° ° °
Colleen's POV
---
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha mula sa bintana.
Tanghali na pala. Sa bagay, dalawang subject namin ang vaccant ngayon kaya kahit na nine o'clock ako bumangon, okay lang.
Bumangon na ako sa kama at pumunta na ng banyo para maghilamos at mag toothbrush. Dumiretso ako sa kusina na kung saan nandoon yung dalawa at kumakain na. Hindi man nanggising o 'di kaya kahit tinawag man lang ako.
"Ang sarap kumain ng wala ako 'noh?" sarkastiko kong saad.
"Ahmm... Sorry. Gutom na talaga kami eh. Tulog mantika ka kasi." sagot nitong si Cystal sabay subo. Nakiharap na rin ako sa kanila. Kumain na rin ako ng mga niluto nila.
Pagkatapos kumain, dumiretso na ako sa kwarto ko. May sarili naman kasi akong banyo doon eh kaya madali na lang akong makakapagbihis.
Nang makabihis na ako, hinintay ko na lang yung dalawa na naghaharutan pa pagkalabas ng bahay. Nasa tapat na kasi ng gate yung kotse ko. Papandarin ko na lang.
Nang makalabas na yung dalawa, sinigawan ko sila. Pero hindi man lang nila ako pinakinggan. Kaya nauna na ako.
Nasa kalagitnaan ako ng biyahe nang biglang tumunog yung phone ko. Kaya sinagot ko kaagad.
"Hello? Mom?"
Yes. It's my Mom.
["Ahmm.. Gusto ko lang ipaalam sayo na bukas yung balak namin na pagkikita ng pamilya natin at ng pamilya ni Tito Julius mo. Kaya maghanda ka, anak. Gusto ko bukas maganda ka."]
Mommy talaga.. Siyempre naman Mommy 'noh. Mana kaya ako sayo na super ganda. Kaya kahit na wala ng make-up, maganda pa rin.
"Okay po, Mom. Noted po. Sige po, bye na. Baka ma-late po ako sa school."
["Bye, anak. I love you."]
"Love you, too Mommy!"
Then I end the call.
Binilisan ko na ang pagmamaneho ko. Gusto ko kasing tumambay ng maaga sa likod ng school para magbasa while listening some love songs gamit ang earphone ko.
Nakarating na ako sa school. Kinuha ko na ang backpack ko kasama ang phone ko at libro sa loob ng kotse ko at bumaba na.
Kaagad akong pumunta sa likod ng school. Salamat na lang at walang tao. May iilan na rin kasing pumupunta rito. Minsan wala ka talagang madaratnan. Kaya ngayong payapa at walang katao-tao, susulitin ko na ang bawat pagkakataon na vaccant pa. Mamaya kasi, may klase na.
* * *
RRRIIIIINNNGGG! RIIIINNNGG! RRIIINNNGG!
Nang marinig ko na ang tunog ng bell, kaagad kong pinampag yung palda ko at inayos na ang lahat ng gamit ko tsaka nagmadaling pumuntang classroom.
Nang makarating na ako sa classroom, salamat na lang at wala pang teacher. Hinihingal akong umupo sa upuan ko sa bandang likod katabi ang dalawang bestfriend ko na kanina pa pala nandito.
"Oh, saan ka na naman ba nagpunta at mukhang pagod na pagod ka?" bungad ni Crystal.
Huminga ako ng malalim. Sasagot na sana ako ng biglang pumasok yung teacher namin kaya dali-dali kaming tumayo at bumati.
///
Grant's POV
---
"Mom, saang school po ako lilipat this quarter?" tanong ko sa Mommy ko na nasa kusina ngayon at nagluluto ng pananghalian.
"Sa school kung saan nag-aaral yung pinsan mo na ai Daniel. Si Neth-neth. Sa sariling school nila." masaya niyang sagot.
"Okay, Mom. Kailan po? Next week?" tanong ko ulit habang tinutulungan siyang maghanda ng pagkain sa dinning table.
"Oo, anak. Pinaasikaso ko na sa secretary ko ang lahat ng mga kailanagan mo para sa school. Tapos pinahanda ko na sa butler mo yung sasakyan mo." that's my Dad. My lovable Daddy.
"Thanks po sa inyo, Mommy and Daddy. Lalo na sa oras na ibinibigay niyo sa akin kahit na alam kong busy na busy kayo sa trabaho."
"Anak, mas mahalaga ka kaysa sa trabaho namin ng Daddy mo. Sa iyo kami kumukuha ng lakas at tibay ng loob para maging successful ang bawat araw namin sa trabaho. Kaya hindi kami magsasawang alagaan ka kahit na alam naming binata ka na." awww.... So sweet talaga ng mga magulang ko.
They hugged me tightly. Bumitiw rin sila pagkatapos. I'm so proud and thankful kasi sila ang naging mga magulang ko.
Nang matapos na kaming kumain, ako na ang nagvolunteer na maghugas ng mga plato. Pinayagan naman ako ni Mommy eh.
Pagkatapos kong maglinis ng mga plato, umakyat na ako sa kwarto ko. May tatawagan kasi akong tao.
Si Neth-neth.
I dialed my cousin's number. Ilang ring lang ang narinig ko at kaagad na niya itong sinagot.
"Insan!" bungad ko.
["What? Are you bored kaya mo ako tinawagan?"] walang emosyon nitong tugon mula sa kabilang linya.
"Hindi naman. Gusto ko lang ipaalam na sa school niyo na ako magta-transfer bukas. So, kitakits!"
["Woah! Nice, couz! Sigurado akong hinfi ka uuwing luhaan. Because every girls in our school, ang hanap ay mga gwapo. Sigurado akong pag-aagawan ka rin. Like me!"]
"No. I will never hurt someone's heart. Ayaw kong tumulad sayo, insan. Dahil hindi naman ako kagaya mo na playboy."
I heard he laughed sa kabilang linya. "Okay, okay. Very good boy a na. Hahaha! See yah tomorrow! Bye!" he end the call.
Itinabi ko na ang phone ko at lumabas ng bahay. Wala naman kasi akong magawang iba. Maglalaro muna ako ng basketball sa backyard namin. May parang court kasi ako doon na maliit lang ang space. Pang practice dahil sa kasali ako dati sa isang varsity team. Kaya dito ako nagpapractice.
Ilang minuto pa ang nakalilipas nang tawagin ako ni Yaya Theresa. Nagriring daw kasi yung phone ko.
Pinakuha ko sa Yaya namin yung phone ko sa itaas sa kwarto ko. Hinintay ko siya ng ilang minuto.
Nang makuha na ni Manang Theresa, binuksan ko kaagad ang phone ko. Nagulat na lamang ako nang makita ko ang name ng taong tumatawag.
"Audrey?!?"
Ano na naman kayang balak nitong babaeng ito sa pinsan ko? Matapos niyang iwan sa ere si Kenneth dati. Baka may balak pa siyang balikan ulit yung pinsan ko na ginago niya. Tapos itong isa naman, magpakatanga na naman.
///
///
///
***
***
***
Thank you sa mga patuloy na nagbabasa ng IIWAP!
Special Mentions Alert!!!
Hello kay:
@Jenny Lyn Jimenez
@Alfonso Dela CruzThank you sa inyo, guys! Thank you so much!
Message me in my Official Facebook account or send me a message here kung gusto mo ng special mention from me. Thank you!
For this chapter, comment your reactions below. Thank you so much! Muah!
- @SleepingSinger
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...