25

528 25 1
                                    

° ° °

Casper's POV

---

"Pero, bro."

Nilingon ko si Hans na kanina pa dada ng dada dito sa tabi ko.

"What?" walang emosyon kong tugon saka itinuloy na ang pag-aayos ng mga damit ko sa closet ko.

And yes, umuwi na nga ako dito sa bahay. Alam kong maba-badtrip lang ako dito. Pero kailangan lang talaga. Kailangan kong kausapin ang Daddy for the arrangement ng kasal namin ni Alex.

Nang matapos na akong mag-ayos, hinarap ko na siya na nakaupo na ngayon sa kama ko. Kita ko ang reaksyon niya mula mga mata niya.

Inirapan niya lang ako. "Ano bang meron sa babaeng iyon at parang patay na patay ka sa kanya? Eh siya nga ang dahilan kung bakit isinugod ka ng Daddy mo sa hospital 'di ba?"

Napaisip ako.

Oo, siya nga ang dahilan noon. Pero, gusto ko siya. Sa totoo nga, nagbago ako ng dahil sa kanya. At ayaw kong sayangin ang bawat sandali na makakasama ko siya sa iisang bahay lang. KAPAG ikinasal na kaming dalawa bilang Mr. and Mrs. Balthasar.

Kahit na ang tingin niya lang sa gaganaping kasal ay para sa paglago ulit ng kompanya namin. Ayos lang sa akin. Atleast, dadalhin nniya ang epilyido ng Pamilya Balthasar kahit saan man siya magpunta. Dala na niya ang epilyidong kinabibilangan ko.

"I know." walang emosyon kong sagot.

"Pero bakit nga siya pa? Marami namang nagkakandarapang mga babae d'yan na mamahalin ka at mas maganda pa sa kanya ah." ba't ba ang kulit at ang ingay nito? Supalpalan ko kaya ng sapatos 'tong bibig niya at ng matigil na sa kakangawa ng kakangawa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh sa ayaw ko nga sila. Tsaka, aanhin ko naman ang mga garapal sa mga gwapong tulad nila kung hindi ko naman sila lubos na kilala?"

Lumapit siya sa akin. "Bakit? Kilala mo na ba si Alexandra Colleen Ethel Eleazar?" tumango ako.

"P-paano?" kunot noo niyang tanong pero nginitian ko lang siya.

Nanlaki ang mga mata niya na parang may naalala bigla. Na siyang ikinakunot ng noo ko dahil sa pagtataka.

"Huwag mong sabihing magkasama kayo sa isla kung saan naroon ka nitong nakaraang mga araw?" nginisian ko lamang siya. Totoo ang sinabi niya. Tama siya na magkasama nga kami ni Alex sa iisang isla that time.

"Woah, bro. Nakakapagtaka!"

"Nakakapagtaka? Ang alin?" takang tanong ko. Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng konting uhaw. Kaya kumuha ako sa sarili kong fridge dito sa kwarto ng isang baso ng tubig.

"Ikaw. Eh hindi ba? Kaayaw mo 'yon dati? May bal ka pa ngang nalalaman. Tapos kung anu-anong pinapagawa mo sa amin ni Elvis." aba! Nagrereklamo pa ang loko.

Uminom ako ng isang lagok ng tubig bago ako kumontra. "Hoy! Bakit ka nagrereklamo? Sinuswelduhan naman kita ng sapat ah--hindi, sobra nga pala yung iba eh."

"Fine! Hindi na ako magrereklamo. I'm just curious lang, bro."

"Tss. Who cares." walang emosyon kong sumbat sa kanya sabay ininom ng diretso ang kinuha kong isang baso ng tubig.

Tumingin ako sa wrist watch ko. It's already four thiry-two in the afternoon. Paparating na ang mga bitch dito sa bahay. Wala namang iba pa kundi ang sarili kong ama at ang ASAWA niya kunno.

Babalik na lang yata ako sa condo ko. Buti doon, wala akong iniiwasang tao dahil ako lang ang mag-isa na naroon.

Ipina-occupied ko pa rin ang condo ko kahit na walang tumitira doon ng pansamantala. May binayaran rin akong staff para linisin at sindihan ng ilaw ang condo ko. Kaya makakabalik ako kahit na kailan ko gusto.

Umupo ako sa couch ko at binuksan ang digital video disc ko at naglagay ng compact disc. Eh sa ayaw ko ngang gumamit ng WiFi para makanood sa Netflix or maybe sa YouTube.

Tsaka trip kong manood ng rom-com movies sa pamamagitan ng old version ng panonood nito dati. Yung hindi kailangan ng load para makanood. Just buy your own copy of compact disc in any compact disc stores.

Wala akong ibang magawa dito sa bahay. Sa sobrang boring, tinawag ko yung isang kasambahay namin.

"Yes, Sir? Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" halata sa boses at kilos nito na nang-aakit siya dahil sa papikit-pikit nitong mga mata at sa pakagat-kagat daliri nito. Urgh! I hete her aura!

Pero kahit na ganoon pa man, ayaw kong kinagagalitan ako ng mga katulong namin. I want them to feel my hot kiss after ko silang utusan.

"Can you please cook some snacks for us? Please?" utos ko saka ito kinindatan.

Then... BOOM!

Namula ang pisngi niya kaya hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa nasaksihan ko.

"Yes, Sir... Of course.." hayy... Nang-aakit pa rin. I can't control myself so, I kissed her neck not once, but twice. Ganyan ako kaadik sa mga babae.

Agad itong tumalima. Ni-locked ko yung pinto para walang makarinig ng totoo kong reaksyon. Pinunasan ko ng tissue na nasa bulsa ko ang bibig ko.

Napalingon ako dito sa kasama ko. Nakanganga lang ang hinayupak kaya niyugyog ko siya. Kumurap-kurap yung mga mata niya saka ako tinitigan.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong trip mo?" inis kong tanong.

"Holy sh*t! Pati ba naman katulong pinapatulan mo. Yuck, bro! Iww! That's too much! Adik ka na talaga." nginisian ko lang siya.

"Inakit ako, pinatulan ko lang. Anong masama doon?"

"Yuck! F*ck, man! Tsk! Nandidiri ako sayo." nangingiwi-ngiwi niyang saad.

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa naging reaksyon niya. Pero sa totoo lang talaga, ang alat na ang asim ng leeg nung matabang maitim na mayordomang iyon. Napilitan lang talaga ako.

And totoo nga narinig niyo mula sa akin. Mayordoma namin siya dito.

Siya si Benda. Ang half kalabaw, half payaso (matabang payaso) namin dito sa bahay dahil sa kakapalan ng balat niya at sa kakapalan ng make-up nito.

"Talagang nakakadiri." tugon ko na siyang ikinakunot ng noo niya.

"Eh bakit ginawa mo 'yon? Kung nandidiri ka rin naman pala." sumbat nito.

Tinitigan ko siya sa mata. "Ayaw kong kinagagalitan ako ng kahit na sinong tao. Okay? Kaya ko nagawa 'yon kasi kasalanan naman niya. Inakit niya ako eh. Natukso lang ako. Kung tutuusin nga, ako ang biktima dito. Dahil kawawa ang mga labi kong tumampi sa balat niyang mamantika. Iww!" nandidiri kong sabi saka umarting nasusuka.

"Tsk! Ewan ko sayo. Ang sabihin mo, namimiss mo na naman ang mga babae mo sa bar. Teka? Bakit hindi na pala kita nakikita doon? Hindi mo na rin dinadalaw yung bar niyo." nagtataka siyang nagtanong sa akin.

Umiwas ako ng tingin. "Binawalan ako ni Alex. Siyempre, para sa ikasasaya niya. Isasakripisiyo ko ang kaligayahan ko para lang sa kanya." sagot ko saka ibinalik sa kanya ang tingin.

"Grabe talaga yung pagkagusto mo sa babaeng 'yon 'noh? Akalain mo 'yon? Yung halos ipa-salvage mo na dahil sa ginawa niya sayo tapos mai-in love ka rin pala sa kanya. Sa nga moves ka rin naman pala niya bumagsak." hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga sinabi niya. Actually, hindi ko nga din akalain na mahuhulog ako sa kanya.

Ilang sandali pa ang nakalipas, may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko. Baka yung snacks na namin iyon.

Binuksan ko ang pinto. Iniluwal niyon ang isang kong katulong. May dala siyang dalawang bowl ng mainit-init pang fries with cheese flavor.

Binuksan ko ang television at DVD saka sinalak ang CD na napili ko kanina. Nagtatawanan kaming dalawa ni Hans habang kumakain ng paborito kong luto ng fries. Yung medyo malutong.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon