27

515 30 3
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa kanya. Ang inakala ko, kinalimutan na niya ako noon.

Naalala ko pa yung letter na umamin ako sa kanya. Pero wala naman siyang ipinadala pabalik na sulat niya sa sulat na ipinadala ko. Kaya inakala ko na tuluyan na niya akong kinalimutan.

Dahil bata pa ako masyado, ipinapaabot ko kila Mommy yung sulat. Tinatanong ko nga sila noon kung naipadala na nila kapag dumarating na sila galing trabaho. Oo naman daw.

Lumipad kami patungong ibang bansa noon para doon lang ako mag-aral. Last letter na ibinigay ko sa kanya ay iyong nagkaroon ako ng sakit na malala na inakala kong ikakamatay ko pero hindi naman pala. Laking pasasalamat ko at gumaling ako.

Sinubukan ko siyang ipahanap sa mga tauhan ng Daddy ko pero ni isang balitang makapagtuturo sa akin kung saan sila lumipat, wala akong naging balita.

Ang tanging balita na nakarating sa akin ay lumipat na raw sila at ibinenta ang lupang ibinigay ni Daddy para gamitin sa pagsisimula ulit nilang mag-ama. Then after noon, wala na akong balitang natanggap.

Kaya nagulat ako kanina kung bakit hawak-hawak niya ang last picture namin ng childhood crush ko. Tama nga kayo, childhood crush ko si Neth-neth. Pero kinalimutan ko yung pagkagusto ko sa kanya dahil nagtatampo pa rin ako kung bakit hindi na siya nagpapadala ng sulat noon. I hate him!

"I-ikaw si Ethel?" nauutal nitong tanong sabay duro sa akin.

"Oo at ako ang nasa picture kasama si Neth-neth.." muling kumunot ang noo ko. "Bakit mo sinasabing ikaw ang kasama ko dito? Eh si Neth-neth ang kasama ko dito sa picture." kunot-noo kong sabi sa kanya saka tinitigan ulot ang picture.

Then maya-maya pa'y, biglang may yumakap sa akin at bumulong.

"Kung dati ko pa sana nalaman, eh 'di sana matagal na kitang niligawan. Miss na miss na kita, Ethel ko. Kahit na hindi ka naniniwalang ako iyang nasa picure kasama mo, gusto ko lang ipaalam sayo na ako talaga si Neth-neth." bulong nito sa akin saka hinalikan ang pisngi ko na siyang ikinagulat ko. Tumakbo siya paalis. Hinabol ko siya pero hindi ko na siya inabutan pa. Kaagad siyang nakalabas ng main door namin.

"Siya si Neth-neth?" bulong ko sa hangin at muli kong tinitigan ang litrato.

Hindi ko mapigilang kiligin sa mga ibinulong niya sa akin bago siya umalis. Ang tinataray-tarayan ko pala ay ang dating childhood friend/crush ko.

Teka? Kung siya si Neth-neth, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit sa hinaba-haba ng panahon walang sulat ang nakarating sa akin?

Sinadya niya kayang hindi ako padalahan ng sulat? O sumusulat siya pero may taong sadyang ayaw ito ibigay sa akin.

Punong-puno ng tanong ang utak ko. Gusto kong malaman ang bawat dahilan. Pero saan ko siya hahagilapin ngayon? Hayst!

Natigilan ako sa pag-iisip nang may biglang magsalita sa likuran ko. Ang isang Yaya namin.

"Ms. Colleen, pinapatawag na po kayo sa dining area ng Mommy niyo. Kakain na raw po kayo." magalang nitong sabi saka ako ulit iniwan.

Napalingon muna ako sa maindoor na pinaglabasan ng lalakeng gustong-gusto kong makausap. Saka tuluyan ng pumunta sa dining area.

///

Casper's POV

---

Hindi ako dumalo sa dinner na hinanda nila Tito Christian. Pumunta ako ng bar. Gusto kong mag celebrate ngayon.

Tinawagan ko ang dalawang kaibigan ko para pumunta rito sa bar na pinuntahan ko. Ilang minuto pa ang nakalilipas, dumating na sila.

"Anong meron?" takang tanong ni Hans.

"I just want to celebrate."

"Celebrate what?" kunot ang noong tanong nam ni Elvis.

"Nakita ko na ang matagal ko ng gustong makausap at mahanap." sagit ko kaya mas lalong kumunit ang mga noo nila.

"Are you crazy? Kung ano-anong pinagsasabi mo." ay! Oo nga pala. Walang alam ang Hans na 'to. Wala silang kaalam-alam na si Ethel at si Alex ay iisa lang.

"I guess, nilipad na ng hangin yung utak niya kaya kung ano-ano ng mga pinagsasasabi niya." singit naman nitong Elvis na 'to saka tumawa ng mahina. Kaya siniko ko siya.

Napa 'ouch!' siya sa ginawa ko.

"Ang childhood crush ko at si Alexandra Colleen ay iisa." walang emosyon kong saad kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Oh! That's great! Mapapangasawa mo na pala ang babaeng pinapangarap mo noon. Kaya lang, napakamalas naman niya dahil babaero ang magiging asawa niya." isa na lang talaga Elvis, tatamaan ka na sa'kin.

"Tss. Nagbago na ako, bro." taas noo kong sumbat.

"Psh! Ewan ko sayo." nakangisi nitong tugon saka pumwesto na sa isang stool sa harapan ng bar counter.

"Uyy! Huwag mo nga akong iwan, Elvis! Ako dapat ang mauunang maka-order! Hoy!" sigaw nitong si Hans na hindi pa rin nagbabago. Ginagawa pa ring tubig ang alak.

Hindi ako sanay na umiinom ng alak kaya iniwan ko na sila dito at sa girls ako pumunta. Namiss ko ang mambabae! Grabe!

"Hi, beautiful!" bati ko sa isang babae saka hinalikan ang kanang kamay niya. Tumayo ito at inakbayan ako. Ako naman, inilagay ko ang kaliwang braso ko sa beywang niya.

"I miss you, Mr. Hunk.." ang hot ng pagkakabanggit niya. Oh, god..tulungan mo po akong lumayo sa tukso.

"Can I ask you something?"

"Yes. What is it?" kaagad na tugon nito.

"Anong klase ng mga regalo ang hanap ng mga babae ngayon? Bukod sa flowers, chocolates and love letters?" tanong ko sa kanya.

Napahawak siya sa baba niya na mukhang nag-iisip ng isasagot.

"Ahmm.. I think you should ask her first. When it comes to choosing a special gift for someone, I'm not expert d'yan eh." maarte nitong sagot.

"Okay." tumatango-tango kong komento saka inalis ang pagkakaakbay niya at bumalik na sa pwesto ng mga kaibigan kong nagtatawanan.

Si Elvis, ngayon ko lang ulit nakitang uminom iyang lalakeng iyan. Madalang lang kasing uminom iyan kapag nakakapunta sa mga bar tulad nito.

Kadalasang ginagawa niya sa loob ng bar? Tumitipa sa keyboard ng kanyang laptop. Laptop at libro ang palaging dala. Nag-aaral ng mabuti. Akala mo naman hindi bad boy.

Ang tunay na good boy, hindi babaero at hindi rin umiinom ng alak o humihithit ng sigarilyo. Siya kasi kakaiba, ginagawang anghel ang sarili kahit na mahilig rin naman siya sa alak.

Napahinto ng tawa si Hans at nilingon ako na nasa likuran nila. "Oh, what brings you here? Ang akala ko ba magsasaya ka sa mga babae mo doon. Ba't bigla kang nagpunta rito? Mukhang multo ba yung babaeng umakbay sayo kanina?" walang hiya talaga nito.

"Or talagang naging maarte ka na sa mga babaeng pinapaikot mo ngayon? Hahaha!" singit naman nitong si Elvis.

Parehas na walang hiya! Tinawanan pa talaga ako ah. Mga wala na namang mapagtripan. Kaya ako ang binalingan. Mga lintik talaga ang mga utak ng dalawang mokong na 'to.

"Walang kwenta yung nakausap ko kaninang babae. Walang naitulong. Panay pang-aakit lang ang alam." bored kong sagot.

Napakunot sila ng noo. Kaya tumawa na lang ako. At dahil sa pagtawa ko, inirapan lang ako ng dalawa at muli ng humarap sa bartender na ngayon ay nagpapamalas ng talento sa pagpapalipat-lipat ng mga bote niyang hawak sa kamay niya.

Ayaw kong malaman nila na ginagamit ko ang mga babae ko para sa balak kong panliligaw kay Ethel na hindi ko nagawa noon.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon