° ° °
Casper's POV
---
Natapos na ako sa pag-aayos ng nga gamit ko, bumaba na ako at sumunod sa babaeng masungit na 'yon.
Libre daw ang mga pagkain doon. Kaya pinatulan ko na. Wala na rin naman na akong pera eh. Kaya kakain na lang ako ng libre. Kaysa magutom ako 'noh. Ayaw kong matay dito dahil lang sa gutom.
Palabas na ako ng kwarto nang biglang mag-ring ang phone ko.
Si Elvis.
"Ano?"
["Nasaan ka na ba, bro? Ilang araw ka ng hinahanap ng Daddy mo. Kapag tinatawagan ka raw niya, nakapatay raw yung phone mo. Ilang araw na rin siyang pabalik-balik dito sa amin. Nagbabakasakali na nadito ka."]
"Tss. Hayaan mo siyang hanapin ako. Bahala siya sa buhay niya."
["Hindi ka ba naaawa sa Daddy mo, bro? Halos araw ka niyang hinahanap. Sa tuwing nakikita ko nga siya, naluluha na yung mg mata ko. Bro, kung ako sayo umuwi ka na. Kausapin mo Daddy mo. Huwak mong takasan ang problema ng pamilya ninyo."] pinatay ko na ang tawag. Wala akong ganang sumbatan yung mga sinasabi niya.
Hindi ko namamalayang unti-unti ng lumuluha yung mga mata ko. Unti-unting umaagos ang mga luha dahil sa mga emosyong naghalo-halo na. Galit, inis, lungkot at pagkadismaya.
Galit ako dahil sa ginawa ng Daddy ko noon. Naiinis ako dahil ipinapakasal ako ng sobrang aga. Nalulungkot ako dahil sa ginagawa niyang pagsasakripisyo para lang mahanap ako. At pagkadismaya dahil ang akala ko dati, hindi niya papalitan sa puso niya si Mommy pero nagkamali pala ako. Mali ako ng hinala at paniniwala na mahal na mahal nga niya ang Mommy ko.
Bagsak ang balikat kong pumunta sa kainan ng mga maiingay na tao habang kumakain na nagtatawanan. Salamtalang ako, heto...nag-iisang malungkot.
Ayy! Hindi pala. Dalawa lang kami. Nakita ko kasi si ipokrita na nakaupo na naman sa isang bench na mag-isa kaya nilapitan ko na.
Dating crush ko naman kaya, wala ng hiya-hiya 'to. Ako pa! Eh siya na ngang nagsabi na napaka kapal nga raw ng mukha ko.
Dating crush ko naman kaya, wala ng hiya-hiya 'to. Ako pa! Eh siya na ngang nagsabi na napaka kapal nga raw ng mukha ko.
"Hey, cutie girl! Anong ginagawa mo d'yan?" sabi ko sabay patakbo akong lumapit at umupo sa tabi niya.
"Pwede ba? Wala ako sa mood makipag-asaran sayo. Kaya huwag mo na akong simulan." walang reaksiyon niyang saad ng hindi man lang tumitingin sa akin.
Tumingin na rin ako sa kawalan. Ngayon ko lang na-realize na mali na pa ako. Gusto ko siyang babae at hindi ko maitatanggi iyon kahit na may nagawa man siyang hindi ko nagustuhan.
Hanggang ngayon naman, gusto ko pa rin siya. Kahit na anong gawin kong pang-iinis, naku-cute-an pa rin ako sa kanya. Kahit na nakainis na siya minsan, maya-maya wala na yung galit at inis ko.
Ang galing ng love 'noh? Kaya dapag huwag ka na ring maging bitter. Bahala ka, tatanda kang walang asawa. Mamamatay ka ng hindi man lang naranasang ma-in love.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya. "Wala naman akong balak na asarin ka ah. Actually, gusto nga kitang damayan. Baka kasi mabaliw ka na kakaisip ng mga problema mo. Baka ikapangit mo pa 'yan."
Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. " Ang akala ko ba nandito ka para damayan ako? Eh bakit parang nang-aasar ka na naman?" hala!ang bilis naman mainis nito.
"Fine, sorry." wala. Kailangan ko itong sabihin. Pagod na rin kasi akong palaging harutan ang nakikita ng iba sa amin. Gusto ko yung maiba naman.
"Okay." tugon niya saka ibinalik ang tingin sa kawalan.
Ilang saglit na matahimikan ang bumalot sa amin na binasag ko rin kaagad.
"Bakit ka nga pala palaging nagmumukmok? Palagi kasi kitang nakikitang ganyan." lumapit ako ng pagkakaupo at tinitigan siya.
Tumingin siya sa akin. "Alam mo naman siguro yung problema ng pamilya natin 'noh?" tumango ako.
Ibinalik na naman niya ang tingin sa kawalan. "Iniisip ko kung papayag ba ako o hindi. Kapag kasi hindi pa ako pumayag this time, konsensiya ang kalaban ko. Kapag pumayag naman ako, hindi rin naman magwo-work yung relasyon natin bilang mag-asawa dahil baka hindi tayo magkasundo sa isang bagay at mauwi rin sa hiwalayan." paliwanag niya.
Iniiwas ko ang tingin ko. "Kung gugustuhin namn natin, magwo-work yung relasyon eh. Basta sikapin lang nating magkakasundo tayo." saad ko saka ibinaling ulit sa kanya ang tingin.
"Paano naman? Eh palagi nga tayong nag-aaway. Ni hindi nga natin magkasundo sa isang bagay. Kaya pa paano mo nasabing magwo-work kung gugustuhin natin?" kunot noo niyang baling sa sinabi ko.
Nginitian ko siya. "Kilalanin na natin ang isa't isa habang nandito pa tayo sa isla. Tsaka, gusto ko rin namang makilala ang mapapangasawa ko eh." sagot ko na siyang ikinatawa niya at gano'n na rin ako.
"Tss. Fine, kikilakanin rin kita." natatawang tugon nito.
"So, magpakilaka muna tayo sa isa't isa. Hindi ko pa kasi gaanong kabisado yung pangalan mo." sabi ko na tinanguan naman niya.
"Okay."
"Ahmm.. Me first. I'm Casper Daniel Kenneth Balthasar. Casper is my nickname in school. But, you can call me sa nickname na gusto mo pantawag sa akin. Siya nga pala, I'm 19 years old. And how about you?"
She sighed. "I'm Alexandra Colleen Ethel Eleazar. I'm 18 years old." maikli nitong sagot.
"So, can I call you.. Alex?" saad ko.
Nginitian niya ako. "Sure! Nice nickname!"
"Ahmm.. I'll call you.. Ken. Short term for Kenneth." natawa ako ng bahagya sa pagkakasabi niya sa nickname ko. Ang cute kasi niya sa nung binanggit niya.
"Anong nakakatawa sa nickname na ibinigay ko?"
"Wala naman. Ang cute lang kasi nung pagkakasabi mo." inirapan niya lang ako pero ngumiti rin.
"Loko ka." dati na akong ganito kung alam mo lang, Alex ko.
"Siya nga pala, hindi ka pa ba kumakain? Mukhang naubos na kasi ng mga kasama ko yung mga pagkain na inihanda niyo." pang-iiba ko ng usapan.
"Hindi pa. Wala kasi akong ganang kumain eh. Ikaw ba gusto mong kumain, magpapahanda ako ng hapunan mo." maalalahanin ka rin pala deep inside. Ang akala ko, ipokrita ka talaga.
"Kung magpapahanda ka rin naman na, sabay na tayong kumain."
Magsasalita pa sana siya nang bigla kong tinakpan ang bibig niya dahilan para mapahinto siya.
"Huwag ka ng makulit. Gusto mo bang makita ka ng mga parents mo na hindi malusog kapag umuwi ka na? Tayo. Sigurado akong mag-aalala sayo ang nga iyon." natahimik siya sa sinabi ko. Kaya kinuha ko na ang opportunity na mahawakan ang kamay niya.
Hinila ko na siya papuntang coutage at nagpasuyo sa mga tauhan doon na ipaghanda kami ng makakain. Aangal pa sana sila ng biglang magsalita si Alex na pagbigyan na ako kaya sumunod na lang sila.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...