33

492 27 0
                                    

° ° °

Crystal's POV

---

"Ano bang problema niyan?" tanong sa akin nitong si Honey saka ngumuso sa kaliwang side ko, na kadarating lang dito sa tabi ko. Galing kasing CR, nagbanyo lang sandali.

Humarap ako sa kanya. "Ewan ko. Tanong mo sa kanya." suggest ko.

Umupo siya sa kanang side ko. "Huwag na. Mas magandang makapagisip-isip siya. Mukha kasing malalim ang iniisip niya." saad niya sabay kuha ng tubig sa bag niya at uminom doon sa tumbler.

* * *

"Class dismissed."

Kasabay ko ngayon si Honey pauwi sa bahay namin. Sa bahay nila nakatira si Colleen kaya okay lang na hindi namin siya kasabay.

Kanina ko pa napapansin na parang wala sa sarili itong si Colleen. Hindi ko naman kayang tiisin sarili ko kasi nag-aalala na talaga ako sa kanya.

"Huy!"

Napaigtad siya. Mukha talagang nagulat. Well, ginulat ko naman talaga siya.

"Ikaw pala, Crystal." mahinahon niyang sabi saka nagpatuloy lang sa paglalakad na parang walang nangyari.

May kutob talaga ako na mahal na niya si Casper kaya siya nagseselos ngayong nalaman niyang umaaligid-aligid ang ex-fiancé nito sa future husband niya.

Kung ilalagay ko ang sarili ko sa kalagayan niya, talagang masakit. At the same time, nakakalito. Kasi yung taong pilit mong itinataboy kahit na alam mo sa sarili mong masaya ka sa tuwing kasama mo siya ay pwede ng bumalik sa dati niyang minahal bago ka pa dumating sa buhay niya.

Ngayon parang napagisip-isip ko lang. Kailangan ni Colleen ng peace of mind na isang tao lang ang makakapagbigay sa kanya no'n.

Si Gab.

///

Gabriel's POV

---

Nasa sala ako ngayon, kumakain ng snacks. Kakauwi ko lang kasi galing school. Dito ako gumagawa ng assignments and projects ko.

Ayaw ko sa kwarto ko. Makalat akong tao eh. Buti na lang wala ang parents ko dito. Nasa Amerika sila, may inaasikasong mga papeles ng kompanya.

Hindi ko pinapalinis yung kwarto ko sa mga katulong namin dito sa bahay. Sa susunod na lang para minsanang linisan. Tsaka, minsanang sahod? Ah basta, saka na lang.

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng mga assignments ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Tinignan ko ang screen. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalang lumitaw sa screen ng phone ko.

Si Crystal.

Ano kayang kailangan niya?

Sinagot ko agad ito at inihinto ang ginagawa ko. Pumunta ako ng swimming pool area.

"Hello, Crystal? Bakit ka napatawag bigla?" panimula ko mula sa kabilang linya.

["Free ka ba bukas?"]

Free nga ba ako? Sa pagkaalam ko kasi may projects pa ako na tatapusin na ipapasa sa Monday.

"Hindi eh. Bakit?"

["May kailangan kasi ako sayo. Pero, 'di bale na lang. Busy ka eh."]

DING! DONG!

Napakunot na naman ako ng noo nang marinig ang doorbell ng bahay namin na tumunog. Sa pagkakaalala ko, wala naman akong inaasahang bisita ngayon.

"Okay. Papatayin ko na ah. May tao yata sa labas ng bahay. Bye." sabi ko saka pinatay ang tawag.

DING! DONG! DING! DONG!

Dumiretso ako papuntang main door para tignan ang taong kanina pa patunog ng patunog ng doorbell sa labas.

Nagulat ako nang makita kung sino ang nasa labas.

Bakit siya nandito?

Ang akala ko ba ayaw niya ako?

Pero bakit siya nagpakita sa akin?

"C-colleen?"

///

Honey's POV

---

Umupo ako sa tabi ni Crystal sa may couch niya sa loob ng room niya. Ibinaba ko sa mini table niya yung in-order kong food with drinks kani-kanina lang.

"Crystal?" tawag ko sa kanya.

Nilingon niya ako. "Hmm?"

"Bakit wala pa si Colleen? Nasaan ba siya?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Pwede bang isa-isa lang yung tanong?" nakakainis naman 'to. Ang arte.

"Ay? Ganon?" sarkastiko kong tugon.

"Oo."

"K." tsk! Arte talaga.

"First, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Pangalawa, wala rin akong kaalam-alam kung bakit siya umalis." umayos siya ng pagkaupo. "Alam mo namang malihim yung kaibigan natin na 'yon. Hindi nagpapasabi."

Oo nga naman. Tama naman siya. Masikreto talaga ang babaitang iyon. Walang pasabi basta aalis na lang siya ng wala kaming kaalam-alam. Lalo na kapag personal yung dahilan ng pagpunta niya sa isang lugar. Hindi niya sinasabi para hindi kami makasama.

Pansin kong ang weird niya nitong mga nakaraang araw. Napagisip-isip ko lang.

Hindi kaya...

"Hindi kaya naghanap siya ng lugar na walang makakakita sa kanya tapos magpapakamatay siya dahil maaagaw na ng Audrey na 'yon si Casper?" nanlalaki ang mga mata kong nakatitig kay Crystal habang sinasabi ang mga linyang ito.

Napakunot ang noo niya.. SAKA AKO ITINULAK KAYA NAPASALDAK AKO SA SEMENTO! Bwisit!

"Aray ah." reklamo ko.

Itulak ba naman ako bigla ng pagkalakas-lakas.

"Alam mo? Ang OA mo masyado." nagpameywang siya saka tumayo sa harapan ko. "Bakit? Ganyan na ba ka-tanga si Colleen para gawin niya 'yon? Oh c'mon, Honey. Ang tagal na nating kaibigan si Colleen pero parang hindi mo pa rin siya kilala ng lubusan hanggang ngayon."

"Sorry naman." saad ko saka tumayo mula sa pagkakasaldak. Ang sakit talaga ng balakang ko. Argh!

"Alam ko na alam mong hinding hindi niya magagawa 'yon."

Tama na naman siya. Bakit ba kasi ang tanga ko? Alam ko na ngang hindi magagawa 'yon ni Colleen kahit na ilang beses pa aiyang ma-depressed. Hindi naman kasi siya yung tipo ng tao na walang naiisip na paraan para masolusyonan ang isang problemang kinakaharap niya. Alam niya sa sarili niya na kakayanin niya lahat.

Possitive thinker siya. Never pa kasi namin siyang narinig na magsalita ng patapos. Yung tipong wala na talagang pag-asa na masusolusyonan pa yung problema.

Ang palagi niyang ipinapaalala sa amin na...

"Kahit na ano mang pagsubok ang dumating. Kahit na ilang problema pa ang dumaan, alam nating may iba pang paraan para maresolba o masolusyonan iyon."

Iyan ang katagang pagi niyang sinasabi sa tuwing may problema kaming kinakaharap. Kaya kahit na gaano man kabigat ang problemang kinakaharap naming tatlo, hindi kami sumusuko.

Kasi once na sumuko ka, talo ka. Pagsisisihan mo ang lang ang desisyon mong magpatalo sa huli.

Saglitang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa na binasag ko naman kaagad dahil nakaramdam ako ng gutom.

"Sige, kakain muna ako. Kukuha ako ng food sa fridge tapos kukuhanan na rin kita." sabi ko saka nagpatuloy na sa paglalakad papuntang kusina.

"Wait!" napahinto ako nang bigla niyang sabihin iyon. "Hindi akk naguhutom kaya ikaw na lang kumain." pahabol niyang saad.

Oo nga pala naalala ko. Nagbawas pala siya ng timbang. Kaya ayaw mag miryenda. Tsk! Bahala siya.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon