42

460 28 0
                                    

Kasalan time na! Sinong excited d'yan? Ikaw na nagbabasa? P'wes! Ito na talaga ang kasal! Sana all 'noh? Yung nagbabasa kasi, wala na ngang jowa hindi pa crush ng crush nila. Wahahaha!

Huwag kang mag-alala. Hintay ka lang. Huwag mong madaliin ang buhay. Matutong maghintay para sa 'The One' mo. Kasi kapag minadali mo, hindi masaya. Hindi magwo-work yung relationship niyo ng magiging boyfie/girlfie mo na nakuha mo sa madaliang paraan lang.

So, ayun na nga. Kasal na. Bongga ang kasal nila na talagang pinag-isipan ko pang mabuti. Kaya huwag kang ano d'yan.

-----

Play this song while reading this part:

Angels Brought Me Here by Guy Sebastian

- - -

° ° °

Colleen's POV

---

Nakabihis na ako ng binili naming wedding gown ni Mommy. Naayusan na rin ng make-up artist ko ang mukha ko. Kaya ready na ready na ako. Hindi na ako makapaghintay pa.

Si Allen kaya.. nandoon na kaya siya sa simbahan na naka barong at ako na lang ang hinihintay na maglalakad sa gitna ng aisle papunta sa altar?

"Ano, Colleen? Ready ka na bang maging Mrs. Balthasar?" tanong sa akin ni Crystal habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.

"Oo, ano pa nga ba'ng magagawa ko? Kailangan kaya pumayag ako. Tsaka, mahal ko si Casper at isa rin naman iyon sa dahilan." walang alinlangan kong sagot.

"Umamin ka na ba sa kanya?"

"Oo naman. Umamin siya sa akin. Tinanong pa nga niya kung pwede niya akong ligawan."

"Eh ano namang isinagot mo? Oo?"

"Yup! Kilala ko na siya at kilala na niya ako kung sino ako. Kaya magpapaligaw pa ba ako? Hindi na kailangan 'yon."

"Nangako ba siya na hindi na siya maghahanap pa ng kaagaw mo? Remember? Playboy siya 'di ba? Hindi malayong palitan ka niya."

Napaisip ako sa sinabi niya. Well, hindi nga malayong mangyari iyon pero, naniniwala naman ako na hindi na siya lilingon pa sa iba.

Kilalang kilala ko siya at kapag nagmahal siya ng isang babae iisa lang ang magiging laman ng puso niya at mamahalin niya iyon ng lubos pa sa kanyang sarili.

Naalala ko pa nga yung sinabi niya sa akin dati noong mga bata pa kami...

"Nangangako ako sa sarili ko na kahit sino pang maging karelasyon ko, sigurado akong iisa lang ang magiging laman ng puso ko."

Kinikilig nga ako kapag naaalala ko 'yon. Pinapangarap ko nga dati na sana ako iyong babaeng tinutuloy niya.

Nginitian ko si Crystal. "Alam ko naman 'yon. Pero, mas kilala ko siya kaya mas alam ko ang likaw ng bituka niya. Kumpara sayo na ngayon, ngayon lang nakilala si Casper."

"Okay, fine. Hindi na ako mangingialam sa inyong dalawa." sabi niya sabay irap sa akin at tumingin na siya sa salamin sa harapan niya.

Nang makapag-ayos na kami, sinundo na kami ng isang kasambahay namin dito sa kwarto ko. Dito kasi kami nag-ayos at dito na rin ako inayusan ng make-up artist ko.

Pumunta na kami sa labas at sumakay na ako sa isang car na kulay puti at may bulaklak sa harapan pati na sa paligid nito. Wedding car yata ang tawag dito? Ewan ko. Parang gano'n na rin 'yon.

Pinaharurot ng driver ang kotse. Nakatanaw ng ako sa labas ng bintana habang pinapanood ang ibang mga tao na abala sa kanilang mga gawainsa daan.

- - -

FASTFORWARD»»»»»»»»»»

- - -

///

Casper's POV

---

"Bro!" tawag sa akin ni Hans. Kaya napalingon ako sa gawi nila.

"Mukhang kabadong kabado ka d'yan. Chill ka lang, darating rin si Colleen. Pero sana, hindi na siya dumating para masaya kang makitang masaktan." sabi niya sabay tawa. Loko ka talaga Hans!

Tinitigan ko siya ng masama. "Baka naman gusto mong makita na ang langit ng maaga. O kaya naman, makakita ng ibon sa mga oras na ito."

Nagseryoso siya. Natakot siguro. "Sorry naman. Nagbibiro lang."

"Biro na ba 'yon? Tumawa ba ako? Tsk! Badtrip!" iniwan ko na lang sila.

Ilang saglit pa ang nakalipas nang mapatingin ako mula sa entrance ng simbahan. Napangiti ko nang makita ko ang babaeng pakakasalan ko. Ang makakasama ko habang buhay.

Si Ethel.

Si Colleen.

Si Alex.

Si Alexandra Colleen Ethel Eleazar na mahal na mahal ko haggang dulo ng buhay ko. Iaalay ko ang lahat, mahalin at magtiwala lang siya sa akin na pasasayahin ko siya sa bawat araw na lumipas sa aming buhay.

I will be her hero, knight and forever lovable husband.

Pum'westo na ako sa unahan ng aisle malapit sa altar. Inayos ko ang damit ko. Ayaw kong humarap sa altar kasama siya ng gusot at pangit ang damit ko.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Pinunasan ko ang mga palad ko at nilagyan ito ng sanitizer. Oo na, weird ako ngayon. Talagang kinakabahan lang ako.

Wala pa ring kakupas-kupas ang ganda niya. Kahit na sa malayuan o sa malapitan man, ang ganda niya pa din.

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil minahal niya pa rin ako kahit na medyo tumagilid ako dati sa buhay. Noong naging playboy ako pero, nagbago ako nang dahil sa kanya.

///

Colleen's POV

---

Hindi ko mapigilang mapangiti. Dati kasi, pangarap ko lang ang maikasal sa taong mahal ko. Ngayon, ito na siya. Ikakasal na ako sa matagal ko ng hinintay na lalake para sa akin.

Naluluha rin ako at the same time. Kasi, hindi ko talaga inakala na sa kanya rin pala ang bagsak ko. Idine-deny ko pa nga dati na hindi ako mahuhulog sa kanya. Pero ngayon, anong nangyari? Sa kanya pa rin ako na-in love.

I'm in love with a playboy.

I'm in love with a man that I love.

I love Casper.

We're in the middle of wedding ceremony nang may naisip akong kalokohan na sigurdong papayag silang lahat.

"Guys, guys!" sigaw ko kaya ang lahat ng mga tao dito sa simbahan ay kunot ang noo na tumitig sa akin.

"Masyadong mabagal ang wedding ceremony na 'to eh. Pwede bang palitan na ng vow agad tapos 'Will you kiss your wife' na?" pagkatapos kong mag suggest, nilapitan ako ni Crystal sabay bulong sa tenga ko.

"Are you out of your mind, huh? Ano 'to? Movie? Please fix your f*cking brain! Baka may nawawalang turnilyo d'yan. Pakiayos naman!" mataray nitong sabi saka ako iniwan.

"Well, I'm just kidding." sigaw ko ulit kaya nagtawanan ang nga baliw.

Itinuloy ko na ang paglalakad sa gitna. Nang makarating na ako sa dulo, iniangkla ko ang kanang braso ko sa braso ni Casper saka kami sabay na naglakad patungong altar.

"Napatawa mo na naman ako ngayon, Colleen. Ang ganda mo talagang maging clown ng buhay ko." ani Casper saka ako nginitian na parang wala ng bukas pa.

Kunot ang noo kong tinitigan siya sa mata. "Alam mo? Okay na sana yung maganda eh. Pero, bakit may naisama pang 'clown' sa sinabi mo? Eh never naman ko namang pinangarap na maging payaso." kontra ko.

Alam mo ba kung anong ginawa niya? Tinawanan lang ako tapos noong tinaasan ko siya ng kilay, umiwas siya ng tingin. Anak ng ulupong nga naman oh. Pinagtitripan ba na naman ako nito?

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon