° ° °
Colleen's POV
---
Makalipas ang ilang araw...
* * *
Bukas na pala ang kasal. Grabe, ang bilis ng araw. Ang bilis umikot ng mundo na'tin. Hindi ko lubos akalaing ikakasal na pala ako bukas.
"So, paano ba 'yan? Bukas na ang kasal ninyo. Ano? Sisipot ka ba o tatakas? Don't worry, nand'yan ang private pilot ng Dad ko. Pwede kong tawagan anytime na magbago isip mo."
"Baliw ka talaga, Honey." naiiling na komento nitong si Crystal na kanina pa kumakain ng banana cake na binili ko.
"Bakit ba, Crystal? As if may pake ka naman 'di ba?"baling naman nitong isa habang nilalaro ang buhok niya.
Hay... siguradong magtatalo na naman ang dalawang 'to.
"Pwede ba? Tumigil na kayo. Tsaka wala naman akong balak na umatras sa kasal. Basta after ng kasal, lilipad ako papuntang Singapore. Tutal, naayos ko naman na yung nga kailangang ayusin." sabat ko kaya napatigil sila.
"Ayown. Iiwan na naman tayo ng hunghang na 'to." nakataas ang kilay ni Crystal saka ikrinus ang dalawang bisig sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Ikaw lang, ako kasi sasama ako."kontra nitong si Honey na sadyang nang-iinis na.
"E 'di sumama ka na rin kung gusto mo. Alangan namang ilibre ka namin 'di ba?" mataray kong sumbat.
"Okay, fine." masungit na tugon ni Crystal sabay padabog na umalis sa harapan namin.
"Walk out?" nakakunot ang noong sabi naman ni Honey saka kami nagtawanan. Ewan ko, basta natawa na lang kami.
Umupo ako sa sofa sa may living room. Si Honey naman, kumuha ng dalawang baso ng lemon juice na paborito niya. Masarap rin naman, kaya sige na lang din.
Uminom ako ng kaunti saka inilapag sa may lamesa na nasa harapan namin ang juice na ibinigay niya sa akin.
May naisipan akong itanong sa kanya na siguradong hindi niya magugustuhan.
"Ahmm... Honey?"
Lumingon siya. "Yes?" uminom siya ng kaunti sa juice. "Bakit? May kailangan ka ba?"
"Naisipan ko lang na itanong ito. Wala ka na bang balak na magkaroon ng boyfie?" napatitig siya sa akin nang dahil sa tanong ko.
-katahimikan-
"Huy, Honey!" sigaw ko kaya napaigtad siya.
"A-ehh.. hehe! Wala pa naman sa isip ko 'yan, Colleen. Sige, alis na ako. Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka." tumayo na siya at nagmadaling umalis.
Tila nakakapagtaka lang na agad siyang umalis nang binanggit at itinanong ko sa kanya iyon.
Parang may itinatago siya na hindi namin alam ni Crystal. Mukhang may aalamin na naman kaming limin ah. Hahaha! I'm so excited to know the whole truth behind that "wala pa naman sa isip ko 'yan" reason of Honey.
Napangisi ako dahil sa naiisip kong plano. Hahaha! Siguradong mag-eenjoy at kikiligin kami ng sobra ni Crystal sa nabuong plano sa utak ko.
Hahaha! Be ready, Honey. Malaman rin namin ang sikretong itinatago mo.
Nagulat ako dahil biglang nag-ring yung phone ko. Nakita kong galing ito kay Ate Patricia na pinsan ko.
"Hi, Ate!" good mood ako kaya may paggalang.
["Hello, Colleen. Pinapatawag ka ni Tita, ng Mommy mo. May kailangan ka daw sagutan at pirmahan. Nandito ako sa bahay ninyo. Hinahanap nga kita, kaso nand'yan ka pala sa bahay ninyong tatlo. Tinatamag ako kaya, tinawagan na lang kita."]
"Wow, Ate ah. Ang haba ng sinabi mo. Pero isa lang yung kailangan mong sabihin kaya ka tumawag. Yung pinapatawag ako nila Mommy, tama?"
["Oo. Wahahaha! Wala akong idudugtong na iba eh."]
Ay gano'n? Eh kung patayan kaya kita. Kakagigil ka.
"Okay. Sorry, Ate. May gagawin pa ako pero pakisabi kila Mommy susunod na lang ako."
["K, bye."]
"Bye."
Then, pinatay ko na yung tawag. Mamaya na lang ako pupunta. Kakain pa lang muna ako ng mga paborito ko.
Magluluto ako ng fries, egg, and burger patties. Tapos, magpapainit ng burger buns kung saan ilalagay ko ang burger patties at lagyan ng lettuce at chicken spread na palaman.
Yung egg naman na ilalaga ko, lalagyan ko ng ginisang kamatis at fried rice. At siyempre, yung fries na iluluto ko ay lalagyan ng cheese powder.
Then, maghahain ako ng isang klase ng softdrink sa mesa at doon ko ipa-partner and lahat ng mga iniluto ko saka iyon kakainin lahat. Kaya baka, gabi na lang ako pupunta sa bahay namin. Kapag may tumawag, sasabihin kong busy ako kaya mamayang gabi na.
///
Crystal's POV
---
May naririnig akong maingay sa kusina. Mukhang nagluluto ng pagkain. May naaamoy rin kasi akong amoy burger patty. Hmm.. Matignan nga.
Lumabas ako ng kwarto ko at sinundan ang amoy. At tama nga ang hinala ko. May nagluluto sa may kusina na pakanta-kanta pa.
Guess who?
Nag-iisa lang naman ang pinakamagaling na magluto dito. Natuto na eh.
Si Colleen lang naman ang masayang nagluluto dito sa kusina namin. Ayon sa nakikita ko ngayon, may hilaw na kamatis na nasa bowl, may buns na malalaki, may isang kilong nakasupot na ready-to-fry na potato fries, may ilang piraso ng letuce na nasa isang plato at last ay ang anim na pirasong itlog na nasa isang egg's tray.
Nilapitan ko siya. May nakita pa akong fried rice sa tabi ng nahiwang mga hilaw na kamatis. Ano na naman bang naisipan nito at ang daming balak kainin? Ano na naman ba'ng problema nito?
Napahinto siya sa pagkanta at tumingin sa akin. "Hey! Nand'yan ka pala." sabi niya saka ulit itinuloy ang pagkanta.
"Yes? Nagtataka lang ako." kunot noo kong saad.
Tuluyan na suyang tumigil nang matapos na g kinakanta niya. "Bakit?" tanong nito na hindi man lang tumingin sa akin.
"Anong nakain mo at naisip mong magluto ng marami? Sa pagkakaalam ko, palagi ka namang kumakain. O sadyang.. nagiging patay-gutom ka na?"
Tumawa siya ng malakas at napatigil sa ginagawa. "Wahahaha! Anong pinagsasasabi mo d'yan? Tsaka, grabe ka naman sa akin. Patay-gutom na ba talaga ako? Dahil ba kaunti lang ang kinakain ninyo dahil maseselan kayo sa pagdating sa pagpili ng pagkain na makakain. Grabe ka talaga 'noh." naging seryoso ang mukha niya.
Ako naman ang tumawa ng mahina. "Joke lang 'yon. Sa totoo nga niyan, nagugutom ako. Pwedeng pahingi?" sorry, Colleen. Nagugutom ako baka pwede lang namang ..alam mo na.
Napatitig siya sa akin. "Ang kapal ng balat mo eh 'noh. Matapos mo akong sabihan ng patay-gutom ako, hihingi-hingi ka ngayon. No, hindi ako magbibigay. Magluto ka ng pagkain mo. Babaunin ko pa ang iba dito papunta sa bahay namin mamaya. Kaya, sorry ka." ay... ang damot niya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...