36

440 26 0
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Natapos na akong kumain. Busog na busog na ako. Uuwi na ako baka kanina pa ako hinahanap ng mga mapanermong kaibigan ko.

Sigurado akong sesermonan na naman ako ng mga 'yon pagdating ko.

Habang naglalakad pauwi na, may isng babae at isang lalake na sa tingin ko'y magkasintahan. Pero, iba yung inasahan ko sa lalake. Ang sungit ng mukha niya. Parang may balak makipagsuntukan.

Nang makalapit na ako, mas naliwanagan na ang mga mukha nila na kanina ay hindi ko mahalata kung sino sila.

Si Audrey lang naman at Casper 'yon. Wal ng iba. Ito namang isa, nilalandi na nga gustong gusto pa. Kahit na nakikitang naiirita, hindi niya pa iniiwan mag-isa si Audrey kung ayaw niya sa tulad niya.

At ito na naman tayo sa feelings ko. Nasasaktan na naman ako dahil nakikita ko pa lang silang magkasama, nagseselos na ako.

Mukhang hindi naman nila ako napapansin kaya, dire-diretso lang ako sa paglalakad. Pero, parang may sariling mga utak g mga paa ko na napatigil sa tapat nila.

"Anong ginagawa niyo d'yan?" tanong ko kaya napaigtad silang dalawa.

Nagulat lang ako nang biglang itulak ni Casper si Audrey palayo sa kanya saka lumapit sa akin at inakbayan ako.

"H-hi!" bati niya.

Inis kong tinanggal yung pagkaka-akbay niya at inirapan siya. "Tsk! Problema mo?" napatingin ako sa nakasalampak sa sahig na ngayo'y pinagtitinginan na ng mga tao. "At bakit mo siya kasama?" naka kunot ang noo kong bumaling kay Casper.

"Ah-eh.. nagpasama lang nan siya sa akin. Tsaka.. huwag ka ng magselos, ikaw lang naman mahal ko eh." inirapan ko siya.

Tumaas ang sulok ng labi ko. "Tsk! Sinungaling."

Bumaling ako ng tingin sa kasamang babae ng FIANCÉ ko saka siya tinaasan ng kilay. Ang ex-fiancé niyang si Audrey. Hmp! Naiinis talaga ko sa dalawang ito! Makaalis na nga lang!

Naalala kong uuwi nga pala ako para uwian ng mga makakain yung dalawang sure akong nagluluto na ng makakain nila for their breakfast meal.

Dinalian ko maglakad para makauwi ako kaagad. Nang makararating na ako, may narinig akong maiingay sa kusina. Sigurado akong nag-aaway na sila sa pagluluto. Masilip nga!

" ...ouch! Ouch! Kapag hindi ka pa talaga tumahimik d'yan, isusungalngal ko na yung mga ingredients sa bibig mo. Ang ingay mo kasi!" rinig kong reklamo ni Crystal.

Sabi na nga ba't nagtatalo na sila pagdating ko eh.

"Eh? Ano namang koneksyon ng--"

"Sinabing tumahimik ka eh--ouch! Aray ko!"

"Bakit ba aray ka ng aray d'yan?! Nakakabinga ka!"

"Halika! Ikaw kaya magluto ng pritong isda para malaman mo kung gaano kahirap! Letse ka!"

Ang iingay nila! Nakakabingi!

"Ayaw ko nga. Baka kapag nasunog yung isda, sayang lang. Kaya, ikaw na lang."

"Sabi ng huwag kang maingay eh! Bakit ba ang kulit-kulit mo--ouch! Tumatalsik kaya yung oil sa skin ko!" sigaw nitong isa dahil namumula na yung bisig niya sa kakatalsik ng mga mantika rito.

"Fine!" sumbat naman nitong isa.

Naging tahimik ang buong paligid at tanging mga tunog lang ng mantika ang naririnig sa buong kusina.

Salamat naman at tumahimik na sila kakadada. Nakakarindi na kasi. Ang ingay nilang dalawa. Sa pagpiprito pa lang, ang gulo na nila. Paano pa kaya yung sa iba pang main dishes? Hayy....

"Hoooy!" sigaw ko kaya nagulantang sila saka humarap sa akin.

"Ano ba, Colleen?! Huwag ka namang manggulat!" reklamo ni Honey na nakatayo sa may bangang likuran ni Crystal.

"Eh ang tahimik niyo na kasi. Ito, may pagkain d'yan." sad ko saka inilapag sa counter ang dala ko kanina pa.

"Saan ka ba nagpunta at bakit ngayon ka lang?" tanong nitong si Crystal.

"Kumain lang naman ako sa Food Park."

"What?! Ni hindi ka man lang nanggising."

"Kaya nga inuwian ko na kayo ng pagkain dahil hindi ko naman talaga maubos yung in-order ko kanina tsaka tinatamad akong nagluto ng umagahan kaya pumunta ako doon." paliwanag ko.

"Eh sino ang kakain sa niluto naming fish?" maarteng tanong naman nitong si Honey.

"Pagkatapos niyong iprito lahat 'yan, ilagay niyo na lang sa fridge. Kasi may ihahalo ako d'yan at iyan ang magiging ulam na'tin mamayang tanghali." sagot ko.

"Okay." sagot ni Crystal.

Nang matapos iluto ni Crystal ang mga isdang tilapia na nilabas nila mula sa fridge kanina, kumain na silang dalawa. Mainit-init pa naman yung pagkaing iniuwi ko para sa kanila kaya masarap pa 'yon.

Ako naman, dumiretso na sa kwarto ko. Muli kong naalala yung nangyari kanina nang makita ko ang picture namin ni Casper noong bata pa kami.

I hate him!

I hate them!

Kung ayaw niya kay Audrey, eh 'di siya ang lumayo sa babaeng malandi na 'yon. It's so simple! Pero hindi niya magawang gawin!

Bakit ba kasi bumalik pa ang feelings ko para sa kanya? Hindi ko lang kasi siya gusto eh! Hindi lang basta crush na palagi niyong naririnig sa mga mas bata sa akin.

Gusto ko siya at mahal ko siya! At iyan ang hindi ko napansin dati, na nagmamahal na pala ako ng taong kilala ko na noon pa, na sinaktan lang ako dati. Ngayon, sinisimulan na naman niya akong saktan.

Mukhang masaya na kasi siya sa ex-fiancé niya. Samantalang ako, tinatago pa rin ang totoong nararamdaman na mahal ko na siya.

Bahala na! May plano naman na ako. Papayag akong magpakasal pero after no'n, itutuloy ko na ang paninirahan sa Singapore mag-isa.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon