29

505 26 5
                                    

° ° °

Casper's POV

---

Kakatawag lang ng pinsan ko na si Grant. Ngayon daw ang unang pagkakataon niya na mag-aaral dito sa school namin ni Daddy. Soon to be mine.

Nakita kasi ako nitong mga kaibigan ko na napakasama ng mood ko ngayong araw. Hindi ko kasi namalayan na malamig na pala ang kabibili ko lang sa sopas dito sa canteen na kanina ko pa hinahalu-halukay.

"Ano, bro? Dito na mag-aaral ang pinsan mo?" tanong nitong si Hans sabay tabi sa akin.

"Oo." malamig na sagot ko.

"Oh, ba't parang galit ka yata? Nakakunot kasi noo mo. Hindi ka ba masaya na dito na siya mag-aaral? Bro, may madadagdag na naman sa atin." singit naman nitong si Elvis na may dalang fishballs na may sauce na nakalagay sa small cup.

"Bro, hindi siya playboy tulad ko. Hindi rin siya mahilig sa alak o kahit na sa sigarilyo man lang. Libro lang ang palaging hawak noon. Tsaka hindi siya masungit tulad mo Elvis." sabi ko sabay turo kay Elvis na nasa harapan ko. "Mabait siya sa mga babaeng umaaligid sa kanya." dugtong ko.

Saglitang katahimikan ang bumalot sa amin na binasag nan kaagad ni Hans.

"Eh bakit ka nga parang galit? Ano bang dahilan?" tanong nito.

I sighed. "Baka kasi magkakilala sila ni Ethel. Natatakot ako na baka maagaw siya sa akin ni Grant." nang dahil sa sinabi ko, natawa silang pareho na siyang ikinainis ko.

"Anong tinatawa-tawa ninyo d'yan? Gusto niyo bang mapatalsik dito sa school ko?" pananakot ko sa kanila.

Napatigil ko naman sila dahil sa pananakot ko.

"Eh mukha ka kasing ewan. Ikakasal ka na nga sa kanya hindi ba? Kaya bakit ka pa mangangamba na makuha siya ni Grant?" tama nga si Elvis. Para akong tanga na nagseselos kahit na alam ko naman ng walg pag-asa si Grant sa kanya. Dahil si Ethel ay akin lang. Akin lang siya. Akin!

"Pero hindi mo pa rin masisisi si Ms. Eleazar kung magkakagusto siya sa pinsan mo. Kung magkagusto man siya kay Grant, baka posibleng..baka posibleng ipa-cancel niya ang kasal niyo." tama rin naman si Hans. Tuloy! Naguguluhan na ako!

"So, anong magiging plano mo?" nakuha ang atensyon ng tanong ni Elvis. Hindi masagot sa totoo lang. Wala naman akong nakahandang plano para hindi mapalapot si Grant sa soon-to-be wife ko.

"Ewan ko, bro. Hindi ko pa alam. Hihintayin ko muna kung anong mga mangyayari. Kapag may kakaiba na talaga, doon na ako magsisimulang bumuo ng plano." sagot ko saka sila nilampasan.

Nasa kalagitnaan ako paglalakad sa hallway nang biglang mag ring ang phone ko na nasa bulsa ko. Kaya dinukot ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Si Grant.

Ano na naman kayang kailangan nito sa akin at tumatawag na naman?

Huminto ako sa paglalakad at sinagot ang tawag.

"What?" walang emosyon kong panimula.

["Sorry kung ngayon ko lang sasabihin sa iyo 'to ah."] medyo kinabahan ako.

"What is it?"

["Gusto ko lang maging handa ka sa pagkikita niyo ng ex-fiancé mo. Darating siya anytime na gusto niyang makita ka ulit. Paki-inform ang fiancé mo na si... Colleen ba 'yon? Oh siya, papasok na rin ako sa school niyo. Maghahanda pa ako. Bye."]

Napakunot ang noo ko dahil sa ibinalita niya saka pinatay ang tawag at ibinaba ang phone.

What the f*ck! Hindi pwedeng magkita sila ni Ethel! Masisira ang kasal na magaganap kapag dumating siya. Natatakot akong baka hindi na matuloy dahil baka manggulo siya. Kailangan ko siyang pigilan!

Ano ba naman 'yan oh!

///

Colleen's POV

---

Nakakainis! Nakakairita! At nakakabingi na ang mga bulung-bulungan dito sa canteen habang bumibili kaming tatlo ng pagkain namin!

"Siya ba 'yon?"

"Totoo kaya ang balita?"

"Hindi naman siguro 'noh?"

"Bakit siya pa? Pwede naman ako."

"Ano bang nagustuhan niya sa babaeng iyan? Mayaman rin naman ako at mas maganda pa kumpara sa kanya."

Iyan ang mga naririnig ko sa ilang nalalampasan naming mga babaeng estudyante dito. Nababanas na talaga ako sa mga titig nila na parang malagkit na kanin! Kanina pa!

Inakbayan ako ni Crystal. "Hayaan mo na sila. Wala naman na silang magagawa. Ikaw na ang papakasalan ni Casper. Inghit lang ang mga 'yan sayo. Ang haba kasi ng hair mo girl." natatawang sambit nito saka nakipag apir pa kay Honey na may shanghai sa bibig.

Pinagmasdan ko ang paglamon ni Honey. Sa nakikita ko ngauon na ikinikilos niya, para siyang nauubusan ng pagkain. Halos buo na isang piraso ng shanghai ang isinusubo niya sa bibig niya. Para tuloy siyang hindi tinuruang kumain ng tama kapag nasa harapan siya ng maraming tao. Hayy...

Nilunok niya muna ang pagkain bago nagsalita. "Sa dinami-dami kasi ng mga umaaligid-aligid kay Casper, kay Colleen pa siya napunta. Kamalasan nga naman. Playboy ang mapapangasawa ng babaeng palaban." nang-iinis na naman itong si Honey.

Tama siya. Kilala si Neth-neth na mas kilala sa tawag na Casper bilang isang 'playboy'. Pero ako ang mas nakakakilala sa kanya. Isa siyang mabuting lalake. Masipag at may pangarap. Hindi ko nga maintindihan kung bakit naging playboy siya.

Pero kahit na ganoon pa man ang pagkakakilala ng iba, alam kong magbabago pa siya. Kaya niya pang magbago. Alam ko na may ikakatino pa naman siya kahit pa paano.

Nang makarating na kami sa classroom, ganun pa rin kalagkit ang tingin nila sa akin. Inilibot ko na lamang ang paningin kung may nabago ba o wala.

Wala naman akong napansing nagbago sa ayos ng mga upuan, mesa at kung ano-ano pang anik-anik ng adviser namin. Pero isa lang talaga ng pumukaw ng atensyon ko. Ang lalake sa ikuran na parang bago pa lang dito sa room.

Dahil nga sa curious ako, tinanong ko na siya ng mga tanong na makakapagbigay alam sa akin kung saan at sino ang estudyanteng ito.

"Hi? Who are you? Are you one of them?" tanong ko sabay duro sa mga bagong estudyante rin na nasa labas. "Transferee?" dugtong ko. tumango naman siya.

"Oh.. so, what's your name?" muli kong tanong.

"I'm Grant." iniabot nito ang kanang kamay niya na tinggap ko naman.

"Grant Mateo." dugtong niya saka niya ako nginitian kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"Alexandra Colleen Ethel Eleazar. Colleen for short. Nice to meet you, Grant." saad ko saka binitiwan ang kamay niya na siya ring ginawa niya sa kamay ko.

Maglalakad na sana ako papunta ng upuan ko nang muli niya akong tinawag kaya napalingon ako sa kanya.

"Colleen?" lumingon ako sa kanya.

"Yes?"

"Kilala mo naman yung pinsan ko hindi ba? Si Casper Balthasar."

"Oo." lumapit ako sa kanya dahil gusto kong malaman kung bakit niya tinawag na pinsan si Neth.

"So, pinsan mo pala siya." dugtong ko.

"Oo. Alam mo na ba yung tungkol sa ex-fiancé niya?" napakunot ang noo ko nang dahil sa itinanong niya.

Umiling ako bilang sagot. "Wala naman naikukwento sa akin ang pinsan mo. Bakit? Ano bang tungkol sa ex-fiancé niya at kaiang ko pang malaman?" umupo ako sa tabi niya para alamin ang tungkol sa sinasabi niya sa akin.

"Babalik ang ex-fiancé niya na si Audrey. Si Audrey ang first love ni Casper. Hindi pa alam ni Audrey na ikakasal na si Casper sayo kaya baka manggulo siya sa inyong dalawa. Mag-ingat ka sa kanya. Dahil gagawa at gagawa iyon ng paraan para bumalik sa kanya si Casper."

Napatulala lang ako. Wala akong kaalam-alam na may ex-fiancé pala siya. Minsan na nga lang akong magkagusto, may magiging kaagaw pa ako. Mabuti sana kung mga fans niya ang kaagaw ko eh. Kaso, first love niya iyon. Ano namang laban ko doon? Isa lang naman akong hamak na babaeng may gusto sa kanya.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon