13

672 33 0
                                    

° ° °

Crystal's POV

---

Kilalang-kilala na namin si Gabriel. Madalas kasi siya dating dumalaw sa bahay. Tsaka noong nasa Grade Five pa lang kaming tatlo, magkakalase kaming apat. Pare-parehas kami ng section. Alam niyo na, matatalino eh.

Transferee kasi kami that time. Itong si Gabriel ang unang nagpakilala. Ang pangit niya noon. At ang chubby niya pa. Pero tignan mo ngayon, mala Jak Roberto na ang katawan at ang puti't ang gwapo pa niya!

Si Colleen dati, nerd at tahimik lang 'yan. Pero noong nakilala na niya kami at naging close na sa isa't isa, doon na nagsimulang nagsilabasan ang mga tinatago niyang katangian.

Tulad na lamang sa mga gusto niyang pagkain. Yung tinatawag niyang "ComFlirt Foods". 'Com' in short for comfort and 'Flirt' for combination foods that she love the most.

Lahat ng mga kinakain niya, ang we-weird. Hindi ko nga alam kung bakit sa panlasa niya, ang sarap-sarap. Samantalang kapag kami na ang tumikim, nakakasuka na.

Katulad na lamang ng binili niyang nilagang mais na isinawsaw siya sa sauce ng fishballs at kikyam na walang suka. Ugh! Nakakasuka talaga!

Tapos nagluto siya ng carbonara. Alam niyo ba ang ginawa niya? Nagluto pa siya ng sauce ng spaghetti saka niya ipinatong sa sauce ng carbonara na nasa ibabaw ng pasta na nakalagay sa plato niya. Oh 'di ba? Ang weird ng mga kinakain niya!

Sige, balik na tayo kay Gabriel.

Hindi na namin muli pang nakasama si Gabriel magmula ng lumipad sila papuntang USA. Ang balita namin, doon na raw sila titira ng ilang taon. At ang masakit pa, hindi niya alam kung kailan sila makakauwi.

Hinintay talaga namin siya. Hanggang sa kusa na kaming tumigil dahil nawalan na kami ng pag-asa na balik pa siya. Kaya nagulat na lang kami ng bigla siyang tumawag sa amin sa hindi inaasahang pagkakataon. So, doon namin nalaman na nagbalik na siya dito sa Pilipinas.

Nagkwentuhan lang kami sandali. Pinagkwentuhan namin si Colleen noong bata pa siya. Ang dami naming nalaman na hindi naikwento sa amin ng bestfriend naming dalawa ni Honey. Hindi kasi palakwento yung babaeng 'yon.

Hindi siya magkukwento kung hindi ka magtatanong sa kanya. Tapos, kapag nagtanong kami magkekwento siya wala man lang karea-reaksyon yung mukha niya. Hindi mo feel yung ikukwento niya sayo. Kaya mas mabuti ng hindi magtanong kaysa mainis pa kami ng tuluyan sa gagawin niya.

Buti pa itong si Gabriel kapag nagkukwento umpisa pa lang mapapatawa ka na talaga. Parang ipinanganak nga siya na pang comedy bar. Hahaha!

Nauna na kami para magkaroon ng time na makapag-usap ng sila lang yung dalawa. Alam kasi naming may gusto dati si Gabriel kay Colleen kaya kami na ang gagawa ng paraan para paglapitin sila.

"So, uwi na ba tayo niyan?" mahinang tanong ni Honey. Kasi siyempre, baka marinig nung dalawa. Baka makahalata sila.

"Oo naman. Ano sa tingin mo pa ang gagawin natin dito?" sagot ko nang makalayo na kami sa kanila. Palabas na kami ngayon ng bahay nila Gabriel.

I-tetext na lang namin siguro si Colleen o kaya tatawagan na nauna na kami dahil wala pa kaming kakaining snacks mamaya pang movie marathon ni Honey habang hinihintay na umuwi si Colleen.

Kumain naman na kami kanina sa bahay nila Gabriel kaya busok pa kami. Sigurado akong magiging masaya ang gabing ito!

///

Colleen's POV

---

"So, bakit ka nga pala biglang napauwi dito sa Pilipinas?" tanong ko sa katabi ko.

He sighed. "I'm here because I want to be with you, Colleen."

Hinawakan niya yung mga kamay ko saka humarp sa aki na siyang ikinagulat ko ng sobra. "Colleen, I want to court you. Now that I'm here we can be together and make more memories that we'll never forget."

Napakurap-kurap ako at binawi ang mga kamay ko. "W-wait, wait.. You mean, you're here because you want to be my boyfriend? Am I right?"

Tumango siya na siyang ikinagulat ko. "Yes, that's what I mean, Colleen. So, payag ka ba?"

What?! Loading pa nga lang yung utak ko eh. Nakakainis ka na nga lang, ngayon nakakagulat ka naman.

"N-no. Ayaw ko, Gab."

"But, why? Don't tell me, may boyfriend ka na. Teka.. Meron nga ba?" diretso lang ang kanyang tingin sa mga mata ko kaya iniiwas ko na lang yung tingin ko baka kasi malusaw pa mata ko dahil sa sobrang lagkit ng titig niya.

Oh sheyt! Naiilang ako! Ang gwapo na niya kasi ngayon kumpara dati na hindi naman sa laitera ako, pero pangit talaga siya dati. Tsaka ang hot na niya ngayon kumpara sa mataba niyang mga pisngi at katawan dati. Ngayon, may abs na siya! Ang laki na talaga ng ipinagbago niya simula ng tumira na siya kasama ang pamilya niya sa USA.

"W-wala pa naman." nauutal kong tugon. Tumingin ulit ako sa kanya pero ganun pa rin ang direksyon ng tingin niya. Nasa akin pa rin ang buong atensyon niya!

"Bakit ba ganyan ka kung makatingin sa akin? May dumi ba ako mukha?"pag-iiba ko ng usapan. Umiling naman siya bilang sagot saka muling inayos ang pag-upo at iniiwas na sa akin ang tingin kaya nakahinga na ako ng maluwag-luwag.

"Wala ka namang dumi sa mukha. Hindi kasi nakasawang titigan. Ang ganda mo na kasi, Colleen kumpara dati na aaminin kong hindibka gaanong kagandahan. Ngayon kasi para ka ng artista." proud nitong paliwanag.

Woah.. Ngayon ko lang nalaman na hindi na pala siya mahiyain kumpara dati na sibrang mahiyain niya. Yung tipong ayaw makakita ng ibang tao na hindi pamilyar yung mukha sa kanya.

"Sige! Bola pa. Hindi naman totoo eh. Joke lang 'yan huwag mo na akong lokohin."

"Totoo nga kasi." seryoso ang mukhang tumingin sa akin at hinawi ang ilg hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Hanggang sa basagin niya rin iyon ng isang tanong.

"So.. Wala pa pala. Eh bakit ayaw mong magpaligaw?" naku! Nagdadalawang isip ako kubg sasabihin ko pa sa kanya ikakasal ako sa taong hindi ko naman kilala at hindi ko mahal.

"Saka ko na ipiwanag kung bakit. Bye!" nagmadali akong lumabas papuntang parking area. Minadali ko n rung sumakay ng kotse.

"Ethel--wait! Ethel!" rinig kong sigaw niya pero hindi ko na lang pinansin at pinaharurot ko na ang kotse ko ng mabilis. Ayaw kong ako ang magpliwanag sa kanya. Si Daddy na lang ang magpapaliwanag.

He's Francis Gabriel Ocampo. My childhood bestfriend na sobrang close ko. Ito na ang simula ng pangungulit niya.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon