° ° °
Colleen's POV
---
Nandito kami ngayon sa sarili naming coffee shop kasama ko ang parents ko. Pinag-uusapan kasi namin yung tungkol sa kasal na magaganap. Pinipilit kasi ako ng Mommy ko na pumayag na bongga yung kasal. Eh ayaw ko naman.
"Pero, Mommy..."
"Anak..." ang kulit naman ng Mommy ko! Haysst! Kainis!
"Hmp! Bakit ba ninyo kinokontra yung desisyon ko?"
"Dahil gusto naming maging maayos ang magiging kasal mo. Ayaw namin ng ganun-ganun lang na kasal."
Mommy talaga! Bakit pa kasi kailangan na kailangang bongga? Eh hindi ko nga kilala yung pakakasalan ko ih.
"Mom, gastos lang 'yon."
"Hindi, anak. Basta para sa ikabubuti mo at ng magiging pamilya ninyo in the future, okay lang na gumastos ng malaki. Eh aanhin mo yung pera namin ng Dad mo na 500Q (Five hundred Quadrillion) kung pangit rin naman ang magiging kasal ninyo."
"Kaya, Colleen... Pumayag ka na sa gusto namin ng Dad mo na maging bongga ang kasal ninyo. Isipin mo, anak.. This is a big event of our family. Kapag nalaman ng ibang kalaban na simple lang ang kasal mo, iisipin nila na nalulugi na ang kompanya natin. Kaya sana, pumayag ka na.. Please?"
I let out a deep breath. "Fine, Mom. Bongga na para sa ikatatahimik niyo."
My Mom hugged me tightly. "Thanks, anak." bumitiw siya sa pagkakayakap. "Don't worry. Ipapahanda ko na ang lahat ng mga kailangan mo para sa kasal. Ang reception, gown at lahat-lahat na."
That's my Mom! Kahit na hindi niya ako natututukan, maasikaso naman siya at maalalahanin pagdating sa akin. Kaya sobrang love ko silang dalawa ng Dad ko. I'm so proud dahil sila ang naging mga magulang ko.
"So, kailan o gaganapin?" tanong ko.
"Sa isang Saturday na siya, anak. I hope ikaw ang magiging pinakamaganda if that day will come. Thursday pa lang naman kaya makakapaghanda ka pa." masayang sagot ng Mom ko. Pilit na lang akong ngumiti para hindi mapansin na naiinis talaga ako.
"Ahmm.. Mom, Dad? Mauuna na po ako ah. May pasok pa po kasi ako eh." pagpapaalam ko sa kanila. Pumayag naman sila.
Nauna na akong umalis sa kanila. Aasikasuhin pa raw nila yung ibang mga gawain nila tungkol dito sa coffee shop naming sarili at sa restaurant namin.
Nakarating ako sa bahay naming tatlo na walang ka-tao-tao. Nasaan ba ang mga bruhang 'yon? Pinagtitripan na naman ba nila ako? Pssh!
"Crystal? Honey? Nasaan kayo? Pinagtitripan niyo ba na naman ako?" sigaw ko pero wala akong narinig na sagot.
Baka nasa school na sila. Sana tama ako ng hinala. Sana nandoon nga sila.
Dumating ako sa school ng maaga-aga. Pumasok ako kaagad sa classroom pero wala ako ni anino ng dalawa na nakita. Nasaan na kaya sila?
Hinanap ko sila sa buong campus pero hindi ko sila nakita. At dito na ako simulang kabahan. Hindi ko alam kung saaang lupalop nagpunta yung dalawa.
Tinawagan ko sila pero ring lang ng ring. Saan na nam ba sila nagpunta? Nag-aalala na ako.
Patuloy ko silang tinatawagan hanggang sa huling tawag ko kay Honey sa wakas, sumagot na rin siya.
"Nasaan na ba kayo? Bakit hindi kayo pumasok ng school? Balak niyo ba akong patayin sa kaba at takot?" sunod-sunod kong bungad sa kanila.
["Gusto mo bang malaman kung bakit?"] kalmado niyang saad.
"Oo naman 'noh." badtrip kong sagot.
["I-tetext ko na lang kung nasaan kami ngayon. Okay? Huwag ka ng mag-alala. Nasa maayos kaming kalagayan."]
"Hayy... Mabuti naman kung ganon. Sige, text mo na para mapuntahan ko na kayo."
Pinatay na kaagad ni Honey yung tawag at muling tumunig ang phone ko. Nangangahulugang naisend na yung text message niya.
Dali-dali ko itong binuksan. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.
From: Honey
" - We're here.. Sa bahay ng bestfriend mo kung naaalala mo pa yung bahay nila nandito kami maghapon. Dalian mo, hinihintay ka na niya."
What?!
Si Gab? Nandito na siya? When? Kailan pa siya dumating? I want to know!
Dali-dali akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Pinaharurot ko ito ng mabalis para makapunta ako doon kaagad.
* * *
Nang makarating ako doon sa bahay ng childhood bestfriend ko na si Gab, kaagad akong pumasok sa loob ng bahay niya.
Nakita ako ng butler niya kaya hinarang ako. Hindi ba ako naaalala ng taong 'to? Palibhasa, pakulubot na ang mukha kaya medyo may pagkamalilimutin na.
Dinuro ko ang sarili ko. "Kuya, hindi mo po ba ako naaalala?" I said.
Namilog ang nga mata niya. "Ma'am Ethel, ikaw na po ba 'yan?!" tumango ako. "Opo. Hindi po ba halata sa mukha ko?" pabiro kong saad.
"Hindi po eh. Mas gumanda ka pa po ngayon, Ma'am kaysa noon."
Grabe naman 'to. So, ibig niya bang sabihin medyo pangit pa rin ako noon? Tsk! Iba rin ito eh 'noh.
Si si Kuya Lano. Ang may katandaan ng butler ng childhood bestfriend ko.
Iniba ko na lang yung usapan.
"Ahmm.. Nasaan po yung dalawang babae na mas maliliit sa akin? Nasaan po sila?" tanong ko.
Lumingon-lingon siya sa paligid. "Nasa garden po silang tatlo nila Sir Francis. Tara samahan ko po kayo, Ma'am."
Sinamahan niya ako papunta sa garden. Hindi naman pala malayo sa kunatatayuan ko kanina.
Pagkarating ko doon, naabutan kong nagtaawanan silang tatlo sa isang bench na mahaba na kasya sa limang tao.
"Hoy!" sigaw ko sa dalawa kaya napahinto sila sa pagtawa at lumingon sa likuran kung saan ako nakatayo kasama ang butler ni Gab na nasa bandang kanan ko.
"Hoy!" sigaw ko sa dalawa kaya napahinto sila sa pagtawa at lumingon sa likuran kung saan ako nakatayo kasama ang butler ni Gab na nasa bandang kanan ko.
"Colleen! Nandiyan ka na pala. Halika muna, pagkwentuhan natin yung mga kagagahan mo dati. Hahaha!" natatawang saad nitong si Crystal.
Walang hiya ka talaga Gab! Ikwinento mo pa talaga yung mga walang kwentang bagay na 'yon?! Bwisit ka talaga! Kainis ka! Ggrrr!
Padabog akong lumapit kay Gab at pinagpapalo ko siya. "Ano na naman bang pinagkukwento mo sa kanila?! Nakakahiya!" sigaw ko.
"Aray!--ouch! Tama na, tama na."
"Tsk!"
Pasalamat siya at may natitira pa akong awa para tigilan siya. Nakakainis talaga ito kahit kailan. Hmp!
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...