° ° °
Honey's POV
---
May mga naririnig akong maiingay sa kusina. Nagsusumbatan silang dalawa. Tapos may naririnig pa akong mantika na tumatalsik-talsik dahil sa palagay ko'y may nagluluto.
Hindi napigilan ang sarili ko na pumunta roon. Kukuha na din ako ng chocolate drink ko. Para masaksihan ko kung ano ba talagang nangyayari doon.
Sigurado naman akong walang ibang tao sa bahay kundi kaming tatlo lang naman nila Crystal. Kaya sigurado rin akong si Colleen at Crystal iyon. Nagtatalo sa pagkain.
At tama nga ang hinala ko na sila ng nandito na nagsasagutan.
"Hooooyy! Tumahimik nga kayo!" sigaw ko sa kanila kaya natahimik sila at nilingon ako na nasa bandang likuran.
"Ang ingay mo!" reklamo nitong si Crystal na nakataas ang isang kilay.
"Bakit ka lumabas? Ang akala ko ba may gagawin ka pa. Bakit na nandito?" - Colleen
"Ang iingay niyo kaya!" sigaw ko pero naging malumanay rin baka hindi kasi ako bigyan ng food kapag nagsungit pa ako. "Tsaka, naamoy ko yung niluluto ni Colleen kaya lumabas ako para.. humingi?"
Bumaling ako kay Crystal. "Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito." tinangg niya ang pagkakataas ng kilay niya at ipinagkrus ang dalawang bisig sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Eh nagugutom rin ako kaya ako nagpunta rito kasi naaamoy ko hanggang sa kwarto ko yung niluluto niya." sagot ni Crystal sabay duro kay Colleen.
Nakita kong hinango na ni Colleen yung mga niluluto niyang patties. Ang dami! Ano na naman ba'ng trip nitong babaeng 'to at nagluluto ngayon ng napakaraming pagkain?
Bituka na ba ng baboy ang bituka niya? Ang dami kasi ng kakainin niya. Gusto kong humingi. Sawang-sawa na rin ako sa mga snacks na pinapa-deliver ko dito sa bahay kapag nagugutom ako.
"Sabi na nga ba't iyon ang dahilan ng paglabas niyo sa mga kwarto niyo." komento ni Colleen saka inilagay naman ang nahiwang mga bawang at sibuyas. Nang maluto na ang mga iyon, isinunod na niya ang nahiwang mga kamatis saka hinalukay.
Pinapanood lang namin siya na nagluluto. Nandito kami sa dinning table habang hinihintay ang mga pagkaing niluluto ni Colleen.
Tahimik lang akong nakadukdok dito sa lamesa nang biglang sumigaw si Crystal kaya napatingin rin ako sa dikersiyon kungsaan may parang tinawag siya.
"Colleen!" tawag niya kay Colleen na ngayon ay dala na ang nakaplatong mga burger.
Ang akala ko, idederetso niya sa dito sa lamesa pero nagkamali kami. Dumiretso siya sa kwarto niya. Bumalik pa siya at kinuha ang ibang pagkain. Kami? Nakatunganga lang dahil ngayon niya lang ginawa ito.
Kailan pa naging makasarili ito? Ang buong akala ko forever siyang magiging mapagbigay.
"Hoy! Usong magbigay ng blessings! Hoy, Colleen! Bumalik ka dito!" sigaw nitong si Crystal saka sinundan si Colleen pero hindi niya ito naabutan kasi kaagad na ni-locked iyon nitong nagiging magmdamot na naming kaibigan.
Bagsak ang balikat ni Crystal habang bumabalik papunta rito sa tabi ko. "Ano na'ng gagawin na'tin? Pati ako nagugutom na dahil sa naamoy ko kanina." reklamo niya sabay himas sa t'yan.
"No choice. Magpapadeliver na lang ako ng pagkain na'tin?" tumango siya kaya dali-dali ko ng tunawagan ang hotline ng isang restaurant na pwedeng magdeliver ng foods.
///
Colleen's POV
---
Nang maubos ko na yung mga pagkain na niluto ko kanina, bumaba na ako kasama ang mga bitbit kong mga plato na ginamit ko bilang lalagyan ng mga pagkain.
Nakita ko silang masayang nagkukwentuhan kaya napatitig ako sa kanila. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Nahinto sila sa pagtawa nang biglang lumingon sa kinatatayuan ko ngayon si Crystal saka ako inirapan. Hala siya! Dinamdam yata nila na hindi ko sila binigyan.
Dumiretso na ako sa may lababo para hugasan na ang mga ginamit ko kanina.
Nang matapos ko nang hugasan ang mga iyon, dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis. Kinuha ko ang pouch ko at pumunta na ng garahe, kinuha ang kotse ko na mas mahal pa sa kaluluwa ng iba saka pinaharurot iyon ng mabilis.
* * *
Nakarating ako sa bahay na ang tahimik ng paligid. May mga sasakyang mamahalin na mukhang kanina pa nandito.
Pumasok na ako sa loob. May ilang kasambahay ang bumati akin, s'yempre hindi naan ako bastos kaya binati ko rin sila.
Nagpatuloy ako papuntang living room. Nakita ko ang pamilya ni Casper at ang pamilya ko. Nagtatawanan sila. Nakikita ko rin ngayon na pangiti-ngiti itong si Casper.
Napahinto sila nang lumapit na ako sa kinaroroonan nila ngayon. Nakaupo silang lahat sa dalawang mahabang mga sofa na magkaharap. Occupied lahat maliban lang sa nag-iisang sofa chair sa may harapan nila.
"Colleen!" tawag sa akin ni Mommy. "Halika, anak." nakangiting dugtong nito.
Lumapit ako sa kanila. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila. Lahat sila, masayang nakita ako. Maliban nga lang kay Casper na pansin kong yumuko nang makita niya ako.
Ilang sandali pa'y umalis siya. Parang may sariling isip naman ang mga paa ko na awtomatikong sinundan siyang lumabas ng bahay.
"Oh, saan ka pupunta?" pahabol na sabi ni Daddy pero hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagsunod kay Casper.
Huminto si Casper sa may tapat ng sasakyan niya sa labas ng mansyon namin.
Ang akala niyo, simpleng bahay lang ang main house namin, hindi. Mansyon talaga iyon. Malaking mansyon na may rooftop. Tatlong palapag na mansyon.
"Bakit ka nandito? Alam ko namang galit ka sa'kin kaya pinabayaan na kita doon." humarap siya sa akin. "Ngayon, bakit mo ako sinundan?" muling tanong niya.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang sasabihin kong dahilan. "E-ewan ko. B-basta sinundan lang kita. Masama bang sundan ang fiancé ko?" nabubulol komg saad.
"Bakit ka nandito? Alam ko namang galit ka sa'kin kaya pinabayaan na kita doon." humarap siya sa akin. "Ngayon, bakit mo ako sinundan?" muling tanong niya.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang sasabihin kong dahilan. Hayst! Bahala na nga!
"E-ewan ko. B-basta sinundan lang kita. Masama bang sundan ang fiancé ko?" nabubulol kong saad.
Tumalikod siya. "Bakit? May kailangan ba tayong pag-usapan?"
Lumapit ako sa kanya. Ito na ang tamang pagkakataon para magtanong ako kahit na dapat ay wala akong pakialam sa kanilang dalawa.
"K-kayo na ba ulit ni Audrey?" naglakas na ako ng loob na tanungin iyon. Iyang tanong kasi na 'yan ang bumabagabag sa akin ilang araw na ang nakalipas mula nang makita ko post ni Audrey sa FB.
Hinarap niya ulit ako. "Sino namang may sabing kami na ulit?" kunot ang noo niyang tugon.
Hindi ako kumibo. Ang buong akala ko kasi, sila na ulit ni Audrey. Kaya hinahayaan ko lang na landiin siya ng babaeng ulupong na 'yon.
Tutal, nakuha ko naman na ang tamang sagot sa lahat ng hinala ko. Aalis na ako dito. "Okay. Sige, alis na ako." sabi ko at nag-umpisa ng tumalikod at naglakad.
Hahakbang pa sana ako ulit nang bigla siyang nagsalita. "Nagseselos ka ba kaya mo ako tinanong ng gano'n?" nag-init ang mukha ko. Hindi ko naman mapigalan yung nararandaman ko ngayon.
"H-hindi ah." sige, deny mo pa. Baka malandi na naman 'yan ni Audrey sige ka.
Tumakbo na ako papasok ng mansyon. Baka kung saan pa kasi umabot yung mga tanong niyang nakakapanindig-balahibo kapag nanatili pa ako doon.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...