26

514 28 1
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Nandito ako ngayon sa bahay. Kasama ko ang Mommy at Daddy ko. Kagagaling lang nila kahapon sa ibang bansa dahil sa isang malaking pagpupulong. May malaki project daw kasi silang gagawin.

"Anak, saan ka ba nagpupupunta nitong mga nakaraang araw? Sabi nila, nawawala ka kaya pinahanap ka namin sa mga tauhan ng Daddy mo." saad ng Mommy ko na nasa tabi ko ngayon sa sofa dito sa living room.

"Mommy, kapag sinabi ko po kasi sa inyo baka pilitin niyo lang ako na ipakasal that time sa anak ni Tito Julius." mahinahon kong sagot saka nginitian si Mommy.

"Buti na lang at na-track ka kaagad ni Patricia. Nasa isla ka pala. Kaya hindi na kami nag-alala pa." oh! Ang may mala-tomboy na kilos kong pinsan.

Mahilig mag track ng location ang babaeng iyon. Kaya niya akong i-track gamit ang dalawa niyang device. Nakalimutan ko yung name ng dalawang iyon. Basta, iyon ang mga paborito niyang dinadala kahit na saan man kami magtungo noong nasa elementarya pa lang kami.

Saglit kaming natahimik na binasag ni Mommy kinalaunan.

"Alam kong naguguluhan ka pa that tine kaya hinayaan ka muna namin ng Daddy mo na makapagisip-isip. Hindi ka na namin muli pang ginambala. Kaya napagpasyahan naming hintayin ka na lang na kusang bumalik at umuwi dito kaysa pilitin. Baka magalit ka pa sa amin ng Daddy mo." nagpapasalamat talaga ako dahil sila ang mga naging magulang ko kahit na hindi sila gaanong nakakapunta sa mga program sa school kasama ako.

"Thanks, Mom." sabi ko saka siya niyakap. Niyakap ko rin si Daddy na kanina pa busy na nagbabasa ng iba't ibang article sa dyaryo habang paunti-unti niyang hinihigop ang kape niya.

"Basta para sa ikakasaya mong pasya, anak. Suportado kami ng Daddy mo." ani Mommy saka tumabi sa amin at nakiyakap na rin.

* * *

Nagpahanda ng salo-salo ang pamilya ko para sa pag-uusapang paghahanda muli sa kasal na gaganapin. Dahil balita ko, kinausap na rin ni Ken ang Daddy niya na pumapayag na siya.

Hapunan ng napag-usapan na magkikita rito sa bahay ang pamilya ko at ang pamilya ng magiging groom.

Ilang minuto ang mga nakalilipas, may narinig na akong mga ugong ng sasakyan sa labas. Nasa kwarto kasi ako ngayon. Sumilip ako sa bintana at tama nga ang hinala ko na nandito na sila.

Nag-stay lang ako sa loob ng kwarto ko hanggang sa may pumasok na isang katulong namin dito. Pinapatawag na raw ako nila Mommy. Kaya agad akong nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili ko.

///

Casper's POV

---

Pagkababa ko ng sasakyan, kaagad kong tinanong sa isang katulong nila Alex kung nasaan ang kwarto niya. Gusto ko kasing ako ang susundo sa kanya at aayang kumain.

Hindi ko binilisan ang lakad ko papunta sa kwarto niya. Pinagmamasdan ko ang mga litrato na nasa pader. Hanggang sa may nag-iisang litratong nakakuha ng buo kong atensyon.

Ang litrato ko... kasama ang kababata ko? Bakit nandito 'to?

Kinuha ko iyon sa pagkakasabit at tinitigan ng maigi. Kinuha ko ang isang piraso na katulad ng hawak ko ngayong litrato sa wallet ko.

Magkaparehong-magkapareho! Walang nabago.

Hindi kaya...

TOK TOK TOK TOK..

May paparating mula sa itaas! Kailangan kong magtago. Pero.. wala naman akong mapagtataguan kaya..huwag na lang. Tinitigan ko na lang ang nasa larawan.

"Ken." napalingon ako sa nagtawag. Nakita niya ang hawak ko at agad itong hinablot mula sa akin.

"Anong ginagawa mo sa picture namin ng childhood crush ko? May balak ka 'noh?" nakakunot noo niyang sabi.

Napangisi na lamang ako sa narinig ko. Crush? Nananaginip ba ako? Kung panaginip ito, ayaw ko ng magising pa.

"Anong nginingisi-ngisi mo d'yan?" takang tanong niya kaya inilingan ko siya saka nginitian.

"So, ikaw iyan? K-kasama ko?" nagtataka kong tanong sa kanya. Mas lalo pang kumunot ang noo niya ng dahil sa binanggit ko.

"Ikaw?!" tinignan niya muli ang larawan saka ibinalik sa akin ang kanyang tingin. "Neth-neth? Ikaw si Neth?" nanlaki ang mga mata ko sa binaggit niyang pangalan.

Throwback...

Palayaw ko noong bata pa ako ang "Neth-neth" na galing sa Kenneth na nasa kabuuang pangalan ko.

Isa akong batang marusing, walang makain at kaawa-awa noon. Nagkakasakit na noon si Mommy. Naibenta na ang malawak na sakahan at pati ang negosyo namin na dapat ay malago na. Naipunta ang lahat ng ibinayad sa pagpapagamot ng Mommy ko hanggang sa pumanaw na nga siya ng tuluyan.

Humanap ng matitirhan ang Daddy ko pero walang may gustong patuluyin kami. Kaya sa kalsada kami natutulog that time. Nahinto rin ako sa pag-aaral. Naghanap ng trabaho ang Daddy ko.

Hanggang sa mapadpad siya sa Pamilya Eleazar. One time, isinama ako ni Daddy. Nakita ako ng Mommy at Daddy ni Ethel. Tinanong nila kung nag-aaral pa ba ako. Siyempre, sinabi ko yung totoong hindi na.

Inalok nila akong mag-aral. Pag-aaralan daw nila ako. Pero ang tanging kapalit ay sa kanila na ako titira at ipapakasal nila ako sa nag-iisa nilang anak.

At iyon nga ay si Ethel.

Tumanggi ako pati si Daddy. Kaya napagkasunduan na lang nila na hindi na ako titira doon at bibigyan na lang kami sarili naming bahay at sarili ulit na lupain.

Binigyan rin ng puhunan si Daddy ni Tito Christian para sa sisimulan ulit naming negosyo. Kaya laking pasasalamat namin sa kanila.

Noong balak na naming bayaran ang mga utang namin sa pamilya nila, tinanggihan nila ito. May naging kasunduan ulit sila na hindi ko nalaman dahil ibinulong lang ni Tito Christian kay Daddy ang lahat kaya wala akong naging kaalam-alam na ipapakasal pala ako sa anak nila.

Once lang kami nagkita ni Ethel. Christmas noon. Napagpasyahan ni Daddy at Tito Christian na magkaroon kami ng salo-salo para sa Noche Buena. I'm only fifteen years old that time. Tinanong ko kung ilang taon siya. She's already fourteen years old. Tama kayo, isang taon lang ang tanda ko sa kanya.

Ang tanging pagkakakilala ko lang sa kanya noon ay isang matabang cute na babaeng maliit na mahilig sa books.

Makalipas ang tatlong taon na hindi kami nagkita dahil balita ko'y lumipad sila patungong Pyongyang, North Korea para doon pag-aralin si Ethel. May ipinaabot kay Tatay na sulat yung lalake na para raw sa akin. Binasa ko iyon. Ito'y galing kay Ethel mismo.

Nalungkot ako sa nabalitaan ko. Si Ethel ay nagkaroon na ng taning ang buhay. May posibilidad na mawala na siya sa mundong ito. Ibinilin niya sa akin na magpakabait at magsikap raw ako para sa aming dalawa ni Daddy na tinupad ko naman.

Magmula noon, wala na akong naging balita pa sa kanya. Ni sulat wala ng dumarating. Ni tawag mula kay Ethel wala na. Kaya inakala kong kinalimutan na niya ako.

Sinubukan ko siyang kalimutan. At iyon nga ang naging resulta. Naging babaero ako. Pero..wala talaga eh. Siya ang laman ng puso't isip ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero siya lang talaga.

End of throwback...

* * *

Back to reality...

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon