusto ko munang makapag-isip-isip ng mag-isa." sagot ko at lumabas na ng kwarto ko.

Kailangan kong mapag-isa sa ngayon. Yung walang kakausap sa akin. Yung walang gugulo sa akin.

Napagdesisyunan kong pumunta sa puntod nila Lolo at Lola. Oo, dito rin sila inilibing sa Tarlac. Kaya madadalaw ko sila kahit kailan ko gusto.

Buti doon, walang manggugulo. Walang maingay at preskong hangin lang ang malalasap mo doon. Tsaka malilim kasi nasa tapat ng puno yung puntod ng Lolo at Lola ko. Kaya malamig din doon. Masarap umupo at tumambay. At namimiss ko rin sila kahit pa paano.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon