10

764 36 0
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

"Tito, ano po bang pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Ahmm... Nagkasundo kasi kami ng Daddy mo na para mag-isa na lang ang kompanya namin, balak naming i-pakasal ka sa anak ko."

"What?!" hindi ako makapaniwala na pumayag ang Dad ko na i-pakasal ang nag-iisa niyang anak sa hindi ko pa naman kilalang lalake.

"Hindi. I don't want to marry someone na hindi ko pa nakikilala." sumbat ko.

Bakit kailangan ako pa? Wala na bang ibang option? Ito na lang ba ang tanging paraan? Hay...

Dad tapped my right shoulder. "Anak, ito na lang talaga ang tanging paraan. Don't worry, mabait naman yung anak ng Tito mo eh. Sigurado akong magiging masaya ka kasama siya." he said then he gave me a simple smile.

I turned my gaze into my Dad. "Are you sure, Dad? Malay mo, pakitang tao lang 'yon." mahina kong saad kay Daddy.

He sighed. "Anak, bakit ba ganyan ang tingin mo sa aming mga lalake? Hindi ko ba naikwento sayo na kapag walang lalake sa mundo, hindi kayo mabubuo?"

"Dad... I've a lot of knowledge about that topic. Kaya huwag mo na pong balaking ikwento." sabi ko.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Tito Julius  "We need to solve your problem." sabi ko saka siya dinuro.

"So, ano ngang matinong sagot mo? Colleen, please. He need our help."

I let out a deep breath. "Fine. Papayag akong magpakasal pero dapat yung simpleng kasal lang. Ayaw ko ng bongga." sagot ko sa kanila saka umalis na.

Kung hindi lang ako mabait, hindi ako papayag eh. Kaya lang kapag tumanggi ako, konsensiya ko naman ang magiging kalaban ko.

My Dad hugged me tightly. "Thanks, anak."

I hugged him back. "You're welcome, Dad."

Kung hindi ko lang love ang Dad ko, hindi ako papayag eh. Kaya lang, mahal na mahal ko siya kaya gagawin ko ang lahat para lang sa ikakasaya niya.

Our problem is now solved. Kaya nagpaalam na ako sa kanila na mauna na. May gagawin pa kasi ako. Marami kaming sasagutang assignments ngayon. Baka tapos na nga yung dalawa doon sa bahay eh. Baka ako na lang ang hindi pa nakakagawa.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad papuntang kotse ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Kaya kaagad ko itong kinuha at sinagot.

"He--" hindi pa ako natatapos sa intro ng pagsagot ko nang biglang magbulyawan ang nasa kabilang linya.

["Hoy! Nasaan ka na ba?!"] boses iyon ni Crystal.

["Hindi ka pa ba uuwi?! Shaks! Ang daming assignments! Matagal pa ba 'yang pag-uusap na 'yan? Grabe! Anong oras na oh!"] boses naman iyon ni Honey dahilan para ilayo ko yung phone ko sa tenga ko.

"Okay na ba kayo? Ayos na? Pauwi na po ako, Nanay at Lola. Kaya don't worry na. Andyan na ako." mahinahon kong sagot sa kanila.

["Tsk! Loko ka talaga. Oh siya, itutuloy na namin yung ginagawa namin dito."] buti naman mahinahon ng sumagot si Crystal. Sana pati si Honey para hindi na masakit sa tenga.

"Okay. Bye!" inihagis ko kaagad sa passenger seat yung phone ko pagkapatay ko ng tawag.

Nagpatuloy lang ako sa pagda-drive. Hanggang sa tumunog ang ikalawa kong phone na nasa sling bag ko sa passenger seat.

Kinuha ko ito para tignan kung sino ang tumatawag. Pero laking pagtataka ko ng makita ko kung kanino number ang tumawag sa akin.

It's from unknown number!

Hala! Baka kidnap for ransom ito ah!

Hala! Ang mga magulang ko! O kaya nam yung dalawang naiwan sa bahay! Si Crystal at Honey! Nyaks! Matawagan nga sila!

Pinatay ko yung tawag. Ang tinawagan ko ay ang mga alam kong bibiktimahin.

KRIIIIIIINNNG... KRRRIIIIIIIINNNG... KRRRRIIIINNG...

"Hello, Crystal? Okay lang ba kayo ni Honey?" natataranta kong tanong.

["Oo naman. Teka, bakit ba ganyan ka kung magsalita? Para kang natataranta?"]

Pinakalma ko ng sarili ko."Wala. Don't worry about me. Kalimutan mo na lang na tinawagan kita. Bye." haysst.. Buti na lang at walang nangyari sa kanila.

Si Daddy!

Tinawagan ko si Daddy. At ganun din ang sagot niya. Okay lang daw siya. Sila ni Mommy okay lang daw.

Ilang segundo pa ang nakalilipas, tumunog ulit ang phone ko. Wala akong nagawa kundi sagutin na lamang ito. Kaya habang nagdadrive ako, sumasagot ako sa bawat tanong ng tumawag.

"Ano bang kailangan mo sa akin at bakit tumatawag ka? Saan mo nakuha yung number ko?" sunod-sunod kong tanong.

["Ssshhh... Huwag ka na ngang maingay diyan. Hayaan mo na ako. Namimiss kasi kita. Yung boses mo. Lalo na yung pagiging masungit mo."]

Urgh! Namimiss?! Boses ko?! Tsk! Sino 'to?! Kainis!

"Sino ka ba ha?! Nakainis ka na ah." inis kong sagot sa kanya.

["Nahh... Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ako. Basta, makikilala mo rin ako. Not now but soon."] saad nito saka ako pinatayan.

Ang ganda ng pakikitungo niya 'noh? Ang ganda talaga! Bwisit! Grrr!!! Sino ba 'to?!

Inis kong pinatakbo ng mabilis ang kotse ko pauwi sa bahay. Kailangan ko ng umuwi. Kaya kinailangan kong bilisan yung pagpapatakbo.

Casper's POV

---

Tss.  Ito na ang simula ng paghihiganti ko nang dahil sa ginawa mong babae ka. Humanda ka sa akin!

Magdasal ka na sa lahat ng mga pinapaniwalaan mong mga santo. Patay ka sa akin!

Tsk!

Colleen's POV

---

Nakarating naman ako ng mabilisan sa bahay namin ng mga kaibigan ko. Nadatnan ko silang nakatulog na sa sofa hawak-hawak ang mga libro nilang sinasagutan gamit ang lapis.

Sinubukan ko silang gisingin pero nagtalikuran lang sila sa sofa. Tss. Hayaan ko na nga lang sila d'yan. Bahala sila sa buhay nila.

Inilabas ko ang laptop ko mula sa lalagyan nito. Inilabas ko mula sa bag ko ang mga notebook at kinuha ko na rin yung ibang libro para sa pagsagot ko sa mga assignments ko na kailangan kong matapos.

Pagkatapos kong sagutan ang lahat ng iyon, tumingin ako sa nakasabit na wall clock ko na nasa right side ng book shelves ko sa kwarto. Maluwang kasi yung kwarto ko kaya halos lahat ng mga gamit ko nandito na.

It's already ten o'clock in the evening. Hindi pa ako nakakakain ng hapunan. Kaya pumunta na lamang ako sa kusina para kumuha ng makakain.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon