° ° °
Kinagabihan...* * *
Crystal's POV
---
Nandito kami ngayon sa may living room. The party is already started few minutes ago. Nandito na lahat maliban nga lang sa mag-asawang Casper at Colleen.
Si Hans, lasing na. Gano'n rin si Elvis. Si Honey, hindi pa naman tulad ko. Kasi, hinay-hinay lang naman kami sa pag-inom ng alak. Hibdi tulad nitong dalawa na ginawa ng tubig ang iniinom nila. Halos punuin na nga ni Hans yung baso niya. Tss! Ganito ba kalakas uminom 'to? Hay.. Ang pinakaayaw ko pa naman ay yung lasinggero. Sayang siya, ang gwapo pa naman niya.
Si Elvis, kaya naman siya nalasing ng ganoon ka-grabe dahil sa kagagawan nitong si Hans. Hindi pa kasi nauubos ni Elvis yung alak na nasa baso niya, nilalagyan na naman ni Hans. Kaya paanong hindi sila malalasing na dalawa?
Lumapit sa akin si Honey at bumulong.
"Ano? Ididispatsa na na'tin itong dalawang hinayupak na 'to?"
Idinadamay pa ako nitong pangit na 'to sa kagaguhang naiisip niya.
"Pake ko naman sa balak mo 'di ba?" mahinahon kong saad.
Tinarayan niya lang ako at bumalik na sa pagkakaupo sa isang sofa chair.
"Eh 'di wag kasi."
Bahala siya. Mukhang nainis dahil sa sinabi ko. Talagang wala naman akong pake sa kung anong mga gusto niyang mangyari o gusto niyang gawin sa dalawang kasama namin ngayon. Wala ako sa mood.
Patuloy lang kami sa pag-inom hanggang sa makita kong tahimik na yung tatlo na tulog na rin. Ako na lang pala ang gising. Pumunta na ako sa kwarto ko. Pero bago 'yon, inutusan ko muna yung isang katulong namin na ipaligpit iyong mga nakakalat doon sa living room.
Bumagsak na lang kaagad ang katawan ko sa kama ko. Kaagad akong nakatulog. Dahil siguro sa kalasingan ko na rin. Naparami yata ang inom ko ng alak.
///
Casper's POV
---
Nagluluto ako dito sa kusina habang itong asawa ko ay nasa living room, may kausap sa phone. Mommy iya yata.
"...Mom, alam ko naman po 'yon." rinig kong sagot niya sa kabilang linya.
"Oo nga po. Hindi po ba pwedeng sulitin muna namin ni Casper ang buong taon na 'to ng kami lang at walang iniisip na mga school works o school projects?" saad niyang muli.
"Ugh! Fine! Mag-eenroll na po kami. But, give me my allowances first."
"Yes! Thanks, Mom!
"Bye, Mommy!" masaya nitong tugon sa kausap saka binaba ang phone.
Tiningnan ko siya na parang nagtataka bago nagsimulang magsalita.
"You're still spoiled."
Kumunot ang noo niya. "Spoiled? Really, huh? How?"
Hinango ko ang niluto kong caldereta saka inilagay sa malinis na platito at inihain sa dining table. Siya naman, lumapit na dito sa dining table at umupo na sa upuan.
"Nakukuha mo lahat ng gusto mo."
Natawa ng kaunti. "Hindi nila ako inii-spoiled. Talagang sadyang mapagbigay lang ang Mom ko. Pati na si Daddy."
Hindi ko mapigilang mapaisip kung minsan. Paano kaya ang buhay ko kung nabuhay pa ang Mommy ngayon? Masaya kaya tulad ng asawa ko?
Hindi ko napansing may isa-isa na pa lang nahuhulog na mga luha sa mata ko kaya dali-dali ko itong pinunasan gamit ang palad ko.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with a Playboy [COMPLETED] - PUBLISHED UNDER IMMAC
Teen Fiction[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] NOTE: If you want to read the clean version of this novel, I'll suggest that you need to buy the physical book. Thank you! --- DESCRIPTION: Takot akong ma-in love! Dahil wala naman talagang forever! Pero, teka? Pero paano...