38

437 25 0
                                    

° ° °

Casper's POV

---

Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog sa kama dito sa condo ko. Bumangon na ako saka pumunta ng banyo. As usual, nagmumog, nag-umagahan, nag toothbrush, naligo, nagbihis at pumunta na ng school dala ang mga gamit ko.

Nagpahatid ako sa driver ko dahil tinatamad akong magdrive.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng biglang tumunog ang phone ko sa bulsa ng suot kong seda kaya kaagad ko iyong tinignan.

Si Hans.

Ano na naman kayang trip nito at napatawag na lang bigla?

"What do you want?" walang emosyon kong bungad.

Alam kong may kailangan ito sa akin kaya napatawag. Kapag hindi siya binigyan ng allowance ng Daddy niya, tinatawagan niya ako.

Magaling siya kapag may kailangan siya. Kapag wala na, sa alak na ang buong atensyon niya.

["Kailan mo balak i-check yung Facebook post ni Audrey na naka-tag ka?"]

"Anong pinagsasasabi mo? I don't have a time to check some bullsh*ts of that girl, man."

["I think, kailangan mong makita ang nakita ng iba na kagaguhan na naman ng ex-fiancé mo, dude."]

Kahit na nagtataka ako, sinunod ko pa rin yung sinabi niya. Binuksan ko yung account ko at nagulat ako sa nakita ko.

Ang mga pictures namin na akala ko ay binura na niya noong nakipaghiwalay siya sa akin. Is she using this way para bumalik ako ulit sa kanya? Is she trying to manipulate Colleen's feeling para magalit ito at hindi na pumayag na pakasalan ako? Or maybe.. pinapaalala niya lang kung gaano kasakit na mapag-iwanan ng taong minahal mo ng sobra na ang akala mo rin ay mahal ko niya. Pero, pinerahan ka lang pala at hindi kailanman na minahal.

"I saw it." walang emosyon kong tugon sa kabilang linya.

["See? Ano pa kayang ibang plano niya para tuluyan niya kayong mapaghiwalay ni Colleen? I think, you should talk to her about this. Ano na lang ang magiging reaksyon ng fiancé mo kapag nakita niya ito hindi ba?"]

Kahit na ayaw kong kausapin ang babaeng pinaka kinasusuklaman ko, wala akong choice na pwedeng ibang gawin maliban sa sinabi ni Hans.

I'm trying to call Audrey's phone but, I guess she turned it off kasi hindi ko siya matawagan. Sigururado ako na alam niyang tatawagan ko siya dahil sa ginawa niya. Sh*t!

Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Nadatnan ko siyang nakaupo sofa sa living room at may binubuklat na mga catalogs na nakalapag sa may lamesa.

"Hey! What brings you here?" bungad niya nang mapansin ako na nakatayo sa may harapan niya habang nakapamulsa.

"What do you want me to do para matigil 'yang mga kalokohang pinaggagagawa mo? Do you need money? How much? Million? Billion?"

Tumayo siya sa kinauupuan niya at pabagsak na inilapag ang catalogue sa lamesa. "I want you back. That's what I want. I don't need your money or what so ever things that you have. Be mine again and I'll promise, I'll keep you forever at hindi na pakakawalan pa. Just give me another chance para itama lahat ng mga pagkakamali ko."

"What did you say? Another chance? Oh c'mon, Audrey. Ano ako? Tanga na paiikutin mo ulit para mahuthutan? Tsk! Huwag na lang. Tsaka pwede ba, itigil mo na g pangugulo sa amin ng fiancé ko."

"Why? Tss. I'm not scared, Casper. Kailan pa ba ako natakot sa mga pananakot mo? Hindi nga katakot-takot eh."

"Tsk! Sa oras na galawin mo siya kahit na isang hibla lang ng buhok niya, lagot ka sa akin. Baka mapatay kita ng wala sa oras. Binabalaan kita, Audrey!"

"Matatakot na ba ako niyan? O maeexcite. Kasi minsan pa lang makakakilala ang fiancé mo ng mamatay tao na katulad mong gwapo. Oh, kawawa naman siya. Playboy na nga ang mapapangasawa niya, mamamatay tao pa. Ang saklap lang." aba! Talagang iniinis pa ako lalo nitong babaeng 'to.

Baka gusto niyang makakita ng limang ibon na lumilipad sa may ulo niya ng wala sa oras.

Ang hindi niya alam, may dala akong baril sa likuran ko. Kahit na madyngisan ang nga palad ko para lang hindi mawalay sa akin si Colleen.

Binunot ko iyon. Alam ko namang may kaso ang pagtutok ng baril sa mga taong inosente kaya, inilabas ko lang iyon saka nilaro sa harapan niya. Kapagk'wan ay pinapaikot-ikot ko sa mga palad ko.

Wala akong balak na iputok ang baril sa kanya dahil makukulong ako kapag ginawa ko iyon na hindi siya ang yung sumusugod.

Kapag lumaban siya,...

BANG!

Kaya kung ako sayo, Audrey... itigil mo na lahat ng plano mo. Kung hindi, baka mapilitan akong gamitin ang lahat ng mga nalalaman ko para mapabagsak ka.

Marami akong alam na mga maling gawain noon ng babaeng 'to noong kami pa. Nasa akin ang lahat ng ebidensya na magpapatunay na hindi inosenteng tao ang taong ito.

Bakit? Marami siyang pinahirapang tao. Marami siyang pinatay. Pati sarili niyang pinsan, pinatay niya. Kaya nakipaghiwalay ako hindi lang dahil masama siyang tao. Dati rin siyang kasapi sa isang gang na nagbebenta ng mga illegal drugs sa lahat ng mga bar na alam nila.

"A-anong balak mo?" napaatras siya habang ako, ine-enjoy ang paglalaro ng baril habang nakangisi na parang demonyo.

"Papatayin mo ako?! No! Hindi mo magagawa sa akin 'yan!" sigaw niya saka may binunot na kutsilyo sa bulsa.

Tinignan ko siya habang hindi pa rin inaalis ang ngisi sa aking mga labi. "Ano sa tingin mo? Kakayanin ba ng kutsilyo mo ang hawak ko?"

Tumawa siya saka hinagis ang kutsilyo. Buti na lang, nakailag ako. "Paano ba 'yan? Ikaw ang naunang nanghagis ng bagay na nakakamatay? Ako naman ah." itinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko. "Kung hindi mo pa ititigil lahat ng mga balak mo, baka ilabas ko ang mga natatago mong baho. Sa susunod, magdahan-dahan ka at kilalanin mong mabuti lahat ng mga kinakalaban mo. Para hindi ka nagmumukhang tanga." halata sa pagkakasabi ko na galit ako pero hindi ako sumigaw na katulad ng ibang nagagalit na nambubulyaw pa.

Umalis na ako sa bahay niya. Nagmadali na akong sumakay ng kotse at pinaharurot iyon ng mabilis. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka kung ano pa'ng magawa ko sa kanya.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon