° ° °
Colleen's POV
---
Maaga akong nagising kaya maaga akong nakarating sa school. Maaga rin kasing nakapagluto yung Yaya namin dito sa bahay.
Kasama ko ngayon yung dalawa na kanina pa nagkwekwentuhan tungkol doon sa ex-fiancé ni Casper. Hindi ko alam pero, naiinis talaga ako sa tuwing naririnig iyang tsismis na 'yan.
Hindi na ako sumabay pa sa kanilang maglakad papuntang room. Dumiretso agad ako sa library at humiram ng libro doon sa librarian saka pumunta sa likod ng school. Mamaya na lang siguro ako papasok sa classroom. Maaga pa namang masyado.
Ibinaba ko ang mini bag ko at kinuha ang earphone ko. Isinalpak iyon sa aking tenga at nag-play ng music na paboritong, paborito ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng biglang may nangalabit sa akin. Nakakainis lang kasi alam na busy ako dito tapos manggugulo lang siya.
Bumaling ako ng sa likuran at tiningala ang nangalabit sa likuran ko.
It's Casper. He's smiling at me.
Anong na nama bang problema nito at kung makangiti akala mo wala ng bukas?
Tinanggal ko ang pagkakasalpak ng earphones kosa tenga ko.
"Anyare sayo?" takang tanong ko.
"Huh?" nakakunot ang noo niyang sabi.
I chuckled. "Nakangiti ka kasi. Para kang timang d'yan."
Hindi ko ginawang dumusog. Bahala siya kung saan niya gustong umupo.
"Alam mo?"
"Hindi ko alam." sarkastiko kong sabi.
"Bakit ba parang may galit ka sa mundo?"
"Eh bakit ba? Ano bang pake mo?" mataray kong sumbat sa kanya.
"Pft! Sungit naman nito. Papupo nga." ayun, uupo lang pala sa tabi ko. Ang dami pang satsat. Bahala ka sa buhay mo. Manigas ka d'yan. Hinding hindi ko gagawing dumusog. Kahit na isang inch man lang or one centimeter.
Bakit ba ako naiinis? Nakakainis rin minsan itong sarili ko. Hindi ko alam kung may sakit na ba ako sa utak. Kasi, paiba-iba yung mood ko.
Kanina okay pa naman. Tapos noong nakita ko yung mukhang tipaklong na Casper na 'to, nainis na ako. Hayst! Ano bang nangyayari sa akin? Nakakainis na kasi.
Sinalpak ko ulit sa tenga ko ang earphone ko sa tenga ko at medyo hininaan ang volume no'n par kung may sabihin man siyang hindi magand tungkol sa akin, malinaw kong maririnig.
"Hi!" hindi ko siya pinansin.
Tinalikuran ko siya at nagbasa na lang ulit. Pero, hindi ako makapag concentrate dahil ang ingay-ingay niya!
Kaya inis kong inilagay sa bag ko ang earphone at libro ko saka tumayo na.
Mag-uumpisa na sana akong humakbang nang biglang pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak ng mariin sa braso ko.
Pinilit kong makakalas pero ayaw talaga.
"Ano bang gusto mo?" inis kong tanong.
"Ikaw. Ikaw ang gusto ko." nanlaki ng mga mata ko.
Totoo ba 'to? O talagang lasing lang siguro siya.
"Nakainom ka ba? O naka droga?"
"Wala. Nasa tamang katinuan po ako." saad nito saka tumayo at nginitian ako.
Ipinaharap niya ako sa kanya ay hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Alam mo bang matagal akong naghintay sayo? Ethel, ito na ang tamang panahon para malaman mo na siguro kung ano ang nararamdamn ko para sayo." hinila niya ako sa beywang para maging mas malapit pa ako sa kanya.
He kissed my lips! Na siyang ikinagulat ko. Hindi ko alam pero parang may sariling utak ang mga labi ko na kudang tumigon.
Bumitak siya sa pagkakahalik at pinagdikit ang aming mga noo.
"I love you, Ethel." saad niya habang nakapikit.
*DUGBUG DUGBUG DUGBUG*
Bakit ba ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko eh.
Kung yung totoong nararamdaman ko para sa kanya ang susundin ko, gusto ko siya at mahal ko rin siya.
Pero totoo bang mahal ako nito? O baka talgang trip niya lang ako.
Sinampal ko ang sarili ko para magising ako sa katotohanan na never akong magugustuhan ng lalakeng ito dahil nand'yan na talaga ang tunay na hinintay niya ng matagal.
Itunulak ko siya. "Alam mo? Gutom mo lang siguro 'yan. Kain ka na lang. Mag miryenda ka para mawala 'yang pagkahibang mo." sabi ko saka tuluyang umalis dala ang mga gamit ko.
"Nagseselos ka ba dahil nandito na di Audrey?"
Huminto bigla ang mundo ko. Hindi ko alam ang isasagot. Basta kasi ang alam ko, naiinis ako sa tuwing naririnig ko na magkasama silang dalawa.
"H-hindi."
"Talaga? Sige, patunayan mo ngang hindi ka nagseselos?" naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ano ba talagang gusto mo?"
Naiinis na talagang ako ah.
"Gusto ko lang naman malaman kung may pag-asa bang maging totoo yung relationship natin. Yung kasal, baka pwedeng maging official na lang. I mean, yung hindi tayo nagkukunwari sa mga parents natin na okay tayo." anito.
Ramdam kong unti-unti siyang lumalapit sa akin kaya liningon ko na siya bago pa siya makalapit ng tuluyan.
"Sige, kung magiging tayo man. Paano kung guluhin at paglayuin tayo ni Audrey? Paano kung lokohin mo lang ako? Paano kung iwan mo lang ako tapos sumama ka sa kanya." I can't hold my tears anymore.
"Casper, first love mo siya. Alam kong mahirap talagang kalimutan ang nararamdaman mo para sa kanya." I wiped my tears. "Kaya mas mabuting hindi na lang maging tayo. Huwag ka ng mag-alala dahil ...ako na ang kusang layo." nagpatuloy na ako sa pag-alis. Pilit niya akong pinipigilan pero hindi ako huminto sa paglakad papalayo.
///
Casper's POV
---
Kaagad kong pinuntahan si Audrey sa bahay nila. Hindi pwedeng hindi maging kami ni Ethel. Matagal kong pinangarap na makasama siya. Hindi ko hahayaang maging pangarap na lang ito nang dahil kay Audrey.
Nadatnan kong nakahilata siya sa sofa sa living room habang hawak ang phone at nakatapat iyon sa kanyang tenga. Mukhang may kausap siya doon.
Walang alinlangan akong lumapit sa kung saan siya naroon. Nang makalapit na ako, hinablot ko yung phone at ako ang kumausap. Wala akong pake kung pambabastos ang ginagawa ko o kung ano man. Basta, I need to know the real reason kung bakit siya bumalik.
"Hey! This is her ex-boyfriend. We need to talk at siyempre, hindi ka kasama doon. So, bye." dire-diretso kong sabi sa kabilang linya at saka iyon ibinalik kay Audrey na ngayon ay naka awang pa rin ang mga labi at gulat na gulat sa ginawa ko.
Nginisian ko siya at nagpamulsa. "What?"
Kumunot yung noo niya. "What's your problem?! Wala kang karapatang gawin 'yon! Ano bang kailangan mo sa'kin?!"
I grabbed her wrist. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pa bumalik?" nanggigigil kong tanong sa kanya.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw niya pero hindi ko sinunod. "Ano ba?!" sigaw niya ulit pero hindi ko siya sinunod.
"Fine!" binitiwan ko siya. "Sasabihin ko yung tunay na dahilan kung bakit ako nandito." dugtong nito.
"Mabuti naman." tugon ko saka nagpamulsa.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Nandito ako kasi gusto ko talagang ibalik yung dating tayo. Yung ..alam mo na." sinasabi ko na nga ba at iyon ang binabalak niya.
"Tsk! Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo. Hinding hindi na maibabalik yung dating tayo dahil matagal na tayong tapos, Audrey. Huwag mo ng ipilit 'yang gusto mong mangyari dahil may iba na akong mahal." sumbat ko.
Lumapit pa ako sa kanya at dinuro. "Kapag nalaman ko lang na may binabalak kang masama sa fiancé ko, patay ka sa'kin. Tandaan mo 'yan." pahabol ko saka umalis na sa pamamahay niya. Baka kung ano pa kasi ang masabi ko.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...