31

468 27 0
                                    

***

Casper's POV

---

Inaya ako nitong si Audrey sa bahay nila. Hindi ko alam kung anong balak niya. Pero nasisiguro kong masama iyon.

Kilala ko siya. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niyang makuha. Parang ako, gagawin niya ang lahat para lang bumalik lang kami sa dati.

Pero lahat na akitin na niya ako, never na akong magpapaloko pa sa kanya. Saka lang naman siya kumakapit sa mga lalakeng tulad kong mayayaman sa tuwing ginigipit siya.

"Casper, I just want to ask you something," basag niya sa katahimikang bumalot sa amin.

Uminom muna ako sa hinanda niyang juice bago sumagot. "What is it? Dalian mo. May gagawin pa ako," palusot ko kahit na wala naman talaga akong gagawin mamaya.

"Ahm..." tumabi siya sa akin. Nakaupo kasi ako sa gilid ng swimming pool pero hindi nakasawsaw sa tubig ang mga paa ko.

"Sino yung fiancé mo ngayon? I just want to know more about her eh." dugtong niya.

Napatitig ako sa kanya. Parang alam ko na kasi ang magiging plano nito. Kapag nalaman niya, baka gagawa siya ng hindi maganda para hindi na sa akin lumapit si Ethel o mas kilala bilang si Colleen.

"Bakit mo naman siya gustong makilala. At...para saan naman? Para awayin mo siya?"

"Grabe ka naman sa'kin, Casper. Hindi naman. Ano bang masama at parang takot na takot kang makilala ko siya?"

Humarap ako sa kanya. "Kilala kita. Alam kong kapag may bagay ka na gustong gusto mong makuha, gagawin mo lahat para lang mapasakamay mo iyon. Kaya hindi na ako magtataka kung gagawa ka ng paraan para paghiwalayin kami ng fiancé ko."

Umiwas na ako ng tingin. Inubos ko na yung lamang juice sa basi at ibinaba ko na doon. Tumayo na ako. "Kung wala ka ng sasabihing mas importante, pwede bang umalis na ako?"

"If that's what you want." rinig kong tugon niya.

Tumalikod na ako sa kanya. "Thanks n lang sa pa-juice mo." walang emosyon kong sabi. At naglakad na paalis.

Halata sa pagkakasabi niya kanina na nang-aakit na naman siya. Well, I think that is her talent. Ang pang-aakit ng lalake 'pag ginigipit.

Tsk! Hindi na uubra sa akin ang mga ganyan niya. Ang isang tao once na nagloko, forever ng manloloko. Iyan ang pinaniniwalaan ko magmula ng niloko niya ako.

Pumunta na ako sa pinagparkingan ko kanina ng kotse ko saka sumakay doon. Nang makalabas na ako sa main gate ng bahay ni Audrey, pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko.

I checked my wrist watch. It's already nine o'clock in the evening. Kailangan ko ng umuwi sa inuupahan kong condo. Bagong condo. Lumipat kasi ako. Medyo naninibago noong una pero, unti-unti na rin naman na akong nasasanay.

* * *

Colleen's POV

---

Papunta na sana yung tulog ko when my phone rang. Kaya nainis ako bigla. Sino ba naman kasi ang magbabalak na tawagan ako ngayong dis oras na ng gabi?

Wala naman akong boyfriend na maggu-goodnight sa akin. Fiancé sa papel oo, meron pa. Tapos mga friends ko naman, naggu-goodnight bago ako matulog pero harapan nila ginagawa 'yon.

Kaya nakakapagtaka na may ligaw na tawag mula sa kung sino mang nilalang.

Nakarindi na kaya sinagot ko na lang. Nagulat ako nang bigla niya akong sigawan sa kabilang linya.

["Hoy! Bakit hindi mo sinagot kaagad? Ito talagang babaeng 'to. Nagpalit lang ako ng number, nagbago na."]

Ano bang nakain ng pinsan kong ito? Nakadriga ba 'to?

"Hoy ka din! Bakit? Ipinaalam mo ba na magpapalit ka ng number? Hindi ba't hindi naman. Mongoloid ka talaga." sigaw po pabalik sa kanya.

Meet Patricia Antonette San Jose, one of my cousins. Mataray siya. Ayaw niya ng babagal-bagal ang galaw. Ayaw niyang pinaghihintay siya.

Matalino rin naman siya. Kaya lang, kinulang sa height. Isa siyang valedictorian. She's also a software developer kung hindi niyo naitatanong. Kaya niya rin akong i-track kung nasaan mang lupalop ako naroon.

["Tsk. Change topic. Ikakasal ka na pala? Totoo ba 'yon?"]

"Yes. Balita ko nga rin hindi ka raw invited. Hahaha! That's great! Wala akong makikitang pakakalat-kalat na batong puso rito."

Wala pa kasing jowa kasi bato pa rin ang puso. Takot ma-in love. Katulad ko dati. Wahahaha!

["Stop torturing my feelings. Kung ayaw mong iprito kita sa kumukulong mantika."]

"Matatakot na ba ako n'yan?"

Geh. Tarantaduhin mo lang, Colleen. Gi-give up rin 'yan ng kusa. Bakit kasi niya ako tinatawag-tawagan? Eh sa naantok na talaga ako, kanina pa.

["Loko ka talaga kahit kailan, Colleen. Walang kinatatakutan."]

"Tss. Wala ka na bang iba pang sasabihin? Papatayin ko na yung tawag. Tsaka naaantok na rin ako." saad ko mula sa kabilang linya.

["Sige na nga. May pasok ka pa pala bukas. Saka na lang tayo mag-usap kapag lumipat n ako ng school nitong grade twelve na ako. Bye, Colleen. See yah!"]

"Bye, mongoloid! Have a sweet nightmares." sarkastiko kong sabi saka pinatay na ang tawag. Hahaha!

Sadyang ganyan lang kami mag-usap na mag-pinsan. Walang love, laging war. O kaya kagaguhan or kalokohan kung minsan.

Napangisi ako dahil sa inasal ko sa pinsan ko. Saka ko lang naman siya ginagalang kapag nasa mood na ako.

Pero parang nakokonsensya naman na ako ngayon. Alam ko kasing pangit pakinggan na gano’n ako makipag-usap sa mga nakakatanda sa akin.

I-tinext ko kaagad siya.

To: 0910*******

- "Sorry po sa inasal ko, Ate Patring. Talagang naaantok na po talaga ako noong tumawag kayo. Sorry po talaga."

Sent!

Patring is her nickname. Galing sa Patricia. Ako yung unang tumawag sa kanya ng ganun tapos nagulat na lamang ako nang tawagin siya sa nickname na ibinigay ko sa pinsan kong ito nila Mommy.

Patring, tunog pang matanda. Mukhang matanda pa ang may-ari. Joke! Maganda si Patricia. Pero mas maganda pa rin ako.

Nakangiti akong natulog sa malambot kong kama. Inilagay ko na sa mini cabinet sa tabi ng kama ko ang phone ko saka pumikit.

Kaagad akong nakatulog. Kanina pa kasi ako hikab ng hikab habang kinakausap ko sa phone yung pinsan ko.

Yung nag-effort ka para lang sagutin yung tawag niya kasi inaakala mong may importante siyang sasabihin pero ang totoo, wala naman talagang kakwenta-kwenta. Nakakainis lang talaga na nakaka bad trip ng sobra.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon