41

481 24 2
                                    

° ° °

Casper's POV

---

Alam kong nagseselos siya. Dahil kung hindi, hindi naman niya siguro itatanong yung gano'ng tanong hindi ba? Tsaka mahahalata ko naman sa ekspresyon ng mukha niya kung nagtatanong lang ba talaga siya o may iba pang dahilan.

Nang makatakbo na si Ethel papasok sa mansyon nila, biglang nag-ring yung phone ko na nasa bulsa ko lang.

Dinukot ko iyon saka sinagot. Si Hans ang tumatawag. Baka may importanteng sasabihin sa akin ang mokong na 'to kaya napatawag.

["Napatawag ako dahil kanina pa nandito sa bar ko ang ex-fiancé mo, umiiyak."]

Ano na nam kayang problema ng babaeng iyon at naglalasing? Baliw na ba siya? Sinisira niya ang buhay niya nang dahil lang sa akin?

"Ihatid mo na kung gusto mo, bro. Wala na akong pake d'yan kahit maglasing pa siya ng maglasing. Bahala siya sa buhay niya."

["Grabe ka naman yata, Casper. Kahit na may fiancé ka na, hindi mo naman maitatanggi na naging part pa rin ng nakaraan mo si Audrey."]

"Bro, umiinit ang ulo ko sa tuwing naaalala ko yung mga kagaguhang pinaggagagawa niya. Kaya hindi mo ako masisising magalit sa kanya."

["If that's what you want. Sino ba naman ako para makialam sa kung anong away ang meron kayo? Sige na, bro. Ihahatid ko lang sa bahay nila itong babaeng 'to."]

"Sige, bro."

Pinatay ko na ang tawag. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko dahil may naalala akong puntahan sa tuwing nagkakaganito ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako kaagad.

"Casper?" rinig kong tawag niya.

Liningon ko siya. "Colleen? Bakit nandito ka pa? Bumalik ka na doon. Hindi ba't kakausapin ka para sa magiging plano mo after ng kasal na'tin?"

Lumapit siya sa akin. "Sa tingin ko, may kailangan kang i-explain sa akin. Kailangan ko ng totoong sagot." walang emosyon niyang sabi saka ipinakita sa akin ang nasa phone.

"Ano ang ibig sabihin nito?" mahinahon niyang tanong

Yung post lang naman ni Audrey ang nakita ko sa phone niya. Ano 'yon? Nagseselos siya ng walang kami? Huh! Hindi pwede 'yon. Liligawan ko talaga siya sa oras na malaman kong nagseselos siya sa amin ni Audrey.

Nginitian ko siya saka nagpamulsa sa harapan niya. "Alam mo? Nakakapagtaka lang. Nagseselos ka ng wala namang tayo." ibinaba niya yung hawak niyang phone.

"Tsk! Nagtatanong lang ako. Masama ba 'yon?" halata sa boses niya ang pagkairita.

Ngumisi ako. "Nagseselos ka. Huwag mo nang i-deny."

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Baka naman, kayo na talaga. Ayaw mo nga lang sabihin sa akin." ikrinus niya ang kanyang dalawang bisig sa ibabaw ng kanyang dibdib at mataray na tumitig sa akin.

Lumapit ako ng bahagya. "Walang kami. 'Yang picture namin na i-pinost niya, mga picture namin iyan na hindi niya lang nai-post noong kami pa." lumapit pa ako ng lumapit. Siya naman, paatras ng paatras.

"Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi na kita papalitan pa. Because..." hinawakan ko ang kanang kamay niya. "I love you.. At hindi na kita pakakawalan pa." then I hugged her tightly.

Inilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya. "Don't worry, nangangako akong kahit na ano ma'ng mangyari hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. Isang tawag mo lang nandito kaagad ako sa tabi mo." bumitiw na ako mula sa pagkakayakap sa kanya.

Napayuko siya pero halata ko sa mukha niya na namumula ang pisngi niya. Ang dali lang pala niyang pakiligin. Pati tuloy ako, kinikilig.

Napagisip-isip ko, eh kung ngayon na lang kaya ako humingi ng permiso para ligawan siya? Papayag kaya siya?

"Ahmm.. Colleen?" tawag ko sa kanya.

Tumingala siya pero wala na yung pamumula ng pisngi niya. "B-bakit?"

Lumuhod ako sa harapan niya na siyang ikinagulat niya. Hinawakan ko ang malalambot niyang palad.

"Colleen, may gusto sana akong sabihin sayo." nakayuko kong saad. Medyo dinapuan kasi ako ng hiya.

"A-ano ba 'yon? Tsaka b-bakit ka nakaluhod? Tumayo ka nga." pinilit niya akong patayuin pero ayaw ko.

"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ko nasasabi ang matagal ko ng gustong sabihin sayo." pigil ko sa pamimilit niyang patayuin ako.

Huminga ako ng malalim bago nagsalitang muli. "Colleen, gusto kitang ligawan. Matagal ko ng gustong sabihin ito sayo. Kaya lang kapag kaharap na kita nawawala na yung lakas ng loob ko." dugtong ko.

"Eh, bakit mo ngarod ako kinakausap ngayon kung kinakabahan ka pala kapag kaharap mo ako?" namilosopo pa aga ah.

"Colleen, huwag ngayon. Seryoso ako, gusto kitang ligawan."

Inobresbahan ko ang magiging reaksyon niya. Nanlaki ang mga mata niya nang dahil sa sinabi ko. Well, hindi ko rin naman siya masisisi kung nagulat ko siya.

"Huh?" mukhang gusto niya pang ulit-ulitin ko para pumasok sa utak niya na gusto ko talaga siya.

Tumayo ako. Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "You know what?.." kinuha ko ang kaliwang kamay niya at itinapat iyon sa dibdib ko kung saan banda nandoon ng puso ko. "Hindi lang naman kita gusto eh.. Because I already learned how to love a girl like you, Colleen. You are my world and my everything kaya hinding-hindi kita kayang palitan. Dahil wala na akong hahanapin pa sa iyo. Nasa iyo na ang lahat. Ang akala ko nga hindi na kita makikita pa ulit. Pero ngayong nandito ka na, hinding-hindi na kita hahayaan pang mawala sa tabi ko." saad ko saka hinalikan ang noo niya.

Narinig kong humihikbi siya. Kaya napakunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya nang matapos kong halikan ang noo niya.

Lumayo siya ng bahagya sa akin. "H-hindi ah. Masaya lang ako kasi hindi ko ito inaasahang mangyari. Dahil sa buong akala ko, never akong nagustuhan ng dati ko ng gustong tao. Ang akala ko nagkamali lang ako ng pagkarinig dati na ikaw na si Casper at si Neth-neth ay iisa na parehas kong minahal bilang kaibigan."

Napakunot ulit ang noo ko. "So, kaibigan langang tingin mo sa akin? Ang akala ko ba naging crush mo rin ako."

Natawa siya. "Sinabi ko rin bang hindi na kita gusto?" biglang namula ang mga pisngi ko nang marinig ko ang binanggit ni Colleen. Totoo ba 'to? Gusto niya rin ako?

"A-anong sinabi mo?" s'yempre bingi-bingihan lang ako. Gusto ko ngang makasiguro kung totoo nga ba o hindi.

"Gusto kita at.. mahal kita? Basta! Ga--"hindi ko na ya pinatapos. Basta hinalikan ko na lang siya na siyang ikinagulat niya noong una pero gumanti rin naman siya ng halik.

"I love you, Colleen. Mamamatay ko kapag inagaw ka ng iba sa akin."

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon