28

510 29 1
                                    

° ° °

Colleen's POV

---

Hindi sumabay sa amin na nag dinner si Neth. Tinanong sa akin ni Mrs. Balthasar, ang stepmother ni Neth-neth. Inilingan ko siya kanina dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan ang childhood crush ko--este..soon to be husband ko.

Nasa kwarto na ako ngayon para magpahinga. Pero hindi ako makatulog. Kanina pa ako paulit-ulit na pumipikit pero wala pa rin.

Sa bawat pagpikit ko kasi, mikha ni Neth yung nakikita ko. Maliwanag ang paligid at nakasuot siya ng pangkasal at pati rin ako!

Hindi naman ako nakadrugs! Kung ano-anong mga naiisip ko! Ano ba naman 'yan?!

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at pumunta sa round table ko malapit sa long-lenght glass window ko.

Gumawa ako ng 3-in-1 coffee at kumuha sa mini fridge ko ng two slices of dark chocolate cake at inilagay iyon sa platito. Kinuha ko yung mini lamp shade ko na siyang pinang-ilaw ko.

Bukod kasi sa big lamp shade ko sa tabi ng kama ko, may isa pa akong mini lamp shade na nasa ilalim ng kama ko. Minsan ko lang nagagamit. Kapag magrereview lang ako ng lessons o kakain ako sa kalagitnaan ng gabi.

Nang maubis ko na iyon, naglakad-lajad ako. Nagbabakasakali na ddaouan na ako ng antok.

Pero..wala pa rin! Ang tagal ko ng palakad-lakad sa kwarto ko pero ni hikab wala! Halos magkanda hilo-hilo na ako sa kakalakad pero wala pa din. Ano nang gagawin ko niyan para makatulog?

Naalala ko tuloy yung halikan namin doon sa condo niya. Ganito rin ang naramdaman ko. Hindi ako makatulog. Kapag pumipikit ako, si Neth ang palaging nakikita ko.

Pero iba ito, iniisip ko pa rin yung kanina. Hindi kasi ako makapaniwala na siya ang dating Neth-neth na nakilala ko. Ang marusing pero cute na mas matanda sa akin ng isang taon. Payat siya noon. Hindi ko inakalang gaganda ang katawan niya ngayon makalipas ang maraming taon.

Ilang saglit pa'y dinapuan na rin ako sa wakas ng antok kaya iniligpit ko na ang pinagkainan ko sa dish washing area at pinahugasan na rin sa mga katulong na gising pa.

Bumalik na ako sa kwarto ko at pabagsak akong nahiga sa kama. Inayos ko na ang pagkahiga ko rito at nagkumot na. Ipinikit ko na ang aking mga mata at nakangiting natulog. Sana paggising ko masagot na lahat ng katanungan sa isip ko.

Siya nga pala, papasok na ako bukas sa school. Namiss ko ng sobra ang mag-aral ng mga lessons at magbasa ng mga libro sa library.

* * *

Kinabukasan...

Maaga akong bumangon para makapag-ayos na ng mga gamit ko para sa pagpasok ko ulit sa school ngayong araw.

Nasa counter area ako ng kusina. Naghanda ako ng isang sandwich na pinalamanan ng ham at cheese at isang medium-size na tasa ng kape na may creamer.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ng inihanda kong umdagahan, nang biglang mag ring ang phone ko. Tiningnan ko ang screen at nakita ko ang pangalan ng bestfriend ko na si Crystal kaya agad ko itong kinuha sa tabi ko at sinagot.

"Hey! What's up?" sabi ko saka sumubo ng pagkain.

["Papasok ka ba? O..may balak ka pa bang pumasok?"]

"Ang aga-aga, Crystal. Huwag mo akong bad trip-in, okay? Good mood ako ngayon."

Good mood ba talaga ako?

["Fine. Ano? Hintayin ka namin doon sa tapat ng main gate kung papasok ka."]

I sighed. "Yes, papasok po ako. Just wait me there." sagot ko sabay ubos ng umagahan ko.

["Okay. Noted!"] then I end up the call.

Ibinaba ko na sa tabi ang phone ko at hinigop na ng kapeng medyo malamig na kasi hind ko nainom kaagad. Si Crystal kasi eh, tatawag-tawag. Alam naman niyang sa ganitong oras nag-uumagahan na ako.

Nang matapos na akong mag-umagahan, hinugasan ko na ang pinagkapihan ko at dumiretso na sa dressing room saka binuksan ang closet ko para kumuha ng gagamitin kong uniform.

When I've done choosing uniform that I wear later, pumasok na ako sa banyo dala-dala ang towel na gagamitin ko after kong maligo.

Nang makaligo na ako't makabihis, sinuklay ko na ang aking buhok at inayos ang sarili. Nagsapatos na saka lumabas na ng bahay.

Paglabas ko, nasa tapat na ng main door namin ang kotse nila Mommy at Daddy. Sila na lang ang kulang. Nagsasagutan kasi sila. Ayon sa pagkakadinig ko, pinag-aawayan nila ang late na kung dumating pag gabi si Daddy.

Pinabayaan ko na sila. Problema nila iyon. Kailangan nilang ayusin nang hindi ako maapektuhan pati ang image ng pamilya namin sa ibang tao.

Sumakay na ako ng kotse ko. Nag drive ako ng medyo mabilis. Salamat na lang at hindi traffic ngayon kaya agad akong nakarating sa school.

Bumaba na ako pansamantala ng kotse. Hinagilap ng mga mata ko ang kinaroroonan ng dalawa. Nakita ko yung kotse nila na nasa tapat nga ng main gate. Sumakay ako ulit. Pumunta ako sa gawi nila at binusinahan sila. Nagulat yata sila kaya lumabas sila at sinigaw-sigawan ako. Natatawa akong lumabas sa kotse.

"Ano ba kayo? Ako 'to. Mukha kasing ginawa niyo ng display ang mga kotse niyo dito sa labas ng campus." medyo natatawa kong saan.

"Gusto ko lang ipaalam na nandito na ako. Kaya tama na ito. Pumasok na lang tayo. Baka ma-late pa tayo ng pasok." dugtong ko saka pumasok na sa kotse. Ganoon rin naman ang ginawa nila.

Nang mai-park ko na ang kotse ko pati sila, agad kong kinuha ang bag at ang tatlong libro ko saka tuluyan ng bumaba ng kotse ko.

Nakita ko silang matatalim ang tingin sa akin. Kay kinunutan ko sila ng noo.

"Anong ayos niyo? Bakit parang may galit kayo sa'kin?" tanong ko.

Umayos ng tayo si Honey. "Ang ingay mo kasi kanina! Nabingi pa kami sa busina mo! Letseng busina 'yan!" mataray na sagot nitong si Honey. Kaya napangisi ako.

"Psh! Kainis ka talaga." singit naman ni Claire saka umirap.

"Fine, sorry na. Okay na kayo?" dahan-dahan silang tumango. Patakbo silang pumunta sa tabi ko at saka ako inakbayan.

"Tara na nga. Baka ma-late pa tayo. Ang liit na problema, pinapalaki pa natin. Para tuloy nagmukha tayong mga bata sa inasal natin." sambit ni Crystal bago kami tuluyang naglakad papalayo sa parking lot.

I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon