° ° °
Colleen's POV
---
Makalipas ang tatlong linggo...
---
Naging okay naman na kami ni Ken. Simula noong nagkasama kami sa ACE (Alexandra Colleen Ethel) Island. Iyon ang pangalan ng sariling isla ko.
Naging maayos naman na ang pakikitungo niya sa akin. Hindi na niya ako binubwisit palagi o kaya naman ay iniinis. Okay na kami ngayon.
Nakauwi na ako. Pero hindi sa bahay namin nila Crystal o kaya sa mansyon namin. Doon muna ako sa condo ni Ken. Doon daw muna siya sa sofa at doon ako sa kama. Pinilit ako kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumayag na lang.
Ayaw ko pang magpakita sa parents ko o kaya pati na sa mga bestfriend ko. Hindi pa ako handang kulitin nila.
"So, paano yung grades natin? Hindi ba bababa?" tanong ko dito sa kasama ko na nag-aayos na ng gamit sa sarili niyang closet. Yung sa akin, naka-bag pa. Pero, ayos lang naman sa akin 'yon.
"Don't worry, ibinilin ko na sa butler ko na sabihin sa lahat ng mga teachers natin na huwag tayong ibagsak. Kung may magbalak man, ipatanggal ko siya sa trabaho niya." ang taray talaga nitong si Ken. Nagagawa niya lahat ng nais niya sa school. Palibhasa anak ng may-ari.
"Ahmm.. Alam na ba ng Daddy mo na nandito ka na? Tayo?" pang-iiba ko ng usapan.
Nilingon niya ako. "Hindi naman. Wala namang pakialam sa akin 'yon eh." bakit ganito umasta ang lalakeng 'to sa mga magulang niya?
Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa oag-aayos ng mga gamit sa closet at ng matapos na ay umupo sa tabi ko dito na nakaupo sa couch.
"Ikaw? Alam ba nila na nandito ka sa condo ko?" baling niyang tanong kaya napaiwas na lamang ako ng tingin saka umiling.
Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa oag-aayos ng mga gamit sa closet at ng matapos na ay umupo sa tabi ko dito na nakaupo sa couch.
"Ikaw? Alam ba nila na nandito ka sa condo ko?" baling niyang tanong kaya napaiwas na lamang ako ng tingin saka umiling.
"Ayaw mo pa bang makipag-usap sa mga parents mo?" umiling ulit ako bilang sagot sa tanong niya.
"Bakit? Dahil kukulitin ka ba nila para pumayag sa kasal?" tumango ako. Ayaw kong magsalita. Sayang layaw ko. Hindi ko naman kailangang mag-explain para makasagot sa mga tanong niya. Kaya tango at iling na lang muna.
"Sa bagay. Well, ako rin naman. Masyado pa tayong bata for that. Wala pa tayong experience sa ganitong sitwasyon." saad niya.
"So, ano ng plano natin? Hindi naman natin pwedeng takasan ito. Kahit na takasan man natin, may magbabago ba? Wala naman 'di ba? So, paano na?" wala na talagang ibang choice eh. Kailangan naming magkaisa sa iisang desisyon para maayos na ito.
"Eh kung... Pumayag na lang tayo?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya napatitig ako sa kanya na nakangiti pa
"Nababaliw ka na ba talaga, Ken? Seriously?! Hindi ba't kasasabi mo pa lang na masyado pa tayong bata para ikasal? You're just a nineteen years old. Samantalang ako, I'm only eighteen years old. Halos isang taon lang ang pagitan natin. Gosh! Hindi ko pa kayang manganak 'noh! Ang bata ko pa kaya para manganak." tsk! Baliw na talaga siya.
Nakuha pa talagang matawa sa sinabi ko ah. Nakakainis talaga ang lalakeng 'to kahit kailan.
".. hahaha! Ang advance mo naman mag-isip. Hindi ba pwedeng ikakasal lang tayo para sa negosyo? Hahaha! Akala mo naman papatulan kita sa ganyang edad mo. Huwag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakagalit mo. Mamaya baka mapat mo pa ako. Hahahahahaha..." walang hiya talaga ang lalakeng 'to. Ang feeling! Akala mo papatulan naman kita! No way! Hinding-hindi! Yuck!
"Fine! Papayag lang ako sa isang kondisyon." oo ah! Dapat talaga may kondisyon. Para nam maukhang kasal talaga kami at sa akin lang ang buong atensyon niya.
"Ano naman 'yon?" this is it!
"Huwag ka ng mambababae. Mangako ka sa akin na ititigil mo na ang pambababae mo. Maliwanag?" oo ah! Para umayos naman kahit pa paano ang buhay mong letse ka.
"What?! Hindi pwede!"
"Eh bakit hindi pwede? Ano bang dahilan mo kung bakit ka nambababae? Sabihin na nating kumokolekta ka ng mga babae. Pero, bakit nga?" hindi ako naniniwala na wala siyang isasagot na dahilan. Sigurado akong meron 'yan.
"N-nothing. I just want to enjoy my nights and days with them. Ang sarap kaya sa feeling na may ka-fling ka gabi-gabi." pasmado yata bibig nito. Bigwasan ko kaya para matauhan na hindi nakakasakit 'yong ginawa niya.
"Tsk! Galawang playboy nga naman." naiiling kong kumento na siyang ikinatawa niya.
"Basta.. Bawal na iyang mga ginagawa mo kapag pumayag na ako na pakasalan ka. Bye, magkakape muna ako sa labas. Sumunod ka na lang kung gusto mo." dire-diretso kong sabi saka lumabas na ng condo niya at bumaba patungo sa pinakamalapit na coffee shop dito.
///
Casper's POV
---
Sinundan ko si crush--ah este.. Alex papalabas ng condo ko. Siyempre, magkakape rin ako malamang. Gusto ko rin namang humigop ng mainit na kape habang nagrerelax doon. Napagkasunduan kasi naming dalawa na huwag mung pumasok. Kailangan pa naming ayusin yung mga problema namin.
Habang naglalakad, palinga-linga ako. Tinitignan ko kung saan nag coffee si Alex para doon rin ako. Kailangan ko pang linawin lahat ng mga tanong na kanina pa gumugulo sa akin.
Bakit ba gusto niya akong tumigil sa bisyo ko na mambabae? Bakit? Nagseselos ba siya? May gusto na rin ba siya sa akin? O talagang nagfi-feeling lang na naman ako? Haysst! Ang hirap nam kapag crush mo yung nagsabing tumigil na sa bisyong nakasanayan mo na.
Gano'n talaga siguro kapag mahal mo. Mas pipiliin mo yung makakapagpaligaya sa kanya kaysa sa ikaliligaya mo. Sabi ko na nga sa inyo dati na crush ko siya. Gusto ko siya. Iba kasi yung dating niya. Ang cool niya kayang babae. Kahit na labanera at ipokrita, ang cute pa rin niya.
Ewan ko ba! Basta pagdating sa kanya, madaling maghilom ang galit at inis ko. Madali ng maging malambot yung puso ko. Tsaka kapag kasama ko siya, ang saya-saya ko. Iba yata talaga kapag in love ka ng hindi mo sinasadya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...