° ° °
Casper's POV
---
"Ano ba?! Dalian niyo naman! Maggagabi na oh! Nilalamig na ako!" sigaw ko sa mga taong kasama ko dito sa bangkang pinagsasakyan ko.
Nagpapahanap kasi ako ng isla dito na madalang lang puntahan ng mga tao. May alam naman daw sila pero ang alam nila, nakasardo daw yung buong isla na iyon. Ipinasarado daw ng may-ari.
Gusto ko kasing makapag-isip-isip muna. Kailangan kong gumawa ng aksyon para hindi matuloy ang kasal. Kahit na ba ang kapalit niyon ay ang muling pag-angat ng aming negosyo.
Nakarating kami sa islang nakasarado na sinasabi nila. Tama nga na walang katao-tao. Pero may isa akong nakitang nandoon. Babae siya. Matangkad at maputi. Nalingon niya ang bangka namin kaya patakbo siyang lumapit sa amin.
"Anong ginagawa niyo di--..ikaw na naman?!"
Napakunot ako ng noo. Anong ginagawa nito sa islang ito? Bakit siya nandito?
"Bakit ka nandito? Ang akala ko ba sarado ang islang 'to?" nagtataka kong tanong sabay baba sa bangka dala-dala ang puting towel ko na siyang ipinambalot ko sa katawan ko. Naka long sleeve polo shirt kasi ako ng manipis kaya nilalamig pa rin ako.
"Nandito ako dahil ako lang naman ang may-ari ng islang ito. Iniregalo sa akin nila Daddy noong isang taon na nagkaroon ako ng honor sa school with an average of 99.65, sa overall na 'yan ah." ang yabang naman nito.
"Tsk! Hindi ako naniniwala sayo. Umalis ka nga diyan at papasok ako." itinulak ko siya pero nagulat na lang ako nang may biglang bumitbit sa akin na dalawang lalakeng matatangkad at may malalaking katawan.
Tumingin ako sa babaeng mayabang na 'to saka kinunutan ng noo. "S-sino sila?! Bakit ayaw nila akong papasukin?!"
Nginisian niya lang ako. "Boys? Iwan niyo na lang siya d'yan then back to your works." utos nito sa mga lalake na sumunod naman kaagad. Inilapag ako sa bangka saka umalis.
Bwisit! Siya nga ang may-ari! Nakakainis naman!
///
Colleen's POV
---
Hinayaan ko na sila doon. Eh sa sarado nga ang isla ko para sa mga bisita at mga BWISITA na tulad niya. Ako nga lang dapat ang nandito.
Paakyat na sana ako nang makita ko siyang nakaupo lang sa loob ng bangka at nilalamig. Biglang umandar tuloy ang pagiging maawain ko kaya binalikan ko sila.
"Alam niyo? Kung hindi ko lang sana sagot ang kaligtasan at kalusugan ng kasama niyo, hindi ko kayo papayagan na umapak sa teritoryo ko eh. Kaso, kilala ko 'yan at magagalit sa akin si Daddy at Tito Julius kapag pinabayaan ko 'yang lalakeng iyan." kalmado kong sabi sa kanila maliban sa--...
"Salamat naman at concern ka sa akin--" maliban nga sa kanya.
Inirapan ko siya. "FYI.. Hindi ako concern sayo. Concern ako sa health mo lang at sa kaligtasan ng mga kasama mo. Ang feeling mo! Letse ka!" iniwan ko na sila doon. Bwisit talaga ang hinayupak!
Pinayagan ko na sila, kaya makakapagmumi-muni na ako sa ibang parts ng bahay ko. Huwag lang sa labas dahil sigurado akong doon sila tatambay. Magkukulong na lang ako.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng isang bowl ng chocolate cupcakes ko na nasa fridge.
Pupunta muna ako sa balcony. Doon muna ako habang kinakain ang cupcakes ko at iniinom ang kakatimpla ko lang na hot chocolate-milk drink na paborito ko.
Nang natapos na akong ubusin ang lahat ng mga iyon, napag-isip-isip ko na dapat ay hindi ako umiwas sa kanila. Isla ko ito. May karapatan akong paalisin sila at kasuhan kapag may ginawa silang hindi maganda.
Bumaba ako at pumunta sa labas. Umupo ako sa buhanginan. May bonfire pero walang katao-tao. Mukhang kakaalis lang ng mga taong nandito kanina. Buti na lang talaga at wala sila dito. Masosolo ko ng bawat sandali.
"Hi!" nagulat ako nang may tumawag sa akin. Napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Hey.." sabi nito ulit na nagpakunot sa noo ko.
"Ikaw na namang lalake ka?! Talagang hindi mo ba ako titigilan?! Kita mong gusto kong mapag-isa. Kaya pwede ba, umalis ka na lang sa harapan ko?!" utos ko sa kanya na hindi niya sinunod. Nginitian niya lang ako na siyang mas lalong ikinainis ko.
Umupo siya sa tabi ko. "Alam mo? Wala naman na tayong magagawa kahit na palayasin mo ako dito o hindi. Mukhang hindi naman na talaga magbabago ang mga desisyon ng mga magulang na'tin na ipakasal ka sa akin." iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Ayaw ko ng makipag-away sayo. Gusto kong makilala ang mapapangasawa ko. I want to be your friend." dugtong nito.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Nahihibang ka na ba? Ako? Makikipagkaibigan sayo? Tsk! No way!" hirit ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Kanina pa kasi siya nakatitig sa akin habang nakangiti. Hindi naman nakakatuwa. Ang creepy!
Ilang minutong katahimikan ang lumukob sa amin na binasag naman niya ng isang hindi ko inaasahang linyang sasabihin niya.
"Mas maganda at cute ka pala sa malapitan." saad nito sabay tayo at alis sa tabi ko.
Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko na siyang ikinairita ko. Hindi kasi ako sanay na nasasabihan ng gano'n ng mga lalake na kasing edad ko lang.
Ano ba, Colleen?! Huwag ka ngang kiligin sa lalaking yan! Babaero 'yan. Babaero siya kahit na gwapo! Kaya hindi kayo bagay kasi perfect-good girl ka. Kaya kalimutan mo na yung sinabi niya.
Pero, hindi ko mapigilan itong sarili ko na kiligin. Eh anong magagawa ko kung ito yung nararamdaman ko ngayon? Pssh.
Tsaka ngayon ko lang na-realize na may tinatago rin pala siyang bait na ngayon ko lang nakita at nalaman. Eh naging judgemental kasi ako masyado. I-jinudge ko kasi siya agad dahil nga sa pagiging babaero niya. Pero mali naman pala ako. Mabait naman pala siyang tao na never niya pang ipinakita sa iba. Na ang tanging nakakaalam lang ay ang parents niya at ang mga malalapit niyang kaibigan.
Pumasok na ako ng bahay nang makaramdam ako ng lamig. Baka sipunin pa ako kapag nag-stay pa ako sa dito sa labas.
Nang makapasok na ako, may nakita akong isang bouquet of red roses na nasa sofa sa may sala. Kanino naman galing ito?
Nilapitan ko yung bulaklak para malaman kung kanino ito galing. At awtomatikong nanliit ang nga mata ko nang malaman ko kung kanino ito nanggaling.
"Yaya? Pwede bang pakitapon ito sa basurahan? At siguraduhin mong hindi ko na 'yan makikita bukas or else, no salary for three months. Is that clear?"
"Yes, Ma'am Colleen."
She's Yaya.. Oh my gosh. I've forgot her name! Basta, she's one of my Yaya's here. Yung isa nagbakasyon sa province nila kaya wala siya dito. And yes, dalawa lang silang katulong ko. Bakit ba? Eh sa tumutulong naman ako sa mga gawain dito.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...