37

443 27 0
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Pinatawag ako nila Mommy sa mansyon para sa paghahanda sa nalalapit naming kasal ni Casper na magaganap sa Sabado.

"Anak, ano bang gusto mong style ng isusuot mong wedding gown?"

"Mom, I don't need an expensive wedding gown. I need a simple but fasionable dress." simpleng sagot ko habang nagtitingin sa catalogue na pagmamay-ari ng isang wedding dress designer.

"Colleen, we're rich. We can buy any wedding gown in any price. Maybe an expensive one. O kaya naman half a million pesos ang price, kaya na'ting bilhin. So, what's with that simple but fashionable dress, if you can buy a dress who will give you a most beautiful look?"

"Mom, this wedding is for Casper's Dad company. Hindi para sa aming dalawa. So, we don't need to buy a most expensive gown." sumbat ko.

"Okay, ikaw ang bahala. Basta, I'll buy a gown na babagay sayo pero hindi masyadong mahal."

"Thank for understanding, Mom." then niyakap ko siya.

She hugged me back. "You're always welcome, anak. Basta para sa ikakasaya mo,.." bumitiw siya sa pagkakayakap. "Suportado ako at ang Daddy mo." dugtong niya saka hinalikan ang noo ko.

Ipinagpatuloy ko na ang pamimili ng wedding gown na susuotin ko for my wedding. Nang kapili na ako, sinabi ko iyon sa secretary ni Mommy at saka niya tinawagan ang naka assign na wedding gown designer para sa pagde-design sa gown ko.

Pumasok muna ako ng kitchen at kumuha sa ref ng isang slice ng pandan cake then one glass of orange juice. Nakaramdam kasi ako ng gutom.

Nang matapos na akong kumain, nagpaalam na ako kila Mommy. Aasikasuhin ko pa kasi yung mga requirements ko for my clearance this school year.

Bumalik ako sa bahay naming tatlo nila Crystal para kunin ang mga requirements na kailangan then pupunta ako ng school.

Binigyan kasi kami ng two weeks para makumpleto ang signitures ng mga teachers namin. Kaya nagmamadali akong asikasuhin lahat. Para kapag dumating na yung deadline, tapos na ako at hindi na ako mahihirapan pa.

Malapit na rin kasi ang Graduation Day namin. Kaya abalang-abala rin ang mga teachers at ang principal namin for the Grand Graduation Day.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng marinig kong tumunog ang aking phone na nasa passenger seat lang. Kaya madali ko lang itong sinagot.

"Hello?"

["Colleen, this is Crystal."]

"I know. What's your problem?"

["Your problem, not my problem."]

"Huh?" naguguluhan kong tanong sa kabilang linya.

["Check your facebook account. Now!"]

Binuksan ko ang Facebook account ko pero hindi ko pinatay ang tawag.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagulat na lamang ako sa aking nakita.

Audrey's photos with Casper?

May nakita akong naghahalikan sila. May nakita akong litrato nila na masaya silang nagyayakapan.

Hindi ko pala napansin na umiiyak na pala ako nang dahil sa mga nakikita ko ngayon.

["Umiiyak ka ba, Colleen? I'm so sorry ah. I just want you to see that sh*ts of your fiancé with his ex."]

I can't hold my tears not to cry. It hurts me alot. Ang mga paisa-isang bumabagsak na mga luha sa aking mga mata ay tuluyan ng umagos na parang hindi na hihinto pa.

Hindi ko na kaya. Suko na ako.

I wipped my tears and try to speak as if I'm still okay. "It's okay. I just need some time to accept the truth that we will never be as sweet as Audrey and him when they're still okay, ..until now."

-silence-

"I thought, I'm better than Audrey. Hindi pala. Hindi ko pala kayang burahin sa mundo niya si Audrey. Nahihirapan na ako sa totoo lang. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Crystal. I need some space. I need some place that I can shout all the pain that I've felt how many years ago... na nararamdaman ko na naman ngayon." dugtong ko. Nararamdaman ko na namang may lalabas na namang luha sa mga mata pero pinigilan ko iyon na tumulo.

["Ano? Itutuloy mo pa ba yung pagpapakasal ninyo?"]

I wipped my tears again at suminghot ng ilang beses saka suminga sa tissue na nasa tabi lang ng kama ko.

"Oo, para sa kompanya ng Daddy ni Casper magpapakasal ako sa kanya. No choice eh. Tsaka para matapos na rin ang issue tungkol doon."

["Sige, ikaw bahala. Basta, nandito lang kami ni Honey. Susuportahan ka namin sa lahat ng desisyon mo."] sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko, hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil nagkaroon ako ng mga bestfriends gaya nila na palaging nand'yan para suportahan ako sa lahat ng desisyon ko.

"Thanks, Crystal. I'm so lucky because I have a bestfriends like you and Honey."

Ilang saglit pa'y nagpaalam na siya. Pati na rin ako. Saka pinatay ang tawag. Ibinaba ko ng muli ang phone sa passenger seat at nagpatuloy na sa pagda-drive.

Nang makarating na ako sa bahay naming tatlo, pumasok na ako ng tuluyan sa bahay at dumiretso sa kitchen. Nauuhaw kasi ako kanina pa. Sayang naman yung pera kung bibili pa ako sa mga nadaanan kong convinience stores kanina ng tubig.

Buti dito sa bahay, marami akong pagpipilian. May tubig, may juices, may cakes, may mini dark chocolate cakes, may milk chocolate drink, at marami pang iba. May tatlong klase pa nga ng leche flan ang nandito sa fridge.

Mga paborito namin ang nandito sa kabilang fridge tapos mga ulam naman sa kabila. Mga isda, gulay at mga prutas. May yelo sa first layer. Tapos sa may likod ng pintuan no'n ay may lalagyan ng eggs.

Nang makakuha na ako ng tubig na malamig, inilapag ko iyon sa counter at nagisip-isip habang nakatingin sa malayo.

Iniisip kong makakalimutan ko rin si Casper. Not now but, soon. Siguro after two years? Or maybe three years. I don't know.

Makakamove-on rin ako. Kaya doon muna ako sa Singapore mag-aaral ng college. Doon na rin ako magtatrabaho ng four years.

Iyon na ang plano ko sa ngayon. Sana gumana na makalimutan ko na si Casper kahit sa ilang taon ko lang napaninirahan ko doon. May mas hihigit pa namang lalake na mamahalin talaga ako na ako lang ang una niya at wala akong kaagaw.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon