° ° °
Hans' POV---
Tama ba na sasabihin ko muna kina Casper na may gusto na akong babae? Na kaya kong magbago para lang magustuhan niya rin ako?
"Hans, are you okay? Mukhang namumutla ka kasi." napaigtad ako dahil sa isinaad ni Colleen at nagising sa katotohanang kaharap ko na pala ang mga taong pagsasabihan ko.
I smiled. "I-i'm okay. Don't mind me." simpleng sagot ko.
"Ahmm.. direct to the point na tayo ah? Ano nga pala yung sasabihin mo sa amin. Mukhang kainti-intirisado kasi." pang-iiba ng usapan ni Colleen.
"Yah, at siguraduhin mo rin na may sence 'yang sasabihin mo." sabat naman nitong si Casper.
Ayan na yung feeling na gusto ko ng sabihin pero ayaw lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko ngayon ang takot na baka asarin ako ng mga ito kapag nalaman nila.
"Ahmm... Gusto ko lang sabihin sa inyo na may.. nagugustuhan na akong babae."
Nanlaki ang mga mata nila. Kapag kuwan ay nginitian nila ako.
"Good to know." - Casper
"I'm happy for you. Teka, alam na ba niya?" - Colleen
Napayuko ako. "Hindi pa eh. Natatakot akong ma-reject."
Natawa bigla si Casper. "Dapat lang na matakot ka dahil sigurado akong hindi ka niya magugustuhan."
"Dada!" saway nitong asawa niya.
"Ano? Totoo naman ah." sumbat niya.
Hindi ko napigilan yung sarili kong magsalita. Dahil ang sakit naman kasi ng sinabi niya. Ipinapamukha naman na niya sa akin na hindi ko na kaya pang magbago.
"Casper, kaya ko rin namang magbago gaya mo. Hindi ba't dati ka ng naging playboy? Kaya ko rin naman naman magbago kung ayaw niya ang pagiging lasinggero ko ah."
"Sana lang naman, huwag mo namang maliitin yung pagkatao ko. Dahil noong nagbago ka, minaliit ba kita? Hindi naman 'di ba? Sinuportahan pa nga kita. Sana ako rin naman magawa mong suportahan ngayong kailangan naman kita. Kahit bilang matalik ko lang na kaibigan." dugtong ko saka tumayo na sa kinauupuan ko at umalis na palabas.
Naisipan kong pumunta kila Elvis. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang masabi at ipagmalaki na karapat-dapat akong maging boyfriend ng minamahal ko nang dahil sa bisyo ko.
"Bro, anong naisipan mo at pumunta ka dito sa bahay?" bungad niya nang makapasok na ako sa bahay nila.
"Wala, gusto ko lang na makita ka. Namimiss kasi kita, bro." kabaliwan na naman ang umandar sa akin.
"Baliw. Ano nga? Wait, tatawagan ko si Casper--"
Hinablot ko yung phone niya ng mailabas niya iyon sa bulsa niya. "Huwag na. Baka makagulo pa tayo sa kanya."
Kumunot ang noo niyang tumitig sa akin. "Teka, nag-away ba kayo?" tanong nito.
Nalukot ang mukha ko at napayuko na lamang. "Hindi ko alam sa lalakeng 'yon. Pabayaan na lang na'tin siya." tugon ko.
"Hay na'ko, ewan ko sa inyong dalawa. Ayusin niyo 'yang problema niyo. Para kayong mga bata." napakamot siya ng ulo.
"Inom tayo ng red wine." suggest ko.
Umiling siya. "Ayaw ni Honey na umiinom ako ng alak. Kaya, ayaw ko ng uminom. Baka magalit siya sa akin."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla. "Ano? K-kayo ni Honey?" takang tanong ko habang dinuduro-duro siya.
"Oo, matagal na." proud niyang sagot sabay nanlaki ang mga mata niya at napatakip ng bibig.
"As in matagal na kayong magkasintahan?"
"Hindi."
"Eh ano?"
"Matagal ko na siyang pinapangarap."
"G*go."
"Eh ikaw? Wala ka pa ba'ng jowa?"
"Meron na." mahina kong sagot.
"Huh? Sino? Bakit hindi ko alam?"
"G*go! Bakit? Nagtanong ka ba?" sarkastikong tugon ko.
"Sino ba kasi? Yung sa akin, alam mo na. Dapat kailangan sabihin mo rin kung Sinong gusto mo para patas tayo." anito.
"Si Crystal lang naman yung jowa ko." mahina kong sagot.
"Jowa mo na nga ba talaga?"
"Oo. Jowa ko na siya."
"Huh? Kailan pa? Tsaka saan ka niya sinagot?"
"..sa panaginip."
"Huh?" nalilito niyang tugon.
Tinitigan ko siya. "Kami na sa panaginip."
Isang malakas na sapok ang natamo ko nang maisagot ko iyon.
"Aray! Ba't mo ako sinapok?!" reklamo ko.
"Ang yabang mo! Ikaw rin naman pala hindi mo masabi yung nararamdaman mo kay Crystal. Kapal mo." sabi nito.
"Anyway, kailan mo balak umamin?" pang-iiba ko ng usapan.
"Bago mo ako tanungin ng gan'yan, itanong mo muna sa sarili mo yung itinanong mo sa'kin." sagot nito.
Ako naman itong si t*nga, ginawa ang sinabi niya. Tuloy, sinapok na naman ako ng g*gong 'to. 'Di ba? T*nga lang.
"Bobo!" sigaw niya sa'kin.
"Mas bobo ka! Hindi mo nga din maamin na patay na patay ka na kay Honey eh!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Tsk! Ewan ko sayo. D'yan ka na ngang ungas ka. Matutulog na ako! Lumayas ka na dito sa bahay!" bulyaw niya.
Natawa na lamang ako ng palihim dahil sa inasal niya. Naiinis ang walang hiya. Tsk. Makaalis na nga dito.
///
Elvis' POV
---
Nasa kwarto ako ngayon. Nakahiga sa kama. Buti na lang at wala na ang bulabog na si Hans. Ngayon, I'm free to contact my future wife. 'Yon ay kung sasagutin niya ba ako o hindi. Nakakakaba rin yung ganito.
Ringing...
Ilang sandali lang ang nakalilipas, sinagot na ang tawag ko. Nakaramdam ako ng kaba. Nauutal akong nagsalita.
"H-hello? Honey?" panimula ko.
["Hey."] malabing niyang sagot mula sa kabilang linya.
Parang mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa inasal niya. Ano na ba'ng kailangan kong gawin? Aamin na ba ako para si Hans na lang ang maiiwang kawawang aamin kay Crystal. Tsaka para na rin sa ikakatahimik ng puso at isip ko. Bahala na nga.
"May sasabihin kasi akong dapat matagal ko ng sinabi ko sayo..."
["A-ano 'yon? Siguraduhin mong hindi kalokohan 'yan ah."]
"Oo naman."
["So, anong nga 'yon?"]
Pumikit ako bago binanggit ang dalawang salitang kinakatakot kong sabihin dati. Pero ngayon, kahit na anong maging results nitong pasta ko, okay lang 'yon. Atleast, maipagmamayabang ko na nakaamin ako sa taong gusto ko.
"Honey, makinig ka'ng mabuti ah."
["Anong nga 'yon? May pa-intense, intense ka pang nalalaman. Sabihin mo na kasi kaagad. Bahala ka, baka magbago pa isip kong pakinggan 'yan."]
Mariin akong pumikit. "Gusto kita, Honey... Gusto kita." at sa wakas, lumabas rin sa bibig ko ang mga salitang pinakainiingat-ingatan ko noon na mabigkas sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...