4

1K 43 0
                                    

° ° °

Casper's POV

---

"Hey, dude! Let's celebrate! Nasa school niyo na tayo, bro." kahit kailan, ang hilig talaga nitong isang bestfriend ko sa inuman. Torpe naman pagdating sa mga babae.

He's Hans Alvin Feliciano. My beer-lover bestfriend. Maloko rin siya. Like me!

"Nope, I just want to enjoy my night with this two beautiful girls beside me." I answered. Hah! I love my hobby! Playing girls' emotions is so damn good! I love their tears, the moments that they're crying because of me.

"Nah... You're still a playboy, dude. Hindi ka pa rin nagbabago. You still love playing their feelings, their emotions. Hindi ka ba nagsasawa?" woah! Makapanermon naman ito akala mo perpekto.

He's Elvis Matthew Oraño. My bestfriend who love books. Reading books, like that. Kaya sobrang talino niya. Maliban sa pagiging pogi, matikas, magandang pumorma? Isa pa siyang nerd na aaminin kong cute. Singkit kasi yung mga mata niya, bilugan ang mukha, at mahahaba ang pilik-mata.

"No. Sa totoo lang, mas gusto ko pa ngang pinag-aagawan ako eh. Kasi feeling ko special ako." diretsang sagot ko.

We're here at the bar. Nagsasaya. Ako, wala akong balak na maglasing. I just want to meet some beautiful girls like this two, itong mga katabi kong babae ngayon.

"Oh, boy. Do you want some drinks? Ikukuha kita." anitong babaeng katabi ko ngayon na maputi, sexy at may mabangong buhok.

"Nope. I don't want to drink anything liquor here. I just..want to..be with the two of you." I answered while I'm playing her curly sort hair.

"Ahmm.. Some foods that you love? Anything?" saad naman nitong isang katabi ko sa bandang kanan. Umiling ako.

Nang magsawa na ako sa kanila, binigyan ko na lang sila ng tig-ten thousand pesos. Actually, hindi naman talaga sila maganda. Ang pangit kaya nila.

Mas maganda pa yung babaeng matangkad na natanaw ko kanina sa school. Yung may kasamang mas maliit sa kanya at yung kasama pa niyang mas maliit doon sa isa.

I hope that girl will be mine soon. I like her. I can't explain my feelings.

"Bro, I want to go home now. I'm bored. Bye! Kita-kits na lang bukas." pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko saka lumabas na at sumakay ng kotse sabay pinaharurot iyon ng mabilis.

Pagdating ko sa bahay, narinig kong parang may tao sa dinning area kaya pumunta ako roon. Nadatnan ko sila Daddy na nag-uusap-usap.

"...Sana maging masaya ang anak natin sa sarili nating school." saad ni Mommy sabay subo ng pagkain.

Pag-angat ng ulo ni Mommy, lumingon siya sa gawi ko kaya nakita niya ako.

"Son! You're here na pala. Come! Let's eat!" aya sa akin ng Mommy ko pero umiling ako.

"I'm not hungry." sagot ko sabay iwas ng tingin.

Simula ng namatay ang biological mother ko, hindi na ako namalagi pa sa bahay namin. Galit ako kay Daddy at sa STEPMOM ko. Ayaw ko silang makasama sa iisang bahay, sa iisang bubong kaya pagala-gala ako.

"'Nak.."

"Don't try to convince me to eat! If I said I don't want, I don't want!" putol ko sa sasabihin sana niya.

"And please! Don't call me son! 'Cause you'll never be my Mom!" dugtong ko.

"Kenneth!" saway sa akin ni Daddy pero hindi ko na lang siya pinansin at tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko. I don't care kung masaktan man ang babaeng ipinagpalit ni Daddy sa Mommy ko.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko, ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama ko. Itutulog ko na lang siguro ang inis ko at galit ko. Sana bukas, may pupuntahan ulit akong party para hindi ako makapag-stay ng matagal dito sa bahay namin.

---

Ilang oras na akong hindi makatulog dahil hindi ko makalimutan yung babaeng nakita ko kanina. Hindi siya matanggal-tanggal sa isipan ko. Sa tuwing pipikit ako, siya yung nakikita ko.

Actually, first time kong makaramdam ng ganito. Naninibago rin kasi ako sa nararamdaman ko. Iba na kasi yung bilis ng tibok ng puso ko kapag naaalala ko yung itsura niya.

Sana bukas, makita ko ulit siya at masabi ko na gusto ko siyang maging akin kaagad. Yung tipong gusto kong maging kanya habangbuhay. Yung hindi tulad ng mga babaeng i-dinidate ko na panandalian lang.

* * *

Tanghali na ako nakagising. Hindi dahil sa nakainom ako kagabi dahil hindi naman talaga ako naglasing kagabi. Kundi dahil sa puyat na ginawa ng babaeng 'yon. Muntikan kaya akong hindi makatulog ng matagal. Buti na lang may natirang sleeping pills pa sa may mini cabinet ko sa tabi ng kama ko na siyang ininom ko para makatulog.

Kinuha ko yung cellphone kong kanina pa ring ng ring. Galing pala sa mga hinayupak kong kaibigan ang mga tawag at texts na natanggap ko.

Pinatay ko na lang yung phone ko para hindi ko marinig yung ring. Ang ingay eh. Lalabas muna ako for my morning coffee moment. I just want to be happy kahit ngayong umaga lang. Para hindi naman bad trip all day.

***

Colleen's POV

---

Makalipas ang ilang linggo...

Natapos na ang libing ng Lola ko. Maraming beses na rin akong umiyak. Sana tulungan ako ni Lola na maka get over sa nangyari.

"Ano, Colleen? Papasok ka ba ngayon?" tanong ni Crystal. Tumango na lang ako kahit na ayaw ko pa talaga.

Pero wala akong choice. Daddy and Mommy ko ang kalaban ko kapag hindi ko pinagbuti ang pag-aaral ko.

"Sigurado ka ba? Mukhang hindi ka pa kasi okay eh." singit naman ni Honey kaya napatingin ako sa kanya pero iniiwas ko rin kaagad.

My goodness! Grabe ka, Honey 'noh? Tingnan mong namatayan na nga lang yung tao 'di ba? Alangan namang maging okay ako kaagad. Kaka-stress rin minsan itong kaibigan kong 'to.

"Okay lang. Makakapag focus pa naman ako kahit na ganito eh. Basta walang manggugulo sa akin, I'll be fine." walang emosyon kong sagot saka inayos ang mga gamit ko sa closet ko. Nagtupi kasi ako ng nga damit ko kanina habang nagluluto ako ng umagahan namin.

"Okay, ikaw bahala. Basta kapag hindi mo pa kaya, tawagan mo lang kami. Darating at darating kami, okay?" tumango ako sa isinaad ni Crystal.

Inaya ko na silang kumain para maaga kaming makapasok sa school. I miss the school kahit pa paano. I miss the lessons. I miss listening to all our teachers na nag-eexplain sa harapan. Sana maging okay ako this day. First time kong pumasok ngayon na nakasimangot eh.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon