° ° °
Colleen's POV
---
Nasa ilalim ako ng isang puno dito sa likod ng school. Vacant naman namin mamaya after recess so pwede akong tumambay dito ng isang oras.
Dinala ko dito yung favorite book ko para magbasa muna habang walang akong klase. Busy rin kasi yung dalawang bestfriend ko doon sa library. Nagbabasa rin malamang. Eh mahilig rin kasing magbasa yung mga yun kagaya ko, book lover. Pero hindi tulad ko na pati sa pagtulog katabi ang libro. Sila, magbabasa lang sila sa tuwing nasa mood silang magbasa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa when I heard something from somewhere malapit dito sa kinalalagyan ko ngayon.
A cute voice na may kasabay na tugtog ng gitara! Iyan ang naririnig ko.
Sinundan ko yung boses at yung tunog ng gitara na mula sa kung saan man. At nagulat na lang ako sa aking nalaman.
Kumakanta pala yung lalaking yun? Ang akala ko pagpapa-cute lang ang alam niya. Tsk! He amazed me a lot sa ginawa niya.
Nagtago ako sa isang puno para masubaybayan ang pagkanta niya nang bigla siyang huminto sa pagtugtog at pagkanta na siyang ikinataka ko.
"I know someone starring at me while I'm playing my guitar. Who are you?" anito na siyang ikinagulat ko.
Teka? Nakapagtago naman ako ng maigi sa pagkaalam ko ah. Pero paano niya nalaman na mayroong tao dito? Hmm..
"Hey! I know that you are still there. What do you want from me? Money? Clothes? Foods for your family? What?"
Huh?! Parang ang OA naman yata nun. Porket may nanonood sayo ng patago, may kailangan agad? Hindi ba pwedeng nagustuhan lang yung pagkanta mo? Psh! Sa bagay, ganyan naman talaga kayo, takot sa mga holduper na mahihirap lang naman ang buhay.
***
Casper's POV
---
I know that guy is still here, starring at me right now!
"Hey!"
Napansin kong may gumagalaw sa may malaking puno na malapit lang sa kinauupuan ko ngayon sa isang ilalim ng puno.
Lumapit ako sa punong iyon at laking gulat ko nang makita kung sino ang nasa likod ng puno.
"You?!"
Hindi ko inaasahan na ang babaeng gusto ko pala ang kanina pa nanonood sa akin kaninang gumigitara ako habang kumakanta.
"A--ahhmm.. Let me explain why I'm here. Okay? Ahm..." mukhang hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag kung bakit nandito siya sa teritoryo ko.
"Huwag mo ng pag-isipan 'yang kasinungalingan mo. Aminin mo na lang kasi na may gusto ka sa akin. Nahihiya ka lang na aminin dahil ang daming girls na maiinggit sayo at magagalit sayo." siyempre hindi ko ipapahalata na gusto ko siya. Nakakahiya kayang umamin 'noh. Wala pa sa tamang oras para umamin ako. Ewan ko ba! Sa kanya lang naman ako nagiging ganito.
"Alam mo, hindi ka rin pala playboy 'noh? Feelingero ka rin. At.. ang yabang mo pa! Ang hangin mo rin! D'yan ka na nga!" Tss! Iniwan na lang ako ng hindi man lang nagpakilala. T'saka siya pa talaga ang galit ah? Siya na nga yung nakikinood kanina. Ayaw pa kasing aminin na gusto niya rin ako. Hahaha! Mga babae nga naman.
Nakangiti akong bumalik sa kinauupuan ko kanina sa ilalim ng isang puno dito. Vacant namin ng dalawang subject so, I'm free... now. Sayang nga eh. Hindi ko siya kaklase. Subukan ko ngang magpalipat baka sakaling payagan ako.
***
Colleen's POV
---
Bwisit talaga yung lalaking 'yon! Ako? May gusto sa kanya? Ano ako? Timang? Na maiinlove sa isang tao kahit kailan hindi nagtagal ang bawat relasyon na nagkaroon siya noon?
"Oh? Bakit parang pang Biyernes Santo na naman 'yang mukha mo?" bungad sa akin nitong si Crystal.
Nandito na ako sa classroom. Hindi ko na i-nenjoy pa yung moment doon sa likod ng school. Naiinis kasi ako sa lalakeng nandoon kaya dumiretso na ako dito.
"Wala 'to." walang emosyon kong sagot.
Tumabi si Honey sa akin. "Akala ko ba okay ka na? Bakit parang namatayan ka na naman?"
Nilingon ko si Honey at Crystal. "Naiinis ako ih! Bwisit!"
Nakakunot na napatitig yung dalawa. " Huh?! Anong pinagsasasabi mo?! Hindi ka namin maintindihan." reklamo ni Crystal. "Oo nga. Bakit ka ba naiinis? At sinong kinaiinisan mo?" dugtong naman ni Honey.
"Kilala niyo naman siguro yung lalaking bagong lipat hindi ba?" tumango sila sa itinanong ko.
"Ang hangin rin pala nun 'noh?" nakita kong nagtinginan sila bago ibinalik sa akin ang tingin.
"Bakit? Ano bang sinabi niya?"
"Ang feeling niya! Sinabi niya ba naman na may gusto raw ako sa kanya kahit na wala naman." naiinis kong sagot kay Crystal.
"Ayiie! Baka meron nga naman siguro. Hindi mo nga lang maamin sa amin. Hihihi!" punyemes talaga 'tong si Crystal. Naiinis na nga lang ako, iniinis pa ako lalo.
"O baka naman ayaw niyang sabihin dahil natatakot siyang malaman natin at baka tuksuhin natin siya. Ayiee!" walang'ya! Bakit ba naging kaibigan ko pa ang mga 'to? Iniinis pa ako lalo eh! Baka gusto nilang itiklop ko sila sa limampu? Hahaha! Sigempre joke lang yun 'noh. Mahal na mahal ko ang mga hinayupak na 'yan kahit ganyan sila.
"Ano ba? Hinding hindi ako mahuhulog sa gaya niyang lalake 'noh. Playboy siya at goodgirl ako kaya hindi kami pwede. Ayaw kong ma-inlove sa gaya niyang sasaktan lang ako sa huli." tsk! Hinding-hindi talaga!
"Weh? Alalahanin mo, Colleen. Huwag kang magsalita ng patapos. Baka once na mahulog ka sa kanya, lunukin mo iyang mga sinabi mo." ito namang Crystal na 'to! Kontra na naman! Kaibigan ko ba talaga 'to? Haysst!
"Pfft! Kung ma-iinlove man ako, ang gusto ko yung hindi katulad niya na babaero. Tsaka malay ba natin kung virgin pa lips no'n o hindi na." sabi ko saka sila tinalikuran at nangalumbaba na lamang sa arm ng armchair ko.
"Tsk! Ang arte mo, girl." reklamo nitong si Crystal. Kala mo naman hindi maarte itong babaeng 'to. Eh pare-parehas naman kami. Pfft!
Habang wala pang teacher, pumunta muna ako sa library. Hindi para magpampalipas ng oras, kundi mag-rereview para sa next lesson sa next class namin mamaya. Sinabi kasi sa amin yung magiging lesson. Kaya baka magbigay ng suprise quiz mamaya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...