44

474 21 0
                                    

° ° °

Crystal's POV

---

"Bakit ang tagal noong dalawa? Ang akala ko ba magbibihis lang sila sa sarili nilang mga dressing rooms?" reklamo nitong si Hans na nasa tabi ni Honey.

"Oo nga, Crystal. Bakit hindi na'tin sila sundan sa loob?" hinila ako ni Honey pero nagpaiwan ako na siyang ikinakunot ng noo niya.

"What?" takang tanong niya.

"Honey, mag-isip ka nga. Private rooms ang dalawang dressing room d'yan sa mansyon nila. Trespassing ang gagawin mo. Pasok ka ng ibang bahay na wala namang permiso ng mga may-ari." sabi ko saka siya inirapan.

"Tsk! Bestfriend tayo ng bride. Paano namang magiging trespassing iyon? Lahat tayo na ka-close ng dalawang bagong kasala ay allowed na pumasok sa bahay nila." depensa naman niya.

"Bakit? May sinabi na ba si Colleen na ALLOWED na tayong pumasok without knocking the door or clicking the doorbell?"

Nag kibit-balikat siya. "Wala."

"Pala. Eh 'di wala talaga tayong choice kundi hintayin na'tin silang lumabas." sabi ko saka ulit siya inirapan sabay dukot ng phone sa sling bag ko. May naisipan kasi akong gawin. Magtatanong lang ako sa kaklase namin kung tapos na nila lahat ng projects na ipapasa next, next week.

///

Colleen's POV

---

Inutusan ko itong asawa ko na magbihis na. Baka kasi pumasok dito sa dressing room ni Casper yung babae. Familiar sa akin ang boses niya. Parang narinig ko na dati. Hindi ko nga lang matandaan kung saan at kailan.

"Tara na, Mama. Sigurado akong kanina pa tayo hinihintay sa baba nila Oliver." saad niya ng matapos ng magbihis.

Basang-basa kasi yung damit niya ng pawis. Nag polo na lang siya ng kulay puti at pinagsuot ko siya ng maong na kulay itim. Ang cool niyang tingnan! Ang pogi talaga ng asawa ko!

"Sige, Dada. Mauuna na ako sa labas. Baka kasi nand'yan na naman yung babae na nagtatawag sayo. Nagseselos tuloy ako."

Yiieeee! Kinikilig ako eh. Hindi ko talaga inaasahan na kikiligin ako sa isang taong gaya niya. Na alam kong kaya akong palitin kapag nagsawa na siya. Wala eh, nagmamahal ako.

Tumalikod ako dahil sa hiyang naramdaman ko. Kahit na mag-asawa na kami, ayaw kong malaman niya kung paano ako kiligin.

Naramdaman ko na lang na mayroong yumakap mula sa likuran ko na sigurado akong si Casper iyon dahil kami lang naman ang nandirito.

"Huwag ka ng magselos. Hindi naman kita kayang palitan, Mama. Kahit ilan pa ang lumandi sa akin, hinding hindi na ako titingin sa iba dahil sayo pa lang solve na solve na ako."

Ayan na naman! Nag-iinit na naman yung mukha ko. Bakit ba ang dali kong kiligin kapag sa kanya galing yung mga banat lines? Siguro, dahil sa mahal ko siya kaya kinikilig ako tulad nitong nararamdaman ko ngayon.

Hinarap niya ako sa kanya. Sinapo ng dalawang kamay niya ang mukha ko. Then, our lips met. Ramdam ko ang malalambot niyang labi na tinutukso akong magpagalaw sa kanya ngayon.

Naputol ang halikan moment namin ng tatlong katok mula sa pintuan sa labas ng dressing room ng asawa ko.

Napatitig ako sa pintuan. Yung babae na ba 'to? Yung nagtatawag sa asawa ko kanina? Nakakainis naman eh! Nakakabitin!

Ang sarap kasi ng sexy lips niya. AHAHAHAHA!

"Tara na sa labas, Ma. Baka si Crystal na 'yan. Sinusundo na tayo. Ikaw kasi, nagkipaglandian ka pa sa akin at dito pa talaga ang napili mong lugar para landiin ako ah. Sa mismong dressing room ko pa talaga."

"Ang kapal mo ah. Hiyang hiya naman ako sa mga da-moves mo kanina." tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip sa harapan niya.

Naglakad na ako palabas. Sinigurado kong walang tao bago ko pinalabas ng dressing room si Casper. Binilisan na naming maglakad. Noong hinihingal na ako, binuhat na niya ako hanggang makarating na kami sa p'westo namin kanina.

Sabi ko na nga ba, nakalukot ang mga mukha nilang nakatitig sa amin ngayon. Tinitignan kami pataas-pababa. Para bang sinusuri kaming mabuti.

"Hoy! Ano ba?! Ano? Tititigan niyo na lang kami gano'n?" sigaw ko sa kanila kaya napakurap-kurap sila ng mata. Siguro ng dahil sa gulat.

"Saan kayo nanggaling?" - Crystal

"Bakit ang tagal niyo?" - Hans

"Ano ba'ng meron sa loob at natagalan kayo ng sobra? Masikip ba bra mo Colleen kaya natagalan ka magbihis? O baka naman may ginawa na kayong kababalaghan sa loob ng mga dressing rooms niyo kaya natagalan kayo." - Honey

"Nagbihis lang ba talaga kayo?" - Elvis

Ano bang mga pinagsasabi ng mga ito? Curious lang ba talaga sila o gusto lang nilang malaman yung 'privacy of newly wed' namin ni Casper.

"Ano bang mga pinagsasasabi ninyo? Mga judgmental. Nakakaloka kayo ah. Kung anu-anong mga pumapasok sa mga utak ninyo. Linisin niyo nga mga nasa utak niyong madudumi. Kakadiri kayo." saad ko saka sila iniwan.

Alam kong sumunod rin sa akin si Casper kasi, naririnig ko yung bawat padyak niya. Hinayaan ko lang siya na sundan ako. Wala namang mawawal kung palagi siyang nasa tabi ko eh.

"Huy! Colleen! Saan ka pupunta?" sigaw ni Crystal pero hindi ko siya pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Naisipan ko kasing pumunta sa table nila Mommy. Nandoon kasi si Ate Patricia. May ipapagawa lang ako na napakaimportanteng gawain.

"Hi, Colleen! Congratulation! Sana hindi ka pagsawaan ng pinsan naming babaero. Ahahahaha!" bati ng ibang mga pinsan nitong si Casper saka tumawa. Kaya natawa na rin ang iba nitong mga kasama.

Natawa naman ako ng bahagya. Siguro nakita ni Casper yung ginawa ko. Kaya nagulat ako nang bigla niya akong ipaharap sa kanya.
"Are you laughing, Mama?"

Kahit na natatawa na ako sa naging reaksyon niya, pinilit ko pa ring hindi matawa. Baka isipin niya, ipinapahiya ko siya. At saka baka magtampo bigla. Mahirap na. Baka hindi ako kausapin.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "No, I'm not." simpleng sagot ko saka siya nginitian.

"Okay?" nakakunot ang noo siyang tumugon.

Tinalikuran ko na siya at nag-umpisa ng maglakad papunta sa table nila Ate Patricia.

"W-wait! Hintayin mo ako, Mama! Sandali! Huy!" sigaw niya pero hindi ko na lang pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Ang bagal niya kasing maglakad. 'Yan tuloy, napag-iiwanan.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon