° ° °
Casper's POV
---
"Bro, pakihanap nga yung bahay nung babaeng pinadala kong picture sayo.... Please, kailangan ko lang... Oo.... May atraso kasi sa akin 'yon eh... Saka na, bro... Next time, okay?... Sige.. Bye."
Tinawagan ko si Hans para tulungan ako sa paghahanap nung bahay ng babaeng gusto ko na nakausap ko kani-kanila lang. Sana mahanap niya.
Pumunta muna ako sa bahay ng pinsan ko na si Grant Balthasar-Mateo. Kapatid ng Daddy ko ang Mommy niya. Kaya sobrang makapit kami sa isa't isa. Actually, para na nga kaming magkapatid eh.
Pagkarating ko doon, nadatnan ko siyang busy sa laptop niya. Uuwi na lang yata ulit ako. Mukhang hindi ko mapapakinabangan itong pinsan ko ngayon dahil sobrang busy sa mga school reports.
"Oh! Insan, nandyan ka pala. Halika! Upo ka." aya nito sa akin. Tinanggap ko ang alok niyang pumasok sa bahay nila. Kaagad niyang tinawag yung Yaya niya para makapagpahanda ng meryenda para sa amin.
Itinabi niya muna yung laptop niya sa bandang gilid sa sofa saka tumabi sa akin sa isa pang sofa kaharap ng sofa'ng pinag-uupuan niya kanina.
"So, kamusta ka na? Medyo matagal-tagal na rin noong huli kang napadalaw rito, insan. Wala na tuloy akong naging balita sayo magmula nun."
I sighed. "Pinilit lang naman ako ng Dad ko na doon na sa school mag-aral for this school year. Mas matututukan niya raw kasi ako." sagot ko sa kanya saka uminom ng kaunti sa juice na inihanda ng Yaya niya.
Magkaiba kami ng pinsan ko ng school na pinapasukan. Medyo malayo yung pinapasukan niyang Academy. Kaya minsan-minsan na lang kami kung makapag-usap ng harapan. Panay sa phone. Video call, ganun.
"Ahmm.. Hindi ka ba nagalit kay Tito? I mean, dahil pinilit ka niyang doon sa school niyo ka na mag-aral?" umiling ako bilang sagot.
"Really? If that's true, great! Mukhang napapatawad mo na Daddy mo ah." kinunutan ko siya ng noo.
"Tsk! I'll never forgive him, Grant. And you know what is the main reason why I still hate him." I answered.
"Huh?! Ang akala ko ba okay na kayo? Kasi hindi ka man lang nagalit sa kanya noong ipinasok ka niya sa sariling school niyo. At nanggaling pa mismo sayo."
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumalikod sa kanya. Medyo lumayo ako para hindi niya marinig yung mga sasabihin ko.
"Hindi ako nagreklamo pa dahil doon ko na natagpuan ang babaeng magpapabago sa akin." mahina kong tugon. Sana hindi niya narinig. Sana hindi!
"A-ano?" lumingon ako sa kanya. Nakikita ko ngayon sa mukha niya ang pagka-curious.
"Wala. Ang sabi ko, masaya naman ako na nakalipat ako sa school na pagmamay-ari ng ama ko. Tsaka nandoon naman yung mga kaibigan ko eh. Sina Hans at Elvis." pagpapalusot ko.
"Ahh~... So, bakit ka nga pala naparito?" tanong nito saka uminom ng juice at kumagat sa sandwich.
"Wala lang. Wala akong mapuntahan eh. May ipinapagawa ako sa mga kaibigan ko kaya busy sila. Ayaw ko naman sa bahay mag-stay. Alam mo naman na siguro yung dahilan hindi ba?"
"Tsk. Ewan ko sayo." sagot lang nito saka inubos yung pagkain niya.
Kinain ko na rin yung pagkaing inihain ng Yaya ni Grant. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng sandwich nang biglang tumunog yung phone ko.
*TINGINING!*
From: Hans Damuhong
"-Nahanap ko na, bro. Nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinahanap."
Iyan ang nakalagay sa message na natanggap ko. Kaya minadali ko na ang pagkain ng sandwich at juice.
Nagpaalam na ako kaagad. Mukhang wala naman akong mapapala sa pinsan kong ito. Pupunta na lang ako ng school. Vacant ng first period so pwede pa akong tumambay doon. May thirty minutes pa naman. Saktong-sakto kapag nakarating ako doon, may twenty minutes pang natitira. Malapit lang naman yung school namin eh.
Nang makarating ako ng school, pumunta na ako sa classroom namin. Nasa kalagitnaan ako ng mabilis na paglalakad sa hallway nang bigla akong nabunggo sa kung sinong tao.
Sh*t!
"Ano ba?! Tumingin ka naman sa dinadaan--" napatulala ako nang maaninag ko ang mukha ng nakabungguan ko.
F*ck! Nabulyawan ko siya!
"Ikaw na naman?!" nakakunot na sigaw nito kaya napakunot na rin ako ng noo n unti-unti ring naglaho.
"S-sorry?" nakayuko kong sabi.
"Anong sorry, sorry?! Tss! Makabulyaw ka kanina parang wala ng bukas ah!"
Kahit na naiinis na siya, ang cute at ang ganda niya pa din.
"Sorry naman po. Eh ikaw kasi, hindi ka lumilihis sa dinaraanan ko kaya kita nabunggo." ang sarap tuloy niyang inisin.
"Ahh~.. Ganun? Ito ang sayo!"
Ouch!
Argh! Anak ng--!! Urgh! Walang'ya!
"May araw ka rin sa akin!" sigaw ko.
Ang sakit talaga! Grrr!
Mas lalo mo lang akong pinapainis eh! Okay ka na sana, labanera ka nga lang. Pwes! Binabawi ko na ang sinabi ko! Hindi na kita gusto! Bwisit!
Colleen's POV
---
"Oh, bakit nakangisi ka d'yan?" tanong nitong si Claire sa akin habang sinasabayan na akong maglakad papunta sa upuan namin sa likod.
"Tss. Huwag niyo ng tanungin. Matatawa lang kayo kapag i-kwinento ko sa inyo." nakangisi kong sagot.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang biglang may sumigaw na kaklase naming babae.
"Kyaaaahhh! Si Casper, my loves ko! Nasa clinic siya ngayon!" sigaw nito kaya napatingin kami sa kanya.
"Tsk! Mabuti naman sa kanya 'noh. Masyado siyang mayabang porket gwapo siya. Siya ang naging dahilan kung bakit kami nag-break ng girlfriend ko! Bwisit siya!" sumbat naman ng isang payat na lalake naming kaklase na mukhang seahorse.
Sa tingin ko, hindi siya iniwan ng gf niya nag dahil lang sa Casper na playboy na yun. Kundi, iniwan talaga siya dahil sa itsura niya. Ugh! Nagiging laitera na ako! Tama na nga ang kaka-judge, Colleen! Focus ka na lang sa studies mo.
"Hoy! Ikaw na mukhang kabayo sa dagat! Huwag na huwag mo ngang maganyan-ganyan ang my loves ko, namin. Kasi, hindi ka naman talaga iiwan ng girlfriend mo kung gwapo ka katulad ni Casper. Hmp! Ang pangit mo kaya!" sumbat naman ng isa pa naming kaklaseng babae.
Teka nga? Kailangan ko na bang bumili ng popcorn dito? Mukhang magkakaroon kasi ng away eh. Ang sarap pa naman nilang panoorin.
Napatingin na lang kami sa pinto nang biglang sumigaw ang teacher namin for the next subject kaya nagulantang kaming lahat.
"Hey, class! Stop! Maupo na nga kayo!" utos nito sa amin kaya kaagad kaming umupo sa mga sarili-sarili naming upuan.
Naku! Mukhang lagot kami niyan. Sermon na naman ang abot namin sa teacher namin ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...