° ° °
Crystal's POV
---
"Ang gwapo talaga ni Casper 'noh? Sana maging akin na lang siya para kainggitan nila ako. Yieee!"
Nandito ako sa cafeteria. Recess eh, kailangan kong kumain ng meryenda para may lakas akong mag-review mamaya.
"Hay, ano ka ba? Ako kaya yung pakakasalan niya. Kasi.. mas bagay kami."
Ano bang meron sa mga babaeng 'to? At sino si Casper? Pfft! Artista ba 'yun?
Lumapit ako sa mga babaeng nakaupo dito sa cafeteria dahil sa curious nga ako. "Ahmm.. Sino si.. Casper?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Humarap si Ate girl na makapal ang lip stick. "Hindi mo pa ba alam? Si Casper. Casper Daniel Kenneth Balthasar. Yung new student dito? Shaks! Grabe! Ang gwapo niya! Kyaaaaah! Kinikilig tuloy ako sa tuwing binabanggit ko yung buong pangalan niya." sagot niya saka nakipagtilian sa kasama niyang nerd na makapal rin ang lip stick. Para tuloy silang iniumpog ang bibig sa pader. Hmp! Makapunta na nga lang sa dalawa. Baka kanina pa nila ako hinihintay.
Pero napahinto ako nang maalala ko yung isinagot nung babae.
Teka? Siya ba yung lalake kanina na nakita namin? Yung narinig kong isa raw playboy na anak ng may-ari ng school na 'to? Yung pinagkakaguluhan ng mga babae? Ay grabe! Kailangang malaman nila Colleen 'to. Bago at sariwang balita pa!
Pinuntahan ko yung dalawa sa classroom namin. Ang sabi ko kasi sa kanila saglit lang ako. Pero mukhang natagalan yata dahil sa pagkatsismosa ko rin minsan.
"Oh! Nandito na pala ang babaeng ubod ng bagal." bungad nitong si Honey.
"Makapagsabi naman itong isa, akala mo naman mabilis kumilos." hindi ko mapigilang mapangiti sa mahinang hirit nitong si Colleen. Sana hindi narinig ni Honey. Naku! Paktay kung narinig pa niya. Hahaha!
"Anong sinabi mo, Colleen?!" naku! Narinig yata niya. Nyaks!
"Ahmm.. Wala. Ang sabi ko, ang bilis-bilis mong kumilos. Para ka nga lang hangin kung kumilos. Yung tipong isang hakbang mo pa lang, nasa Mandaluyong ka na. Galing! Ang galing nga eh." sarkastiko nitong paliwanag.
"Colleen, huwag mo akong simulan. Binabalaan kita." hala! Mukhang magsasabong na nga silang dalawa. Ito naman kasing Collen na 'to! Iniinsulto pa itong bestfriend namin. Bestfriend ba namin talaga itong Colleen na 'to?
"Huh? Simulan? Sige, sisimulan kita pero dapat tapusin mo ah?" hay... nambabara na naman siya.
"Ikaw talaga Colleen sumu--" hindi ko na kaya 'to. Kailangan ko silang pigilan! Baka magkagulo pa silang dalawa.
"Hep! hep!--"
"Hooray!" naku! Humirit na naman itong Colleen na 'to! Ano bang problema nito at parang inis na inis?!
"Colleen, please stop! Gusto mo bang magkagulo rito?!" hindi ko napigilang sumigaw. Nakakainis na kasi silang dalawa. Kung mag-away akala mo bata. Pssh!
"Ano bang problema ninyo at bakit kayo nagkakapikunan?!" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Ako, wala. Pero siya, sigurado ako. Merong problema ang kaibigan natin, Crystal." nakatitig na sagot sa akin ni Honey.
Umiwas ng tingin si Colleen. "Wala naman talaga akong problema eh." mahinahong sagot niya. Pero hindi ako naniniwalang wala lang! Nakikita ko sa mga mata niyang meron siyang hindi sinasabi sa amin.
Dali-dali kong inakbayan ang bestfriend namin. "Nope, Colleen. May kailangan kaming malaman na hindi mo sinasabi sa amin. Ano ba talaga 'yon? Dali, sabihin mo na. Bestfriend mo kami, kaya mapagkakatiwalaan mo kami."
Napansin kong biglang naging malungkot si Colleen. Napayuko siya habang pinaglalaruan ang mga kamay niya. Ilang singhot rin ang narinig namin. Kaya nagtanong na ako.
"Umiiyak ka ba?" hindi niya ako sinagot at nanatili lang na tahimik kabang humihikbi. Mukhang masamang balita ang nabalitan niya o kaya naman eh nalaman.
"Si Lola..., patay na siya." napanganga ako dahil sa mahina niyang sagot.
Alam ko kung gaano niya kamahal ang Lolo at Lola niya. Hindi ko rin mapigilang umiyak nang dahil sa nalaman ko. Mabait ang mga Grandparents ni Colleen. Sobrang bait nila. Tsaka ang dami ko kayang napulot na mga aral sa kanila.
Isa na doon ay ang kung paano timpihihin ang galit o pagkainis na nararamdaman ko sa tuwing galit na galit na ako o 'di kaya naman ay inis na inis na ako.
I tried to calm myself not to cry but, I can't control my eyes! And some of my tears now are flowing down to my cheeks.
Mukhang wrong timing ang dapat pagsasabi ko ng balitang nakalap ko kanina kaya sasabihin ko na lang sa kanila. Pero hindi sa ngayon, sa susunod na lang.
Nagkatinginan kami ni Honey. Sinenyasan ko siyang mag-sorry pero umiling lang siya. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang gusto ko.
"I'm sorry, Colleen. I'm so sorry." she said then she hugged Colleen so tightly. Gano'n din ang ginawa ko, nakiyakap ako sa kanila. I'm happy because we're okay again..temporarily. Bumalik na naman kasi yung sakit na nararamdaman namin kanina.
The news, the sadness, and the tears that we'll never control to escape again from our eyes when we remember the person that we love so much. The person who teached us so many lessons for our future life.
Kung masakit para sa amin ang balitang nakarating sa aming dalawa ni Honey, mas masakit para kay Colleen ang balitang nalaman niya.
Hindi ko akalain na papanaw na ang pinaka espesyal sa lahat ng mga naging Lola. Oo, may Lola rin ako. Pero ang laki ng pinagkaibahan niya sa Lola ni Colleen. Mas mabait ang Lola niya kaysa sa Lola ko.
I wipped my tears. I want to know where Colleen heard that news.
"Siya nga pala. Saan mo nabalitaan?" tanong ko.
She wipped her tears before she turn his gaze on me to answer my question. "Sa Tita ko sa Victoria dito sa Tarlac. Sa probinsiya namin." anito.
Si Tita Mia. Yung isa sa mga kapatid ng Daddy niya sa probinsiya nila.
"So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong naman ni Honey na ngayon ay pinupunasan na ang mga luha niya gamit ang panyo niya.
"Uuwi ka ng probinsiya?" singit ko sa tanong ni Honey.
"Hindi muna siguro. Tsaka hindi naman ako papayagan nila Mommy kasi baka ipalipat dito sa Tarlac yung labi ng Lola ko." sagot niya saka tumayo at inayos yung buhok.
Saktong uupo na sana kami nang biglang tumunog yung bell, kaya dali-dali ko ng inubos yung pagkain kong siomai kanina. Grabe! Lumamig na! Ang drama naman kasi nitong Colleen na 'to.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...